1.FIONA

1.5K 25 0
                                    

Fiona Herrera (Human rights lawyer)

Kilala ang pamilya HERRERA bilang mga MANANANGGOL/ LAWYERS sa aming probinsya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kilala ang pamilya HERRERA bilang mga MANANANGGOL/ LAWYERS sa aming probinsya.
Si Daddy Frank ay kasalukuyang Judge sa Cityhall ngayon habang si mommy Flor naman ay isa sa myembro ng Supreme court.Si Kuya Francis ay dati ding nagpa practice ng Law nuon na ngayon ay isa ng congressman sa aming lugar habang si ate Frida(isa ding attorney) naman ay nakapag asawa ng Mayor,Ang aking bayaw na si mayor Jun Canlas.

"Anak,Kamusta naman yung bago nyong hinahawakang kaso ngayon?
Yung tungkol sa menor de edad na batang pilit ipinasok ng nanay nya sa  prostitusyon,May resulta na ba?_Daddy.Kasalukuyan kaming nag sasalo salo ngayong lahat sa hapag kainan.Naka ugalian na kasi ng pamilya na kapag unang linggo ng papasok na buwan ay meron kaming salo salong mag anak.

"Yes daddy,May hatol na po ang judge.At sa makalawa na po iyun ilalabas.
Pansamantala munang ilalagak ang bata sa DSWD para mas mabantayan sya duon at masigurong hindi na babalik sa ganung uri ng trabaho._AKO.
Kadalasan kasing mga kabataang babae ang naaabuso kaya madalas yun ang kasong hinahawakan ko.

"Nice naman bunso,Ang galing galing mo talaga! Kapag ikaw talaga ang humahawak ng mga kaso tungkol sa mga babaeng inaabuso,Lahat nareresolba mo ng walang kahirap hirap.Magaling ka talaga,Mana ka sa amin ni Mommy! Hahahaha._Ate Frida.Since naging asawa nya si mayor Canlas,hindi na sya muli pang nakapag practice ng pag aabogado nya.

"Good Job bunso,Im so proud of you! Siguradong mas dadami pa ang magiging trabaho mo nyan dahil mas madami pang magtitiwala at maniniwala sayo.San pa ba sila makakakita ng "MAGANDA AT SEXY NA Sobrang talino pang ABOGADA" diba?_Kuya Francis. Masayahing tao si kuya Francis kaya naman madami sa mga nasasakupan nya ang gustong gusto sya bilang congressman ng district 3 dito sa Woodland hills.

"Syempre naman,San paba magmamana yan ng kagandana at talino kundi sa akin diba? Hindi nyo naitatanong,Nung kabataan ko...Madaming umaali aligid sa aking mga kalalakihan nuon.At madalas akong muse sa mga paliga ng mga barangay._Mommy Flor.Ang totoo nyan,Maganda talaga ang mommy.Pero madami ang nagsasabi na si daddy ang carbon copy ko.(Girl version)nya daw ako dahil pareho kaming matangkad,matangos ang ilong at maputi.Mestiso kasi ang mga Herrera.

"Hahahahha.Darling,Alam naman naming lahat na maganda ka. Wala kaming reklamo duon.Pero mas kamukha mo sina Frida at Francis kaysa kay Fiona. Kung maglalagay lang yang bunso mo ng bigote at saka magpaputol ng buhok...Akong ako na sya! Kaya kami ng bunso mo ang magkamukha at hindi kayo._Daddy.Saka sya kumindat sa akin.Natawa naman kaming lahat dahil napa simangot si Mommy.

"Dad,Mom wag na po kayong mag away kasi parehas ko naman kayong kamukha.Saka parehas naman kayong gwapo at maganda...Matalino at masipag gaya ko kaya walang duda na sa inyo ko pareho namana kung ano ako ngayon.At nagpapasalamat ako sa inyo ng sobra sobra._AKO.

"Mabuti na lang at wala dito si Mayor,Kasi malamang na puro kantyaw na naman tayo sa kanya.Hahahha. Syanga pala Frida,Bakit nga ba wala ngayon ang asawa mo ha?_Kuya Francis.Saka kami lahat napatingin kay ate Frida.Nag aabang ng isasagot nya.Bago pa lang naman silang mag asawa. Mag iisang taon pa lamang sa tantya ko.

"Mayroon syang nilakad ngayon. Biglaan lang kasi nga may mga dumating daw palang mga turista duon sa HANNA beach resort at balak yatang bumili ng property dito sa lugar natin.Syempre,Mas priority natin ang mga kababayan nating businessman kaysa mga foreign investor kaya sya na mismo ang nagpunta duon para makipag dayalogo._Ate Frida.

"Aba,Mahirap nga yun.Mas maganda kapag pinoy investors ang bibili ng properties kaysa mga dayuhan pa.Iba ang isip ng mga yun at baka mahirap silang makasundo pag dating sa mga patakaran.Mabuti na lang at kaagad nyong nalaman para mapigilan ang bentahan kung sakali._Dad.

"Pero daddy,Minsan din mas mahirap pa nga kausap ang ibang mayayamang negosyanteng pinoy eh.Gaya na lang nung last na nakabangga kong businessman na si DON Juancho Chavez.Yung may ari ng pabrika ng mga sabon duon po sa Sitio Mabini.Hanggang ngayon nga ay mainit pa din ang dugo nya sa akin dahil sa pagpapatigil ko dun sa pagpapatapon nya ng mga waste product nya sa ilog ng Mabini._Kuya Francis.Natatandaan ko nga yung nakabangga na yun ni Kuya Francis, Isa ako sa mga nakasaksi kung gano nya pinag initan ng husto si Kuya.

"Sabagay may point ka dyan.Kaya nga dapat mag iingat kayong lahat.
Hindi biro ang propesyon natin.Madami talagang mga tao na pwede tayong pag initan lalo pa at palagi tayong nasa matuwid.Madami ang maiinggit,Magtatanim ng sama ng loob at galit.Kaya ingat ingat lang mga anak.Basta kami ng mommy nyo ay palagi lang nasa tabi nyo._Daddy.

"Tama ang daddy nyo.Mag iingat tayong lahat.Hindi lahat ng mga nakakasalamuha nating mga nakangiti sa atin ay totoong yun ang nasasa loob.Ang iba ay nagpapanggap lang.Pero proud na proud pa din ako sa inyong mga anak ko dabil lumaki kayong mabubuting tao.Salamat talaga sa Diyos.Salamat din at buong buo pa din tayo kahit na ilang taon na lang ay magkakanya kanya na kayo at bubuo ng sari sarili nyong mga pamikya._Mommy.Bago pa lang kasing nag asawa ang Ate kaya hindi pa sila nagkaka baby ng asawa nya,Habang si kuya Francis naman ay may nobya pa lang at hindi pa nag aasawa.

"Naku,Ako nga'y inip na inip na at gusto ng maka karga ng apo.Kaso ay mga mababagal itong mga anak natin.Sana ngayong taon ay biyayaan na tayo ng apo para naman mas masaya na itong salo salo natin._Daddy.
Kay kuya sila nakatingin lahat,Kasi nga naman ay dapat sya ang unang mag asawa at magka anak dahil sya ang magpapadami ng mga HERRERA.

"Alam ko naman para sa akin yang speech mo daddy,Wag kang mag alala.
Bukas na bukas din,Gagawa na ko para umabot this year at magka apo kana kaagad!_Kuya Francis.Nagtawanan lang kami lahat dahil alam naming nagbibiro lang ang kuya.Kasalukuyan kasing nasa ibang bansa si Briggette at nag aaral pa kaya imposibleng mangyari iyun ngayong taon.

"Ikaw na nga lang ang mauna Frida.Sabihin mo dyan kay mayor na wag puro trabaho para naman magka baby na kayo kaagad.Excited na kami ng Daddy mo sa apo kung alam nyo lang.Nakakawala ng pagod at stress kapag may mga bata kang nakikitang tatakbo takbo dito sa bahay.
Baka naman kung kelan hindi na kami nakakatakbo ng daddy nyo saka nyo pa lang kami bibigyan ng apo.Hindi na kami makaka pag karga nun._Mommy.Masayahin ang mom kagaya ni Kuya Francis.Madali silang mapatawa at mapasaya kahit sa simpleng joke lang.

"Yan kasi,Ang babagal nyo magka baby...Naiinip na ang Mom at Dad!
Sige Dad,Mom...As soon as maka hanap ako ng boyfriend,Baby kaagad ang uunahin namin para may maaalagaan na kayo.hahahah._AKO. Nagtawanan sila sa biro ko.Obviously,Imposible sigurong magkatotoo yun dahil wala naman akong jowa in the first place at saka wala pa sa bokabularyo ko ang relationship.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon