15.FIONA

340 13 1
                                    

First time ko lang makapunta sa lugar na to at hindi ko akalain na ganito pala ka kalma ang paligid ng K-JEWELRY. Napag alaman ko din na hindi ordinaryong babae lang ang kaharap ko kundi tagapagmana ng DS Dynasty.Si KLARISSE J.DE SILVA.

"Im so sorry kung dito kita dinala sa office ko,Ito lang kasi ang alam kong safest place na walang makakakita sa atin._Klarisse.Nilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid.Nakaka wala ng stress ang kabuuan ng lugar.
Isang malaking hardin sa loob ng isang magarang building.Puro luntiang halaman ang paligid na kay sarap pagmasdan.

Puro luntiang halaman ang paligid na kay sarap pagmasdan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yun nga ang kanina pa gumugulo sa isip ko.Bakit kailangan nating magtago? Bakit hindi tayo dapat makita? At bakit sabi mo may humahabol sa atin? Ano bang issue mo?_AKO.

"Well,Ganito kasi yun,About sa nangyari sa atin before.Yung alam mo na...
May nakakita sa ating magkasama sa suite at nakuhanan tayo ng mga pictures._Klarisse.Shock ako sa sinabi nya kaya bigla akong napatayo.

"Anong may mga pictures tayo?Papanong may nakakita sa atin? Bakit tayo kukuhanan ng mga pictures ng walang pahintulot? Thats BULLSHIT!
Hindi nila pupwedeng gawin yun._AKO.Saka nya inabot sa akin ang isang makapal na sobre.Kahit di ko pa nakikita ang alam nun,Alam kong yun ang mga pictures na sinasabi nya.

"Mula sa BAR hanggang sa carpark,Maging hanggang sa suite kung saan tayo nag stay, Na kahit na nasa labas pa lang tayo ng pintuan papasok ay may mga kuha na tayo sa aktong naghahalikan.Hanggang sa pagpasok natin sa loob ng kwarto at isa isa nating hinuhubad ang maga damit natin.
Lahat yun ay nakunan ng camera._Klarisse.Saka sya napahawak sa nuo nya.

Nanginginig na binuksan ko ang sobre at nakita ko nga ang mga kuhang larawan naming dalawa na naghahalikan.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling yun.Basta na lang akong nanginig at saka napa impit ng pag iyak.

"Papanong nakuhanan tayo ng larawan? Bakit tayo kinuhanan ng larawan ng taong gumawa nyan?Wag mong sabihing...May video din tayo habang ginagawa natin...Ohhhh Gaaaaaad! _AKO.Tuluyan na akong napaiyak ng malakas.Sa ikalawang pagkakataon,Muli na naman akong napaiyak sa harap ng taong ito.

"Si CHRIS CHAVEZ ang nasa likod ng lahat ng ito.Ang lalaki na gustong ipakasal sa akin ng tatay ko.Pero hindi ako pumapayag sa gusto ng dad.
At alam yun ni Chavez kaya para hindi ako tumangging pakasalan sya,Bina blackmail nya ko.Ipagkakalat nya daw sa lahat ang pagiging LESBIAN ko para masira ako sa mga tao.Hindi pa ako sure sa videos na sinasabi nya pero hindi posible yun sa kagaya nyang tuso._Klarisse.

"Damn it! Bakit pati ako nadawit sa problema nyo? Hindi ako LESBIAN.
At lalong hindi pwedeng MASIRA ANG REPUTASYON KO AT ANG PANGALAN NG PAMILYA KO dahil sa eskandalong ito! Hindi pwedeng makalabas ang video na yun kung totoong meron man.Idedemanda ko kayong lahat kapag idinamay nyo ko sa kalokohang yan._AKO.

"Kaya nga kinausap kita ngayon.Para aware ka sa mga nangyayari at mga pwedeng mangyari pa.Para mapaghandaan mo at hindi na ito malaman pa ng buong family mo.Para hindi kayo masira at ang magandang pangalan nyo.
Kung ako lang,Hindi naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba.Alam ko naman sa sarili ko na babae ako at wala akong isyu tungkol sa kasarian ko.Pero after kong malaman from Thea ang tungkol sa pamilya mo,Nag alala ako para sayo.Alam ko namang napaka halaga sa inyo ng pangalan._Klarisse. Bahagya naman akong natouch sa sinabi nyang hindi sya nag aalala sa sarili nya kundi para sa akin.

"Papano ko makakausap si Chavez gayung may issue din sila ng tatay nya sa kuya ko? Damn it! Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng makalaban, si CHAVEZ pa.Papano ko ipaliliwanag sa kanya na aksidente lang ang nagyari sa atin at parehas tayong wala sa wisyo ng mga oras na yun.
At lalong lalo hindi ako LESBIAN!_ AKO. Tahimik lang syang nakikinig sa akin at halatang may malalim na inisip.

"Kung wala na talagang iba pang paraan,Mas makabubuti sigurong sundin ko na lang ang napagkasunduan namin ng aking ama.Nang sa gayun ay wala ng madamay pang iba._Klarisse.Napa angat ang mukha ko at napatingin sa kanya.

Tama bang magpakasal sya sa taong demonyo ang ugali para lang manatiling lihim ang lahat? Makakaya ba ng kunsensya ko na habambuhay syang nagdurusa sa maling tao wag lang akong madamay sa gulo? Sino ba ang tangang uminum ng baso na yun? Sino ba ang namilit na gumawa ng mga bagay na magiging dahilan pala ng pagkasira ng pangalan naming dalawa? Kasalanan nya bang samahan ako sa SUITE na yun at tugunan ang pangangailangan ko?
Tapos ako pa ang may ganang magalit kahit alam ko naman na WALA SA AMIN DALAWA ANG MAY GUSTO NA MAY MANGYARI SA AMIN?

"Teka,Kailangang pag isipan natin mabuti ang lahat.Dapat hindi tayo maging padalos dalos sa gagawin natin.Yung mga pictures,Pwedeng gawan ng paraan na sabihing photoshoot at edited lang.Ang kailangan natin ay makausap ang may ari ng HOLIDAY SUITES para maka siguro tayo kung totoong meron ngang hidden cam yung room nila._AKO
.Tumatango tango lang sya habang nakikinig sa akin.

"Okey lang naman sa akin kung ako na lang ang mag aayos ng gulong nagawa ko eh.Ang importante lang sa akin ay malaman mo ang sitwasyon.
Wag kang mag alala.I'll make sure na hindi madadamay ang name mo at ng pamilya mo sa gagawin ko.On going na din naman ang investigation regarding dun sa HOLIDAY suites na pinag stayan natin.May mga tao na akong pinakausap sa kanila.Kapag napatunayang totoong meron ngang video, Wala akong choice kundi tumugon sa pamba blackmail nya._Klarisse.

"I'll help you.Madami akong kilalang matatas na pulis para mas mabilis ang pag i imbestiga.Saka magtatanong din ako sa mga judge na kakilala ko kung anong mainam mong gawin.Pwede din kitang tulungan para mapigilan natin ang daddy mo sa pagpipilit nyang mapakasal ka sa lalaking hindi mo naman gusto._AKO.

"Salamat.Salamat sa pang unawa at pag aalala.Alam kong malaking problema itong nangyari para sayo at nakadadagdag pa sa mga alalahanin mo.
Wag kang mag alala.Hangga't may magagawa ako,Gagawin ko ang lahat para hindi ka madawit sa kontrobersya at eskandalo.
Sorry dahil nadamay ka pa sa isyu ko._Klarisse. Napatitig akong muli sa kanyang mukha.Hindi ko maipaliwanag pero bakit hindi ko napigilang haplusin ang kanyang pisngi.

Ipinahatid ako ni Klarisse sa driver nya pabalik ng Plazafair dahil nandun ang kotse ko.Sa byahe pa lang ay bigla na lang akong nakaramdam ng pagkalito.Alam kong hindi ako LESBIAN pero bakit parang bigla akong nagkaroon ng simpatya at pagtatangi sa kanya?Bakit kahit wala na sya sa harap ko ay mukha pa din nya ang nakikita ko?Ano ba ang nangyayari sa akin?

Alam kong hindi ako LESBIAN pero bakit parang bigla akong nagkaroon ng simpatya at pagtatangi sa kanya?Bakit kahit wala na sya sa harap ko ay mukha pa din nya ang nakikita ko?Ano ba ang nangyayari sa akin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon