44.KLARISSE

363 21 2
                                    

Tumawag ako kay Mommy sa US at ikwinento ko sa kanya ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumawag ako kay Mommy sa US at ikwinento ko sa kanya ang lahat.
Humingi sya ng pasensya sa akin dahil sa hindi nya pagkampi sa akin nuong una.Kasi nga ay hindi naman daw nya alam ang background nung guy na ipakakasal sana akin.

"Anak,Para naman makabawi ako sayo.Dito na kayo magpakasal ng girlfriend mo at ako ang bahala sa inyo.Ako na din ang mag aasikaso sa lahat at I'll make sure na magiging masaya ang magiging wedding nyo ni ION._Mommy.

"Mommy,As if naman ganun lang kadali ang lahat.Hindi pa nga ako nakakapag propose sa kanya.At saka hindi ko pa alam kung papayagan sya ng parents nyang ipakasal sa akin sa ibang bansa._AKO.

"Gusto mo bang ako ang makipag usap sa kanila? Uuwi ako dyan kung gusto mo? Ayoko namang sabihin nila na wala kang parents man lang na sumusuporta sayo.Gusto ko namang kahit papaano ay makabawi ako sa mga pagkukulang ko sayo anak._Mommy.Minsan kaya bihira kong tawagan ang Mom dahil nga nauuwi sa iyakan ang pag uusap naming dalawa.Aaminin ko na namimiss ko sya ng sobra pero mas nananaig ang pagka miss ko sa Daddy talaga.

"Yan naman kasing Daddy mo,Nahahawa na ng kasamaan ng ugali dun sa asawa nyang bruha!Ayoko lang talaga ang gulo pero gustong gusto ko talaga syang kalbuhin pag nagkita kaming dalawa._Mommy.Si Millie ang nagsumbong kay Mom ng pang aapi sa akin ni Tita Ester.

"Mommy,Hayaan na lang po natin sila.Ayaw ko na pong alalahanin pa ang nakaraan.Masaya na po akong nariyan kayo at sumusuporta sa akin.
Pakisabi din sa dalawang kuya ko na salamat sa mga encouragement nila sa akin.Malaking tulong yun para mas lalo akong magpakatatag.
_AKO.

"Anak,Alam ko kung gano kahirap ng mga pinagdaanan mo.
Akala ko nuong una,Mas magiging maganda ang buhay mo kapag dyan ka sa daddy mo tumira.Kasi dyan ka naman talaga nararapat.
Pero after kong madinig na sinasaktan at pinagmamalupitan ka pala ng madrasta mo ay saka ko naramdaman na nagkamali ako ng desisyong iwan kita sa ama mo._Mommy.

"Mom,Its okey.Alam ko namang ginawa mo lang yun para din sa akin eh.
Tama ka naman,Ako nga lang ang tunay at nag iisang kadugo ng tatay ko kaya nararapat lang na sa kanya ako sumama.Mahal na mahal ko naman ang Daddy kaya lang may mga bagay syang gustong gawin na hindi tama.
_AKO.

"Pabayaan mo na muna yang Daddy mo at siguradong later on ay mari realize din nya ang pagkakamali nya.Pasalamat sya at mabait kang bata at hindi kagaya ng iba na nagrerebelde sa magulang.
Basta anak,Nandito lang si Mommy palagi.Magsabi ka lang kapag may kailangan ka at ibibigay ko sayo.I love you anak and Miss na miss na kita.
_Mommy.

"I miss you too mom.I love you din po.Regards na lang sa mga kuya ko at kay Tito Roger.Kapag po naayos na namin ang lahat dito,Papasyal po kami ni Ion dyan para makilala nyo naman din sya ng personal.Sige po Mommy, bye po._AKO.

Sobrang gaan sa dibdib kapag may mga nakakausap kang malalapit na tao sayo na tanggap ka kung ano ka.Salamat kay Mom dahil hindi nya ako hinusgahan sa kung ano ang totoong ako.Kahit nasa malayo sya, basta alam kong masaya sya para sa akin ay nababawasan kahit papano ang lungkot sa puso ko.Kasi naman ay hindi pa din ako ganap at totoong masaya dahil hindi pa kami nag uusap ng Daddy.

Kasi naman ay hindi pa din ako ganap at totoong masaya dahil hindi pa kami nag uusap ng Daddy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Boss Klarisse,Lalo kang gumaganda ah.Iba na talaga kapag inlove.
Nagiging maningning ang mga mata._Gigi.Nasa opisina ako para sa buwanang meeting with my staff.

"Dati na kong maganda noh! Ikaw talaga,Napaka chismosa mo!
Naayos mo na ba yung mga pinaaayos ko sayong documents?
Kailangan na yun sa makalawa,Baka mamaya nyan maunahan pa tayo ng iba sa pakikipag deal sa Arabella boutique._AKO.Mula sa pintuan ng opisina ko ay iniluwa ang nakataas ang kilay na madrasta ko.Mayroon syang kasamang alalay at dalawang bodyguard sa likod nya.

"Tita Ester,What are you doing here?_AKO.Sumandal ako sa mesa ko at saka hinayaan syang lumapit sa akin.Ni hindi ko na tinangka pang magmano o bumeso pa dahil alam kong hindi nya naman yun papansinin.

"Nandito ako para ipaalala sayo na bilang na ang araw mo sa kumpanyang ito!Kaya ang mabuti pa ay magligpit ligpit kana ng mga gamit mo at yang mga tauhan mo ay pagsimulain mo ng paghanapin ng mga bago nilang trabaho!_Tita Ester.

"At bakit ko naman sila paaalisin sa factory ko? Sa pagkakalam ko kasi, Ako na ang nagpalago ng kumpanyang ito kaya obviously na sa akin lang itong K-Jewel._AKO

"At sumasagot sagot kapa sa akin ha! Ang kapal din ng apog mong magmalaki na sayo ito samantalang sa daddy mo nagmula ang puhunan para dito?Wala kang ni isang kusing na pag aari dahil lahat ito sa daddy mo lang! Ginusto mong magpaka TOMBOY diba Kaya magdusa ka!
Sa kangkungan ka pupulutin ngayon,Bastarda!_Tita Ester.

"Magdahan dahan kayo sa pananalita dahil baka hindi ako makapagpigil at labanan ko na kayo!Alam nyo sumosobra na kayo eh,Mula pa nung bata ako,Sobra nyo na kong sinasaktan eh tapos hanggang ngayon ba naman?
Oo,Aaminin ko.Anak ako ng nanay at tatay ko sa pagkakasala. Pero hindi ibig sabihin nun na pwede nyo na kong saktan!
Nakaganti na kayo eh,Kotang kota na nga sa sobrang sakit ng mga hampas at masasakit na salita na palagi nyong ginagawa at isinusumbat sa akin._AKO.
Napaluha na lang ako sa sobrang sama ko ng loob.

"Kulang pa yan!Kulang pa yan sa mga sakit na idinulot nyo ng ina mo sa akin!Kapag nakikita kita,Pakiramdam ko palagi na ipinamumukha nyo sa akin na wala akong silbing asawa dahil hindi ko mabigyan ang asawa ko ng anak.
Kaya nga botong boto ako sa mga Chavez sana para sayo,Kasi kilala ko silang mga demonyo...Para naman kahit wala ka na sa poder ng asawa ko, may kapalit na dedemonyo sayo sa katauhan ni Chavez._Tita Ester

"Pero sorry na lang dahil hindi mangyayari ang gusto mo._AKO

"Hahahaha,As if naman may magagawa ka? Hindi ba't may video scandal syang pinanghahawakan? Hindi kaba nahihiya na malaman ng buong mundo na ang tagapagmana ng DSD pala ay isang LESBIANA?
Tsk.tsk. tsk.Nakaka awa ka naman iha...Bukod sa pagpi fiestahan kana sa internet dahil sa malalaswa mong video,Mawawalan kapa ng MANA!
Perfect ang plano ko hindi ba?hahaha._Tita Ester.Saka sya lumabas ng opisina na parang bruhilda na tawa ng tawa.







" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon