19.FIONA

334 19 2
                                    

Ipinatawag ako ng Chairman ng DSD para daw sa isang mahalagang pag uusap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinatawag ako ng Chairman ng DSD para daw sa isang mahalagang pag uusap.Hindi ko alam kung bakit sa mismong pagawaan ng mga gintong alahas pa nya ako pinapunta.Sa totoo lang,Nakakalula ang yaman ng mga DE SILVA.Napaka swerte ng taong magmamana ng lahat ng ito sa hinaharap kung sakali.Muli ko na naman tuloy naalala si Klarisse.

"Attorney Herrera,Pasensya kana kung dito na kita pinapunta ha.
Mahirap kasing walang supervision kapag malakihan ang produksyon.
Pang export kasi ang mga ito._Chairman DS.
Malalaking brilyanteng singsing ang mga nakahanay na mabusising tinatrabaho ng mga mang gagawa.Mayroon sigurong sampung katao na naka assign lang para sa mga ganitong special na trabaho.

"Wala pong kaso sa akin yun Chairman.Kahit saaan po ay pupuntahan ko basta para sa mga kliyente ko.Alam ko naman pong busy kayo kaya wala po kayong dapat alalahanin._AKO.Sinenyasan nya akong maupo sa tabi nya.May mahabang couch kasi duon na naka harap sa mga trabahante nya

"Halos dalawang dekada na din ako sa pagpapatakbo nitong negosyo ko alam mo ba? Nasa kasagsagan ako ng pagta trabaho nuon ng biglang dumating sa buhay ko ang anak ko ng di sinasadya.Kaya kailangan kong mamili kung pamilya o negosyo.Dahil masyado akong ambisyoso,Mas pinili ko ang negosyo.At dahil nagbunga naman lahat ng pagsisikap ko, naging maganda ang buhay at takbo ng negosyong ipinundar ko._Chairman.Tahimik lang ako sa pakikinig.Sumenyas sya sa akin kung gusto ko ng wine.Nagsalin kasi sya sa baso nya.

"Pasensya na po Sir pero hindi po ako umiinom.Ayos na po ako dito sa fresh juice na pinahanda nyo.Salamat po._Kinuha ko ang baso at saka tinikman yung juice.Infairness,Fresh talaga sya.Fresh strawberry juice.

"Hahahaha.Para ka palang anak ko.Mahina din sa inuman nuon.Sinasabihan ko nga sya na mag aral uminum ng mga ibat ibang klase ng alak kasi kailangan yun sa business.Kailangang marunong kang sumabay sa alon.
Kapag kasi sumalungat ka,Mas mahihirapan ka.Hindi kasi nagmana sa akin ang anak ko.Masyado syang mabait sa kapwa._Chairman.

"Tungkol po ba sa anak nyo ang pag uusapan natin Sir? I mean,Tungkol ba sa kasunduan nyo? May ipababago po ba kayo or ipadadagdag?_AKO.

"YES,yes may ipababago at ipadadagdag nga ako sa testament kaya kita ipinatawag.Tungkol sa lahat ng asset ko na sa kanya ko lahat iniiwan, gusto ko ding ipalagay dyan na dapat ay magkaroon sya ng anak na magiging tagapagmana nya sa loob ng tatlong taon.Kapag sa loob ng tatlong taon ay hindi pa sya nagkaroon ng anak...ang parte na para sa bata ay MAUUWI SA KAWANG GAWA._Chairman.

"Sir,Sigurado po ba kayo duon? Papano po if hindi pupwedeng  magka anak yung magiging asawa nya or may biglang nangyari na magiging cause ng di nila pagkakaroon ng anak,Ibig sabihin...Didiretso automatic  ang 30% sa charity tama po ba?_AKO. MAsusi kong tini takedown note ang lahat ng sinasabi ng chairman.bukod sa mayroon  din akong video recorder.

"Hindi lang basta 30% ang para sa bata.Ilagay mo dyan na ang buong JEWELRY FACTORY ay automatic na sa bata nakapangalan pagkasilang pa lamang.Gusto kong sya ang magpatuloy sa iiwanan kong legacy at syang isasalin nya naman sa kaapu apuhan nya balang araw.Ayokong mawala ang DSD._Chairman.

"Noted po yun Chairman.Ipadadala ko na lang po sa inyo ang document kapag naayos ko na para maselyuhan.Wala po akong ibabawas dun sa mga sinabi nyo._AKO.

"Ikaw ba Attorney,Wala ka pa ding balak mag asawa? Sa tingin ko naman ay di kayo nagkakalayo ng edad ng anak kong si Klarisse.Hindi kaba sinasabihan ng parents mo na gusto na nilang magka apo sayo?_Chairman

"Actually po,Gustong gusto na nga din nila ng apo.Para daw habang malakas pa sila,May mga bata silang makakarga.Pero hindi pa naman po sila dumarating sa point na ihahanap nila ako ng mapapangasawa... Hindi naman po sila ganun._AKO.Saka ako napatakip sa bibig ko.Bakit ko nga pala nasabi yun gayung yun ang mismong ginagawa nya sa anak nya ngayon.

"Well magkakaiba naman kasi tayo ng sitwasyon.Nagkataon kasi na iba ang kalakaran ng mga taong nasa negosyo kaysa mga nasa nasa law firm.
Hindi mo yun maiintindihan hanggat wala ka sa sitwasyon ko.Mahal ko ang anak ko,Pero mayroong mga bagay na kailangan mong panindigan para sa mas magandang kinabukasan._Chairman.Bahagya akong nangiti.

"Chairman,Pasensya na po.Hindi ko po dapat yun sinabi.Tama po kayo,Magkakaiba tayo ng kapalaran at pinaniniwalaan.Iba iba din po tayo ng mga desisyon sa buhay.Ang sa akin lang po,Basta makilala ko yung taong makakasundo ko at masaya kaming dalawa...Kahit po hindi sya ganun kayaman,Okey na po ako dun.Ang mahalaga...MASAYA kaming dalawa._AKO.

"Hahahahaha.Tama ka naman dun.Mahirap kayang magmahal ng mga mayayaman.Kasi walang ibang alam yung mga yun kundi pano mas mapapadami ang pera nila.Kaya agree ako sa gusto mong mangyari.
Kung sino yung magpapasaya sayo,Dun ka._Chairman.

"Excuse me po Chairman,Andyan po kasi sa baba si Don Juancho Chavez.Hinahanap kayo.Gusto daw makipag usap.Sabi ko nga may bisita kayo pero nagpupumilit pa din po talaga eh._Secretary ng DSD.

"Sige,Bababa na kamo ako.Maghintay lang sya saglit._Chairman.

"Chairman,Kung meron pa po kayong ipag uutos? Kung ayos na po lahat ng sinabi nyo ay mauuna na din po ako._AKO.

"That's a NO NO! Sasabay ka sa amin ni Chavez mag lunch. Mas okey na din na makaharap mo sya at ng makilala nya kung sino ang naghahandle ng last will ko.Alam mo yang si Chavez,Inggitero yan.Kapag nakita nyang maganda at bata pa ang attorney ko siguradong gagaya yan at maghahanap din ng mas bata.hahahha.Just kidding.Halika na iha sa baba._Chairman.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli kaming nagkaharap ni CHAVEZ. Nakakalbo na sya at mas lalo pang tumaba kaysa nung una ko syang makita at makaharap.Nun araw na sinugod nya ang Kuya sa cityhall dahil sa pagpapatigil ng kuya sa pagawaan nya ng sabon.

"Attorney Fiona Herrera,Longtime no see!!! Kamusta kana,Mas lalo ka yatang gumanda ngayon kaysa nung huli tayong magkita.Hindi ko alam na ikaw pala ang sinasabi ni DS na espesyal nyang panauhin._Chavez.Iniabot nya ang kamay nya sa akin bilang pagbati.Na agad ko namang tinugon at saka ako bahagyang ngumiti sa kanya.Sobra naman kasi ang laki ng ngiti nya sa akin,Ngiting parang sa aso nga lang.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon