27.FIONA

348 21 1
                                    

Maraming tao ngayon dito sa opisina kaya naman busyng busy kami lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maraming tao ngayon dito sa opisina kaya naman busyng busy kami lahat.
Kapag kasi araw ng lunes ay madaming mga kumukunsulta sa aming karaniwang mamamayan lang o yung mga walang pambayad ng mahal sa abogado.Saktong lunch break ng daanan ako ni Alyssa para daw sabay na kaming maglunch.Hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko din syang makausap.Regarding dun sa case ng mga DE SILVA.

"Kamusta na yung problema ng mag amang De Silva,Hindi pa din ba sila nagkakasundong mag ama?_AKO.Kung tutuusin kasi ay problemang mag ama yun na kayang kayang madaan sa mabuting usapan kaya mas okey sanang pag usapan na lang nila.

"Naku,Ganun pa din.Hindi pa din nagpapatinag si Klarisse.Talagang desidido syang wag sundin ang ama nya.Tapos ito naman tatay nya, Wala ding balak mag give up at mukhang tototohanin yung kasunduan.
Pag nagkataon,Ang pinaka matutuwa ay yung mag ina. Kasi naman kampante sila na nasa kanila yung 1/4 ng kayaman ng DS eh._Aly.Di hamak kasi na mas malaki ang parte ni Klarisse dahil kalahati ng kayaman ng DS ay sa kanya.At ang natitirang 1/4 ay otomatikong para sa magiging anak ni Klarisse kapag nag asawa sya.

"Hindi kaya tinatakot lang nya si Klarisse kaya yun ang ipinalagay nya sa kontrata?Imagine,Ilalagak nya lang sa kawang gawa ang lahat ng kayamanang magiging parte sana ni Klarisse kapag hindi sya nagpakasal sa lalaking ayaw naman ng anak nya.Para namang hindi makatarungan yun._AKO.

"Nung una ganyan din ang nasa isip ko eh,Kaya sabi ko hindi masyadong mahirap ihandle kaya tinanggap ko.Pero nitong medyo nalalapit na sa deadline,Medyo napapaisip na ko.Bakit ba atat na atat itong si Chairman na ipakasal ang nag iisang tunay na anak nya sa taong hindi naman gusto ng anak nya? Anong motibo nya sa pamimilit nyang makasal kaagad ang anak nya?_Aly.Ako man ay napapaisip din kung bakit.

Mayroon akong limang kaso na dapat pag aralan ngayon buwan na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mayroon akong limang kaso na dapat pag aralan ngayon buwan na ito.
Kaya naman tutok ako sa trabaho at wala akong time para maglibang.

"Sige na samahan nyo na kong uminum.Kailangan kong makalimot kahit sandali lang.Masyado akong stressed ngayon.Kailangan kong may mapaglabasan ang problema ko._Liezel.Nakabalik na sya ng Manila pero nandun pa din ang asawa nya sa probinsya.Stressed sya kasi nga ay hanggang ngayon,Bukod sa mga anak ng dating senador,Galit din sa kanya ang mga magulang ng asawa nya.

"Ang dami ko pa kasing binabasang kaso eh.Kaya hindi ako makaka alis basta basta.Sina Alberta at aly na lang muna ang isama mong mag bar.
_AKO.Dito nya kasi ako sa opisina pinuntahan para kuliting samahan sya.

"Kasama nga kasi ni Berta yung jowa jowaan nyang APAM sa Bora.
Tapos ito namang si Aly,Out of the country ngayon dahil isinama daw mag shopping nung mayamang kliyente nya sa Japan.Kaya ikaw na lang ang pag asa ko Ion._Liezel.Naawa naman ako sa kanya kaya kahit busy ako at hindi naman umiinum ay wala ng nagawa kundi samahan sya.

Wala pang kalahating oras ay nandito na kami sa Bar.Marami rami din ang tao ngayon kahit na Lunes.Kasi naman ay puro mayayaman ang mga costumer dito at walang pakialam sa araw o sa buwan.Palagi kasing may mga pera.Unlike sa karaniwang bar na kapag kinsenas at katapusan lang madaming tao talaga.Gaya ng nakagawian,Sa VIP lounge kami naka pwesto.Pero yung akala ko na kami lang ang tao,Nandun din pala sina
Thea at ang grupo nya.

"Sorry medyo natagalan kami.Ang hirap kasing ayain nitong si Attorney.Bisi bisihan ang peg! Mukhang nakakarami na kayo ha._Liezel.
Napailing na lang ako.Naisahan na naman ako ng bruha.Akala ko talaga wala syang makakasama sa pag punta nya dito kaya ako napilitan.

"Ganyan talaga kapag mga manananggol,Talagang madaming ginagawa.Madaming kailangang pag aralan at sauluhin.
Mabuti na lang at Business ang kinuha kong kurso,Baka kung nag Law ako nabuang na ko siguro._Millie.

"Mabuti na lang nga ganun,Kasi hindi kapa nga naglo Law,Buang kana what more kung naging attorney kapa!hahahaha._Kyle..Napangiti ako sa biro nya.Ilang beses ko pa lang syang na meet kaya hindi ko pa sya masayadong kakilala.Pero mukha namang mabait at palabiro sya.

"Aysus,Nagsalita ang hindi BUANG! Mas baliw ka kaya sa akin noh.Baliw sa pag ibig!hahahaha._Millie.Sabay sabay silang nagtawanan kaya nakitawa na din ako.Hanggang sa mapadako ang mata ko kay KLARISSE na tamang pangiti ngiti din habang umiinum.Saktong nakatingin din pala sya sa akin

"Guys,Dapat lahat tayo iinum ha.Bawal ang KJ.Broken hearted ako tapos itong si Liezel naman tamang EMO kaya dapat lahat tayo magpakalasing para makalimot.Tapos isa pa tong BFF ko na problematik din.Haaay naku bakit ba napakalupit ng mundo._Kyle.Itinaas nya ang baso na hawak nya at saka sila lahat nakisabay.Dahil ayaw ko namang matawag na KJ kaya nakitaas na din ako ng baso ko.

"Love shot! Love shot! Love shot!_ Sigaw nila kina Thea at Liezel.Agad namang pumwesto yung dalawa at game na game na sabay inubos ang
laman na alak sa baso nila.Sumunod naman ay sina Kyle at Millie.

"Kayo naman ION and KLAR! Pero lalagyan natin ng twist.Dapat isang baso lang tapos sabay nyong uubusin yung laman!_Kyle.Agad nila kaming itinulak para magtabi sa upuan.Wala akong idea sa gagawin kaya sumunod lang ako kay Klarisse.

Ipwinesto na nila kaming magkaharap at iisang shot glass nga lang ang gagamitin naming dalawa.Hinawakn din nila ang mga kamay namin sa likuran kaya tanging bibig lang namin ang gagamitin naming dalawa.
Maayos naman na sana naming maisasagawa ang pag inum gamit ang bibig lang ng biglang tabigin ni Millie ang baso kaya saktong nagdikit ang mga labi naming dalawa ni KLARISSE.Parehas nanlaki ang mga mata namin sa gulat at mabilis na naglayo ang mga mukha namin.

"Hahahahhaa.Pasensya na,Natabig ko pala yung baso! Buti hindi kayo natapunan.Teka ipapatawag ko yung waiter para linisin yung sahig._ Millie.Saka sya nag buzz dun sa counter na parang wala lang sa kanya ang nangyari.

"Buti na lang parehas kayong babae kaya okey lang.Kasi kung naging lalaki kay lang attorney,Malamang sinagpang ka na nitong bff ko.Alam mo naman,desperada na to eh!hahahaha._Kyle.Nagkatingin kami ni Klar at bahagya na naman akong namula dahil sa naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon