23.FIONA

345 25 1
                                    

"Daddy,Mommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Daddy,Mommy... Si Klarisse po,Anak ng kliyente ko.Ihinatid nya lang po ako dito dahil nga medyo gabi na._AKO.Nagmano at bumeso ako pareho sa kanilang dalawa.Hindi naman alam ni Klarisse ang gagawin kaya nagmano na lang sya.Pareho kasi kaming nagulat ng mabungaran namin sina Mom and Dad na nag aabang sa gate ng bahay namin.

"Kaawaan ka ng Dyos iha.Nice meeting you.Pumasok kana muna at patitikimin kita ng niluto kong ginataang bilo bilo._Mommy.Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ka excited si Mom na papanhikin si Klarisse sa bahay.

"Hahahha.Naku anak,Pagpasensyahan mo na yang mommy mo.
Nang malamang may kasama kang kaibigan ay nagpasama sa akin sa baba para antayin ka.Patitikimin nya daw ng bilo bilo nya._Daddy.Magka akbay kaming pumasok sa loob dahil nauna na sila Klar at mommy sa loob.

" Talaga ba iha?May maliit ka kamong negosyo ng pagawaan ng alahas? Naku,Siguro anak mayaman ka noh?Halata sa kutis mo.Saka ang ganda ng kotse mo eh,Halatang mamahalin._ Mommy.Nakapagtakang magaan ang loob ni Mommy kaagad kay Klarisse.Hindi masyadong pala imik si mommy sa mga kaibigan ko.Alam nya kasing may pagka liberated silang lahat.

"Naku,Hindi po ako ang mayaman.Yung tatay ko lang po.Saka hinuhulugan ko pa po yang kotse ko kaya hindi pa sya ganap na sa akin talaga._Fiona.Tumingin sya sa akin at saka ngumiti.Ngumiti din ako sa kanya.Ngayon ko lang nalaman na magalang pala sya makipag usap sa mga nakaka tanda.Kahit na mukha syang sosyalin.

"Darling,Napatikim mo na ba sa bisita natin yung bilo bilo mo?Baka mamaya mapanis na lang yun sa kakatanong mo dyan._Daddy.

"Naku Oo nga pala! Nakalimutan ko na tuloy.Saglit lang at kukunin ko sa kusina.Alam mo kasi,Pag ganitong oras ay tulog na ang mga kasambahay namin.Kaya kami kami na lang ang kumikilos para naman makapagpahinag sila._Mommy.Sumenyas sya sa akin na samahan ko sya sa dinning area kaya agad akong sumunod sa kanya.

"Anak,Sya ba yung anak ng kliyente mo na pinipilit ng Daddy nyang ipakasal sa anak ni CHAVEZ? Tama ba ko ha?_Mommy.Nagulat ako na alam nya ang istorya ng buhay ni Klarisse kahit hindi ko naman yun sinasabi sa kanya.

"Mommy,Papano mo naman nalaman yan? Wala pa naman akong sinasabi ah.Ang bilis namang kumalat ng tsismis aba._AKO.Naikwento ko sa kanila nuon na mayroon nga akong hinahawakang kaso ngayon pero hindi ako nagbanggit ng pangalan.

"Sa unang kita ko pa lang,Ramdam ko ng sya yun.Aba'y pagka ganda gandang babae pala nyan.Sayang lang kung sa pamilya ni Chavez mapupunta.Tama lang ang desisyon nyang wag magpakasal dun.
Kahit pa bawian sya ng mana ng tatay nya!_Mommy.Saka sya mabilis na lumabas ng kusina na may dala dalang bowl.

"Naku sinabi mo pa,Tuwang tuwa din akong pinapanuod yung si Mr.Bean.
Nakakawala ba ng pagod.Tapos pati si JIM Carrey din tawa ako ng tawa sa mga pelikula nun._Daddy.Naabutan namin silang nagtatawanan habang nanunuod ng tv.Napa angat ang kilay ko.Mukhang hindi lang si Mommy ang nakaka sundo nya kundi pati si Daddy din.

"Ito iha,Tikman mo ang niluto ko.Sabihin mo sa akin kapag masarap o hindi ah.Ito kasing asawa ko,Panay ang reklamo na masyado daw matamis._Mommy.Sinandukan ni Mommy si Klar ng ginataan at saka kami lahat nga abang sa magigingbreaksyon nya.

"Naku mommy,Ngayon lang po ako nakatikim ng masarap na bilo bilo!
Para pong pang world class.Sakto lang po yung lasa kasi hindi matamis pero hindi din naman matabang.Saktong sakto lang po._Klarisse.
Lihim naman kaming nag apir ng daddy.Alam naman namin na nagsisinungaling lang si Klar dahil eversince ay hindi talaga marunong magluto ang mommy.

"Naks naman Mommy,Mukhang sarap na sarap nga si Klarisse sa luto nyo oh! Ayan,Damihan mo pa kasi masarap nga sya diba?_AKO.Muli kong nilagyan ng ginatang bilo bilo ang bowl nya at saka sya napangiwi.
Pinuno ko kasi masyado yung lalagyan nya kahit alam ko na pinipilit nya lang ubusin.

"Nakita mo na darling,Masarap daw yung luto ko.Naku,Alam mo ba yang mag ama ko ha Klarisse,Walang kabilib bilib kapag ako ang nagluluto.
Mabuti kapa anak,Marunong kang lumasa sa masarap na luto._ Mommy.

"Salamat po mommy sa masarap na luto nyo.Sa tingin ko po ay kailangan ko ng umuwi.Medyo alanganing oras na po at baka gabihin akong masyado sa daan.Magpapa alam na po ako_Klarisse.Napatingin kaming lahat sa bintana dahil sa malakas na kulog at kidlat.

"Mukhang uulan na yata.Mas mahirap bumyahe ng malakas ang ulan. Ang mabuti pa ay dito kana muna magpalipas ng gabi at bukas kana lang umuwi sa inyo._Daddy. Saka naman nagsimula na nga ang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Uu tama ang asawa ko iha,Dumito kana muna magpalipas ng gabi.Dadaan kapa naman sa tulay nyan. Malaki naman ang kama nyang si Fiona kaya kasyang kasya kayong dalawa._Mommy.Saka ako napalingon kay Mommy.Sa kwarto ko talaga sya patutulugin?

"Mommy,Bakit naman sa kwarto ko pa?Bakante naman yung kwarto ni Kuya pwede sya duon._AKO.

"At bakit mo naman sya patutulugin sa kwarto ng lalaki aber? Ikaw talagang bata ka,Hindi nag iisip.Hala sige na at magpahinga na kayo dun sa kwarto para hindi kayo masyadong mapuyat.May mga pasok pa kayo bukas at maagang gigising._Mommy.Itinaboy nya kaming parehas sa kwarto kaya wala naman akong magawa kundi patabihin sya sa kama ko.

"Okey lang naman sa aking sa lapag na lang matulog.Wag kang mag worry kasi hindi naman ako tatabi sayo kung ayaw mo._Klarisse.Nakangisi sya na obviously ay nang aasar lang.

"As if naman makakatiis ako na sa lapag ka lang patulugin? Baka mamaya malaman pa ng Daddy mo na hindi kita tina trato ng maganda dito sa bahay namin at hindi na ko kuning legal adviser nya.Basta mag behave ka lang ha._AKO.

"Hey! OKEY ka lang,As if hindi naman ako behave noh?Gaya nga ng sabi ko,Hindi ako nagsisimula kapag hindi ako ang unang inanakit._Klarisse.
Hinampas ko tuloy sya ng unan.

"Anong ibig mong sabihin ha,Na ako ang nauuna? FYI lang po sayo, Ikaw ang nagsisimula.Palagi mo kong pinagbabasaan nyang labi mo! At pinagpapa kyutan nyang dimple mo! Tapos kunwari ka pang lasing pero hindi naman!_AKO.Natatawa naman sya sa sinabi ko at mas lalo nya paa kong tinease sa pamamagitan ng pagbabasa ng labi nya.

"Hahahaha.Wag kang mambaliktad dyan noh! Ikaw kaya ang palaging nauuna.Sino kaya sa atin yung palaging nang gigil kapag hinahalikan ako?
Saka yung dikit ng dikit nung ano nya para maakit ako? Sino nga ba yun?_Klarisse.Tinakpan ko naman kaagad yung bibig nya ng kamay ko dahil baka madinig kami nina mommy at daddy sa labas.

Tumalikod na lang ako ng higa sa kanya para hindi nya makita na pulang pula ako sa hiya.Nahihiya ako dahil totoo naman kasi na ako ang palaging nagbibigay ng motibo sa kanya.Kundi ako nagpunta sa condo ni Thea, hindi naman kami magkikita duon ni Klarisse at walang mangyayaring magaganap.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon