33.KLARISSE

339 24 1
                                    

Lahat ay nawindang ng makita nila ang maiksi kong buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat ay nawindang ng makita nila ang maiksi kong buhok.Kasi naman ay wala silang ka aydi idea na sobrang iksi pala ng gupit ko.Kaya naman lahat sila ay hinayang na hinayang  sa mahaba kong buhok.

"Buti na lang boss maganda kapa din kahit short hair kana.Kasi kung ibang tao yan,Magmukha ng tomboy sa sobrang iksi eh._Noel.Sakto kasing sa factory ako ngayon bumisita.Naghahanda sa ilang araw kong pagbabakasyon muna.

"Hahahaha.Sinabi mo pa.Ang ganda ganda namang tomboy ni Boss kung sakali.Walang sinabi yung mga lalaking Bae kung tawagin nila sa showbiz.
Lahat patataubin ni Boss sa gandang lalaki nya._Lynlyn.

"Kayo talaga puro kayo kalokohan.Wag nyo ng asarin yang Boss natin at baka kayo ang pagkakalbuhin nyan kapag di nyo inayos yang mga trabaho nyo._Gigi.Kahit sya man kasi ay nagalit din sa akin dahil sa ginawa ko.

"Tama nga naman si Secretary Gie,Wag na kayong magsipag sipsip  pa dyan kay Boss Klar dahil hindi kayo nakakatulong.Balik na sa pwesto at ng makarami aba!_ Anne.(Manager)Kanya kanya namang pulasan na ang mga trabahante ko sa kani kanilang pwesto.

"Pasensya na kayo sa masusunget nating mga bossing guys ha,Kasi need talaga nating mag focus sa last order natin this week bago ako magbakasyon.Pero salamat na din sa mga papuri nyo na magandang lalaki ako,Hahahaha._AKO.Nagpaalam na ako sa kanilang lahat  para bumalik ng muli sa opisina ko.Ganun lang naman ako bumisita,Sandaling oras lang dahila ayaw ko namang napi pressure sila sa presensya ko.

San Isidro,Pangasinan:

Masayang masaya ako kapag bumibisita ako sa aking maliit na farm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Masayang masaya ako kapag bumibisita ako sa aking maliit na farm.
Lalo pa at nakikita kong hitik na hitik sa mga bunga ang mga pananim ko.
Natutunan ko ang pagtatanim ng mga ito mula kay Yaya Trining na syang nagturo sa akin mula sa likod bahay namin nuong bata pa ako.

"Mang Kando,Mukhang maganda ang ani natin ngayon ah.Madaming mga bunga ang mga gulay natin.Ang ganda nilang pagmasdan.Aliw na aliw ako.Parang kelan lang ng huling bumisita ako dito,Mga dahon pa lang ang mga yan._AKO.Sila ng asawa nyang si Aling Binyang ang nangangalaga sa maliit kong farm na nabili ko mula sa una kong kinita sa factory ko.

"Talagang hindi namin pinababayaan yang mga tanim mo ineng.Kahit sa gabi ay sinisigurado kong walang mga pesteng kumakapit dyan.Kaya naman magaganda talaga ang bunga ng mga pananim mo._Mang Kando.
Habang si Aling Binyang naman ay nagluluto na ng pagkain namin para sa tanghalian.

Kapag gusto kong makapag isip isip at pansamantalang makapagpahinga sa trabaho,Dito ako nagpupunta.Hindi ako mahilig mag punta sa mga beaches o sa ibang bansa.Dito lang sa probinsya,Masaya na akong tumutulong tulong sa pag aalaga ng mga gulay na tanim ng farm.

"Natutuwa ako at naparito ka ulit.Ang akala ko nga ay sa disyembre kana ulit babalik dito.Mabuti na lang at nandirito ka at ng makita mo kung gano kayaman ang lupa mo.Sa dami ng mga gulay na sumisibol,May mga suki na kaming dumadayo dito para mamili dahil sa sariwa daw at malalaki ang ani nating mga gulay._Mang Kando.Ang mga pinagbilhan ng mga gulay ay sideline na kita na nilang mag asawa dahil mayroon silang buwanang sweldo na natatanggap sa akin.

"Mabuti naman ho kung ganun,May pandagdag kayo sa gastusin nyo sa pang araw araw.Kapag po bumalik ako dito ay dadalhan ko na kayo ng iba pang supply para naman hindi na kayo palaging bababa ng bayan._AKO.
May kalayuan din kasi dito ang bayan kung saan namimili sila ng mga pangangailangan nila sa araw araw.Walang masyadong bahay na malapit dito kasi nga ay puro taniman at mga kagaya lang din nilang katiwala ang mga nakatira.

"Naku ineng,Wag ka ng mag abala pa.Sobra sobra na nga ang naitutulong mo sa aming mag asawa.Hindi mo naman kami obligasyong supplyan dahil alam naming pinaghihirapan mo din yang pera mo._Mang Kando.
Kahit gustuhin ko man silang bigyan ng mga bagay na hindi naman ganun kamahal,Ayaw nilang tumatanggap.Masaya na daw sila na may bahay silang natutuluyan at kumakain sa oras.

Naglakad lakad ako papunta sa likod bahay kung saan nandun ang mga alaga nilang mga hayop.May mga inahing manok sila duon,Kambing  at saka mga rabbit.Natutuwa akong panuorin sila habang nagsisipagtakbuhan duon sa maliit na bakod.

"Madami kung mangitlog yang mga inahing manok mo.Kaya sagana kami dito sa itlog.Minsang ngang bisitahin kami dito ng maagang maaga nung pamangkin ng Mang Kando mo,Aba'y wala kaming stock na pang almusal.
Mabuti na lang at may mga itlog na yung ibang inahin kaya may naipaulam kami.hahahha._Aling Binyang.Hindi ko namalayang sinundan nya pala ako dito sa likodbahay.

"Mabuti na lang ho pala may mga itlog na.Kaya nga po sabi ko sa inyo na bibilhan ko kay ng ref para makapag stock kayo ng mga pagkain nyo.Napakalayo ho ng bayan para magpabalik balik kayo.Pati po Tv ay mas mainam na mayroon kayo dito pampalipas oras._AKO.

"Naku ano ba namang ref pa kung hindi naman kami mahilig sa mga karneng baboy.Mga sariwang gulay at prutas lang ay sapat na.May mga mangilan ngilan na nga kaming suki na dumadayo pa dito para lang makabili ng sariwang gulay,Kasi nga ay napakataba naman talaga ng lupa nitong farm mo.At yung tv naman na sinasabi mo,Mas maigi pang maglakad lakad sa taniman kaysa maupo lang sa bahay at maghapong tumanghod sa telebisyon.Hindi na namin kailangan ang mga iyun._Aling Binyang.Saka ako napangiti na lang sa kanya.Actually,Matagal ko ng gusto silang bilhan ng mga kasangkapan at mga appliances pero ayw talaga nila.

"Kayo na po ang bahala.Basta kapag mayroon kayong kailangan,Wag po kayong mahiyang magsabi sa akin.Syanga po pala,Nasa kotse na po ang mga fertilizer at mga feeds na kakailanganin nyo dito kaya wala na kayong popoblemahin pa.Nilagyan ko na din po ng ilang mga gamit sa pagtatanim para kumpleto na._AKO.

"Naku salamat ng marami ineng,Hulog ka talaga sa amin ng langit.Napakalaki ng nabago sa buhay namin mula ng makilala ka naming mag asawa.Salamat at hindi ka nakakalimot palagi sa amin._Aling Binyag. Na bahagya pang nagpahid ng luha kaya agad ko syang inakbayan.

"Wag na po kayong umiyak.Parehas lang po tayong thankfulsa isat isa dahil kundi dahil sa inyong mag asawa,hindi lalabas na ganito ka ganda,Kalinis at kapresko itong farm ko.Salamat din po sa matyaga nyong pagbabantay sa kubo ko._AKO.Dito lang sa kubo ko ako madalas mag stay.
Katabi lang din ng kubo nila.Pero kahit na kubo lang ang bahay ko, pinasadya ko itong pagandahin sa loob.Malaki ang mga bintana para presko, katre na yari lang sa kahoy pero matibay at pinalagyan ko ng kutson.Meron din akong banyo na may shower at maliit na jakuzzi.




" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon