32.FIONA

328 20 1
                                    

Maghahating gabi na ng may isang tauhan ni Kuya Francis ang nagbalita sa amin na nasa kritikal na lagay daw ang kuya dahil sa pananambang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maghahating gabi na ng may isang tauhan ni Kuya Francis ang nagbalita sa amin na nasa kritikal na lagay daw ang kuya dahil sa pananambang.
Mabilis kaming nagtungo sa hospital kung saan sya isinugod.Kasama ko ang Daddy at Mommy.

"Doc,Kamusta po ang anak ko? Ano pong lagay nya ngayon?_Daddy.Kahit kalmado sya ay alam kong sobra syang nag aalala sa nangyari.

"Wag po kayong mag alala Attorney,Hindi naman po masyadong malalim ang mga sugat nya.Pero syempre hindi pa din tayo nakakasiguro kaya kailangan pa naming makatiyak.Dyan na muna po kayo._Doctor Santiago

"Dyos ko,Ano bang nagyari sa anak natin Frank.Bakit nagkaganun sya._Mommy.Hinawakan ko ang kamay nya para kahit papano ay makalma ang nararamdaman nya.

"Wag kang masyadong mag alala,Sabi naman ng doctor ay hindi masyadong grabe ang nagyaring pinsala.Basta magdasal nalang muna tayo Flor._Daddy.

"Tama ang Daddy,Mommy.Wag tayong masyadong mag alala kasi okey na naman si kuya eh.Bibili muna ako ng water dad,Ikaw na muna ang bahala kay Mom._AKO. Medyo malayo din ang bilihan ng bottled water kaya tumawid pa ako sa kabilang lane.

"Alam mo na ba yung nangyari kay Congressman Francis,Sa palagay mo sino ang pwedeng gumawa nun sa kanya?_Lalaki malapit sa counter ng convinience store.Since hindi naman nila ako kilala kaya nagpatagal tagal na muna ako sa pagtingin tingin ng paninda.

"Ano paba, edi dahil sa mga nakakabangga nyang mga mayayamang negosyante.Kasi nga diba,Hindi makaka lusot dun ang mga illegal transaction kaya ayun ginantihan sya._Kasama nung unang guy na nagsalita.Yun nga din ang alam kong dahilan.

"Makasabat sabat na nga lang ha mga tutoy,Pero hindi lang yun ang anggulong tinututukan.Kasi nga ay may ibang tao daw na kasama dun sa kotse nya si Cong,Posible daw na may kinalaman din dun ang nangyari._Aleng bigla na lang sumabat sa usapan nung dalawa.

"Talaga ho Manang?May ibang taong kasama sa kotse nya si Cong? Pero parang wala namang nabanggit dun sa news na may kasama sya dun sa kotse nya.Ano yun,Basta na lang umalis sa sasakyan yung kasama nya para hindi masama sa imbestigasyon?_Binatilyo.

"May dash cam naman yung kotse nun,Siguradong kapag naimbestigahan na saka lalabas ang totoo.Pero malaking posibilidad na may kinalaman dun ang pinaka mainit ang mata sa kanya na si Chavez._Pangalawang guy.
Matapos nilang makapagbayad ay saka na lang ako pumila na sa counter.

Kahit ako man ay biglang naalarma sa nadinig kong kwento.Posible nga bang may ibang kasama ang kuya sa loob ng kotse nya? Kung totoong meron nga,Sino naman ang taong yun?

"Fiona anak,Pupwede ka ng umuwi at matulog.Kami na lang ng Daddy mo muna ang bahala.Babalitaan ka na lang namin kapag okey na sya._Mom.Iniabot ko sa kanya ang bottled water na binili ko at kape naman ang kay Daddy.

"Mommy,Okey lang naman po ako.Sasamahan ko na muna po kayo dito hangga't dipa dumarating si Ate._AKO.Nagpasabi ng susunod sina Ate dito mula sa pinangyarihan ng krimen.Kakausapin na muna daw kasi ni Mayor ang pulisya para sa imbestigasyon.

"Ikaw ang bahala,Basta kapag dumating na ang ate mo ay ipahahatid na kita dun sa driver nila anak.Delikado kapag ikaw lang mag isa sa daan._Daddy.

"Okey po Daddy,Para sa ikakapanatag nyo._AKO. Bakas sa mukha nina Mom and Dad ang pagkabahala.Senaryong ayaw na ayaw kong nakikita kaya hanggat maaari ay ayaw kong bibigyan sila ng problema.




Habang patuloy pa din ang tinatakbo ng imbestigasyon ay hindi pa kaming lahat nagpapaka kampante.Nakalabas na ng hospital ang kuya at nagbigay na din ng statement nya ay wala pa ding malinaw na lead sa kaso.Ang hindi lang namin mapaniwalaan ay yung pagkaka absuelto sa imbestigasyon ng mga Chavez partikular ang ama.

"Kamusta na ang Kuya mo ha Ion? Nalaman na ba ang nagpa tambang sa kanya?_Aly.Nasa isang coffeshop kami para sa isang mahalagang pag uusap.Tungkol ito sa pag wi widraw ni Chairman DS sa pagkuha sa aming maghandle sa LW nya.

"Okey naman na sya,Pero about sa kaso naman... ayun wala pa ding makuhang lead ang mga kapulisan._AKO.

"Ganun ba,Tapos abswelto sa imbestigasyon ang mga Chavez.Iba din talaga akapag mga makapangyarihang tao ano.Mahirap banggain._Ally

"Hindi naman kasi papayag na hindi mabigyan ng justice ang nangyari sa kuya.Kaya kahit sino pa yung tao sa likod nito,Hinding hindi kami aatras.
_AKO

"Basta kung meron akong pwedeng maitulong ha,Magsabi ka lang.Maiba nga pala ako,So ano na nga palang balak mo? Kakausapin mo ba ng personal si Chairman or hahayaan mo na lang sya sa desisyon nya?_Aly.

"Wala naman akong magagawa kung yun ang desisyon nya eh.Anyways, Kahit naman hindi nangyari ito,Balak ko na ding umatras na sana sa case na ito._AKO.

"Bakit naman,Ano bang problema sa Chairman? Meron ba kayong di napagkasunduan kaya pareho kayong umayaw na sa isa't isa? Mayroon ba kong hindi alam ha Ion?_Aly.

"Naku wala naman,Talaga lang sigurong hindi ako nakalinya sa ganung klase ng case.Hindi ko lang siguro gusto yung tinatakbo ng kaso na sarili mong anak,Ipakakasal mo sa taong hindi nya naman gusto.Ewan ko lang pero para sa akin lang naman yun ha._AKO

"Wow ha,Parang bago yan sa pandinig ko.Ngayon lang kita nakaringgan na na attach ka dun sa biktima kaysa dun sa dapat na kakampihan mo.
Pero may point ka nama dun,Lalo at medyo naging close na tayo dun sa anak nya.Saksi pa nga tayo sa pag iinum nya para lang makalimot sa problema diba.Sa palagay mo,Mag widraw na din kaya ako sa kaso na ito?
Baka kasi isipin ni Klarisse na dahil sa pera ipinagpapalit natin ang friendship natin sa kanya._Aly.

"Nasayo naman yun Aly.Sa palagay ko naman,Aware din si Klarisse na tayo ang kausap ng Dad nya at hindi naman nya yun pini personal.
Mayroon lang akong iba pang dahilang personal na hindi ko pwedeng
sabihin sayo.Basta yun lang ang tama kong gawing desisyon talaga._AKO

"Well,Naiintindihan ko naman.Kahit di ka magsabi sa akin,Alam kong ginagawa mo lang ang sa alam mo ay nararapat at tamang gawin.
Basta gaya nga ng sabi ko,Kapag kailangan mo ng tulong,Nandito lang ako.
_Aly.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon