41.FIONA

332 25 3
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila sa labas,Basta ang alam ko lang ay nahihiya ako sa nagawa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila sa labas,Basta ang alam ko lang ay nahihiya ako sa nagawa ko.Nagkulong na lang muna ako sa kwarto magdamag pagka alis na pagka alis ni Klarisse.Wala akong mukhang maiharap sa Mommy at Daddy.

"Fiona,Lumabas ka na muna dito at gusto kang makausap ng Mommy at Daddy._Kuya Francis.Dahil isinara ko ng pinto kaya sa labas lang ng room nagsalita ng malakas ang kuya para madinig ko dito sa loob.

"Kuya,Pakisabi na bukas na lang dahil gusto ko ng magpahinga._AKO.
Imbis na umalis ay lalo pang nilakasan ng kuya ang mga katok nya kaya wala akong choice kundi labasin sila kahit namumugto pa ang aking mga mata.

"Wag kang umaktong parang bata Fiona,Ginusto mo yan kaya panindigan mo.Harapin mo sina Mommy at Daddy at ipagtapat mo kung ano ang totoo.Wag kang magtago.Basta andito lang ako sa likod mo._Kuya Francis.
Nang madinig ko yun ay kaagad akong napayakap sa kanya.Salamat at kahit papaano ay may isang nakaka intindi sa akin.

"Kuya,Sorry ha.Sorry kung nadisspoint kita.Sorry kung dahil sa akin posible kang mahanapan ng butas ng kalaban mo.Ayoko naman sanang mangyari to kuya eh,Pero hindi ko naman sinasadya._AKO.

"Wag ka sa aking magpaliwanag,Kina Mom and Dad.Sila ang dapat mong ikunsidera kung ano ngayon ang nararamdaman nila.Talk to them,Malay mo maintindihan ka din nila gaya ko._Kuya Francis.Sinamahan nya ako sa ibaba at pinaupo sa harap nina Mom and Dad.

"Dad,Mom...Hinay hinay lang po kay bunso.Dito lang ako sa kusina._Kuya Francis.Alam kong di nya talaga kami iiwan,Lalayo lang sya ng bahagya pero nasa tabi tabi lang din namin sya para magbantay.

"Dad...Mom... Im so sorry po.Sorry po sa nagawa ko.Sorry kung nakagawa ako ng mga bagay na ikasasama ng loob nyo._AKO.At saka ako napa iyak ng malakas.

"Ano ba ang ihinihingi mo ng SORRY Fiona,Yung nahuli ka ng Mommy mo na nakikipaghalikan ka dito sa mismong pamamahay natin o yung hindi mo pagtatapat sa amin na may namamagitan na pala sa inyo ni De Silva?_Daddy.Saglit akong napahinto sa pag iyak at saka tumingin sa kanya.Ano ba ang isasagot ko,Pareho namang kasalanan ko yun talaga.

"Pero akala ko ba ipakakasal na sya ng ama nya sa anak ni Chavez?Ano ng mangyayari sa inyo nun kung sakali? Magtatanan kayo? Tatakbuhan ni Klarisse ang kasal nya at kayo ang magsasama ganun ba yun?_Mommy.

"Mommy,Hindi naman po ganun yun.Ang totoo po nyan ay wala po kaming relasyon ni Klarisse. I mean,Wala po kaming pinag usapan na kami.Basta na lang po nangyari tapos hindi namin pinag uusapan kung mag ano ba kami._AKO.

"So ganun na lang yun? Tapos pagkatapos ay kanya kanya na ulit? Maghahalikan kayo na parang wala lang?Baka kundi pumasok duon ang mommy mo ay may iba pang nangyari sa inyo duon._Daddy.

"Daddy,Im sorry.Kasalanan ko.Hindi dapat ako nagpadala sa tukso.Dapat umiwas ako at nag ingat para hindi naging ganito ang kinahantungan ng lahat._AKO.Muli na namn akong napaluha.Sa sobrang hiya at guilt na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilang umiyak sa harapan nila.

"Fiona! Ano ba kasi ang problema? Sabihin mo ng diretsa kina Mom and Dad para naman mas maintindihan ka nila.Kung meron ka pang hindi ipinagtatapat bukod dun sa nakita ng mommy,Mas mabuti pang umamin kana para sa ikakapanatag naming lahat._Kuya Francis.Hindi na din siguro nakatiis na hindi magsalita.Mabuti na lang at umuwi na sina Ate Frida at Kuya Jun.

"Mayroon po akong ipagtatapat sa inyo,Pero wag po sana kayong magagalit mommy...Daddy._AKO.

"Mas magagalit sila sayo kapag hindi ka pa nagsabi ng totoo.Hindi mo dapat sinosolo ang problema bunso,Kaya nga may pamilya ka diba?Kasi kahit gaaano pa kabigat at kalaki ng lagkakasala mo,Tatanggapin ka pa din namin kasi kapamilya mo kami._Kuya Francis.

"Kuya kasi ganito yun,Nalasing kami parehas nuon sa bar tapos pag gising na lang namin parehas na kaming wala ng suot na damit.Pero maniwala kayo Dad,Mom...As in wala talaga akong maalala sa mga nangyari._AKO.

"Ohhhhhh gaaaaad! Parang sasabog ang dibdib ko.Akala ko halikan lang pero mas may malala pa palang nangyari.Fiona,Bakit ka pumatol sa babae din? Papanong nangyari ang ganun?_Mommy.

"Darling,Huminahon ka.Ipinapaliwanag nga ng anak mo na kahit sya man ay hindi din maipaliwanag ang mga naganap.Basta nangyari na lang.
_Daddy.

"Then after that ano na ang nangyari pa?Nagkasundo ba kayo na itago na lang sa lahat at kalimutan ang nangyari ganun ba ha Fiona?_Kuya.

"Ganun na nga sana ang gagawin namin kuya,Kasi parehas naman kaming babae at wala naman kaming parehas alam sa mga nangyari ng gabing yun.Pero akala namin dun na natatapos ang lahat pero mayroon palang taong binayaran si Chris Chavez para sundan si Klarisse sa lahat ng pinupuntahan nya.At saka kami parehas na windang sa balitang bukod sa mga larawan na naglalaman ng mga intimate moments naming dalawa ay mayroon pa daw syang nakatagong VIDEO ng pagniniig naming dalawa ni Klarisse.Ipapakalat daw nya yun kapag hindi si Klarisse nagpakasal sa kanya._AKO.

"HOLLY SHIT! Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin yan! Malaking kontrobersya yan kapag nagkataon.Hindi lang pamilya nila ang maaapektuhan kundi tayo din.Anong hakbang ang ginagawa ni Klarisse para hindi mailabas sa media ang balitang yan?_Kuya.

"Wala syang choice kundi pakasalan si Chavez.Kasi nga ang inaalala nya ay AKO.Ayaw nyang masira ang pamilya natin dahil sa kontrobersya.
_AKO

"Anong ginagawa ng magaling nyang ama? Bakit nya hinahayaang manipulahin ng mga Chavez ang buhay nila ngayon?Dapat sya ang higit na magbayad sa lahat ng ito dahil kundi sa kasakiman nya sa kayamanan nya,Hindi mangyayari ang lahat ng ito._Daddy.

"Dad,Wag na po nating pakialaman ang isyu tungkol sa kanilang mag ama.
Sobra na pong durog na durog ngayon si Klarisse dahil nga sa ginawa ng daddy nya sa kanya.Pakiusap dad,Hayaan na lang po natin sila.Wag na po tayong makialam sa kung ano man ang problema nila._AKO.

"Hindi ako makakapayag na basta na lang natin hayaang manipulahin tayong lahat ng mga taong yun.Kailangan kong kausapin ang ama ni KLARISSE.Kailangan nating maputol ang sungay ng mga demonyong yun.
Wag nating hayaan na magtagumpay sila sa masasama nilang balak._Daddy. Nagkatinginan na lang kami ni Kuya Frank.Alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat.

Alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon