38.FIONA

325 22 2
                                    

Di hamak na mas maliit nga ang bahay namin kaysa sa mansyon ng mga De Silva pero mansyon pa din naman itong matatawag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di hamak na mas maliit nga ang bahay namin kaysa sa mansyon ng mga De Silva pero mansyon pa din naman itong matatawag.Mayroon kaming 7 bedrooms kasama na ang kwarto ng mga kasambahay namin at may 8 bathroom din.Madalas kaming mag stay sa pool area after naming magsalo salo ng tanghalian para mag kwentuhan.

"Fiona anak,Kamusta na nga pala yung kaso tungkol sa kapatid mo.Wala pa din ba daw silang lead na maipapakita sa atin? Aba'y pagkatagal tagal naman yata nilang mag imbestiga?_Mommy flora.

"Mommy,Wag na po kayong masyadong nag aalala dahil kahit ang asawa ko naman ay tumutulong din sa imbestigasyon.Hayaan nyo ho at kapag may balita na sa kaso ay kayo ang una naming pagsasabihan. _Ate Frida.

"Tama ang mga anak mo darling,Pasasaan ba at mahuhuli din ang may gawa nun sa anak natin.Kaya mag relax ka na lang muna at i enjoy itong pagsasalo salo natin._Daddy.Natutuwa akong nakikita na malambing pa din sa isat isa ang parents ko.Tanda ng matibay na pagmamahal nila sa isa't isa.

"Hello Mom,Dad and my pretty sisters! Im home na.Sorry at medyo na late ako,Late na din kasi natapos yung pa meeting ni Mayor eh._Kuya Francis.Naka recover na sya ng husto sa nangyari at ngayon nga ay patuloy pa din sa pangangampanya.

"Naku mabuti naman at natapos din kaagad ang meeting! Haaaay,Akala ko ay hindi na kami makakahabol ni bayaw sa salo salo natin.May mga pagkain paba?Nagugutom na kasi ako eh._Mayor Jun.Na kasunod lang ni kuya sa pagdating.

"Madami pang pagkain syempre naman.Alam naman namin na hindi kayo kakain dun sa pinag meetingan nyo kaya nagtira talaga kami para sa inyo kuya Jun._AKO.

"Mabuti naman bunso,Kasi ay hindi talaga ako nakapag almusal kanina dahil sa late na ako nagising  kaya sobrang gutom na ko talaga!_Kuya.
Sinamahan sila nina Ate at mommy sa loob para asikasuhin ang kakainin nila at kami lang ng Dad ang natira dito sa tabi ng pool.

"Anak,Fiona...Kamusta ka naman? Bakit tila yata malungkot ang bunso ko,May problema kaba ha?_Daddy.Tinabihan nya ako ng upo at saka ihinilig sa balikat nya.Madalas nung bata pa ako ay ganito ang ginagawa nya sa akin kapag alam nyang malungkot ako.

"Daddy,Okey lang po ako.Wala namang problema.Siguro sa work lang po,Medyo madami kasing kliyente pero kayang kaya namang i handle.
_AKO.

"Mabuti naman kung ganun.Kasi baka kaya ka malungkot dahil hindi ka pinapansin ng crush mo.Aba'y malabo siguro ang mata kaya ganun._Dad.
Bahagya akong natawa sa biro nya.

"Daddy talaga,Wala naman akong crush noh! Ang tanda ko na para magka crush pa._AKO

" E di sige kung hindi crush baka nobyo.Kaya ka malungkot kasi may LQ kayong dalawa ha?._Daddy.

"Dad! Kelan kapa natutong mag litanya ng tungkol sa mga ganyang salita?
Hahahahah.Wala nga po kasi akong lovelife._AKO.Saka ko naalala si Klarisse.Nakakapagtaka na kahit na anong pilit namin na umiwas sa isa't isa ay palagi pa din kaming dalawa ang magkasama sa huli.

"Anak,Hindi pa naman ako matanda para hindi maging updated tungkol sa mga ganyang mga millenial words.Nadidinig ko kaya yan dun sa mga nag o- OJT na mga college student dun sa opisina ko.Meron pa nga silang BIAS na sinasabi at saka SHIP tungkol sa mga paborito daw nilang Kpop Idol._Daddy.

"Hahahaha.Ikaw na dad.Mas millenial kapa sa akin dahil alam mo ang tawag sa mga yun._AKO.

"Kaya nga mabuti na lang at nakausap kita ngayon ng solo.Baka kasi mayroon kang gustong ikwento sa akin or mayroong gumugulo dyan sa isip mo,Pwede mong sabihin sa akin._Daddy.Napayakap ako sa kanya.
Kung pwede ko nga lang ipagtapat na sa kanya ang lahat.

"Dad,Ayos lang po ako.May mga problema pero naaayos ko din naman po kaagad kaya wag kayong mag alala._AKO.

"Tungkol sa mayamang negosyante daw na nagpasundo sayo sa opisina nyo,Hindi mo ba sa akin yun sasabihin? Bakit ka nya kinausap? Anong sinabi nya sayo?_Daddy.Nagulat ako na alam nya pala na pinsundo ako ng daddy ni Klar.

"Ahhhh,Yun po ba Dad? About sa dati ko pong kliyente yun na gusto lang akong makausap dahil po may importante syang dukomento na gustong itanong.Nag resign po kasi ako sa kanya._AKO.

"Kliyente mo dati ang may ari ng DSD? Papanong ang isang mayamang tao na gaya nya ay mangangailangan ng tulong mula sa isang karaniwang lawyer na kagaya mo? Parang napaka imposible naman yata nun.I mean,Hindi ko minamaliit ang kakayahan mo anak pero sigurado ako na mga SIKAT at hindi basta basta ang mga abogado ng mga ganung kayamang mga businessman._Daddy.

"Inireccomend lang po ako ni Alyssa sa kanya kaya ko po sya nakilala.
Tapos pinag handle nya nga po ako ng isang case tungkol sa last will ng anak nya,Pero after nun hindi ko na po sya pinagpatuloy pa._AKO

"Yung babaeng pinatulog mo dito nuon,Yung maghahatid lang sana sayo pauwi pero biglang inabutan ng ulan...Sya ba yung taga pagmana ng mga DE SILVA?_Daddy.Bigla akong nanlamig at kinabahan.Mayroon bang alam ang Daddy tungkol sa nangyari?

"Dad? Papano nyo pong nalaman yan? I mean,Yes po Dad...Totoo pong si Klarisse yung nag iisang tagapagmana ng mga De Silva.At sya din po ang anak ng chairman ng DSD._AKO.

"Ininsulto kaba ng De Silva na yun kaya ka nya pinapunta sa bahay nila?
Para ipamukha sayo na ganun sila kayaman kaya dapat mong layuan ang anak nila?Wag sanang tama ako sa hinala ko?_Dad.Napayuko ako at hindi tumingin sa mga mata ni Dad.Ayoko kasing mahalata nyang nagsisinungaling ako.

"Dad,Hindi naman po ganun.Nakiusap lang sya na layuan ko daw ang anak nya at wag na akong makipagkaibigan sa anak nya.Pero hindi naman po nya ako totally minaliit._AKO.

"Hindi kita pipiliting magsabi sa akin kung hindi kapa handa.Pero wag na wag ko lang mababalitaan na mamaliitin ka nya at ang pagkatao mo dahil hindi ako mangingiming labanan sya kahit sa anong laban pa ang gusto nya.Wag kang matakot mag sabi sa akin anak,Dahil kahit pa sinong tao ang manakit sayo,Hinding hindi ako papayag na hindi ka maipagtanggol.
_Daddy.Basta na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.Akala ko talaga ayos lang sa akin yung mga sinabi ng daddy ni Klar sa akin,Pero masakit pala talaga...Ngayon ko lang yun narealize.





" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon