13.FIONA

353 13 1
                                    

Malinis na pangalan,May malasakit sa kapwa at hindi marunong manamantala sa kanyang mamamayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malinis na pangalan,May malasakit sa kapwa at hindi marunong manamantala sa kanyang mamamayan.Yan ang slogan ni Kuya habang nangangampanya dito sa Barangay OBRERO,San Nicolas.
Kasama ako sa paglilibot ni Kuya sa kanyang nasasakupan para mangampanya.Sa ikalawang pagkakataon ay tatakbo syang muling Congressman sa aming lalawigan.

"Bunso,Salamat sa pagsama sa akin ha.Talagang hindi ka nagdadalawang isip na samahan ako palagi sa pangangampanya ko._Kuya Francis.

"Syempre naman kuya,Para sayo walang di ako gagawin.Hanggang kaya kong tumulong,Tutulong ako.Kasi alam ko naman na malinis ang intensyon mo sa mga nasasakupan mo.Maswerte sila na mayroong kagaya mo na malinis ang hangarin para makatulong sa kapwa._AKO.

"Naks naman si bunso,Bilib na bilib talaga sa kuya nya.Hihihi.Sabagay, Kahit naman ako pag ganyang ka gwapo at kabait yung i kakampanya ko kahit baha at bagyo susuungin ko noh!_GIGI. Kapag wala sa opisina ay mag kaibigan ang treatment naming dalawa.Close kami to the point na alam nya din lahat ng mga nangyayari sa akin sa araw araw.Pwera lang sa isang lihim na ayoko na sanang maalala pa.

"Salamat din sayo Gigi.Salamat dahil kahit na hindi na tungkol sa trabaho ang ginagawa mo ngayon ay nandito ka padin.Malaking tulong din sa pangangampanya kapag magagandang tulad nyo ang kasama,Madaming mga tao ang nagsisipaglabasan sa mga bahay nila._Kuya Francis.

"Well,Salamat sa papuri cong.Talaga namang magaganda kami.
Yun nga lang,Broken ako kasi ayaw mo sa akin.huhuhu._Gigi.Open kasi sya sa pagsasabi na crush na crush nya si Kuya,Kaya nga lang ay may nobya na kasi ito.

"Hahahaha.Luka luka ka talaga Gi.Asa kapa sa kuya ko noh! Pwede ba, may nobyo kana din noh,Kaya maging faithful ka nga! Sumbong kita sa jowa mo sige ka!_AKO.May kalive in na si Gi at may anak na silang dalawa.

"Hahahaha,Puro kayo kalokohang dalawa.Tara na at malapit na tayo sa sasakyan natin.Masyado ng mainit.Baka naman masunog na tayo ng husto nito._Kuya Francis.Mabilis naman kaming nagsipasok na sa mga kotse namin after ng paglilibot.Convoy kami kasunod ng mga bodyguard ni kuya na ipinadala ni mayor para sa security daw namin habang nangangampanya.

"Alam mo ba,Yung Chavez pala na nakabangga nuon ng kuya mo ay mayroong anak na hoodlum.Kapag daw may mga nakaka alitan ang tatay nya,May mga tauhan daw yun na inuutusan para sila takutin.Balita pa nga na may napapatay na nga daw yun eh.Pero balita lang naman yun,Hindi pa confirmed._Gigi.Napadaaan kasi kami sa factory ng sabon ng mga Chavez.Malapit yun sa ilog kung saan nagsasanga ang tulay ng magkabilang baranggay.

"Hoodlum talaga,As in parang si Robin Padilla ba ganun? Alam mo hindi naman nagtatagumpay yung mga taong ganun.Mapagsamantala sa mahihina.Siguro,May mga isyu sila sa buhay kaya ganun sila makapag malupit sa kapwa.Bahala na si Lord sa kanila._AKO. Maya maya lang ay nag ring bigla ang telepono ko.Unknown number kaya hindi ko sya sinagot.Madami kasing instances na kapag hindi ko kilala yung tumatawag its either frank call sya or yung mga walang magawa sa buhay.

"Ay boss,Speaking of the devil nga pala.Tumawag kanina si Miss Thea at nag aask ng personal number mo.Ibinigay ko naman kasi mukhang importante eh._Gigi.Saka ako napatingin sa fone ko.Posibleng si Thea nga ang tumatawag sa akin.Bigla akong kinabahan.Sa hindi ko malamang dahilan.

"Hello there my beautiful attorney! Long time no see! Its been a while.
Kamusta ka naman?_Thea.Nadatnan ko syang nakaupo na sa loob ng opisina ko.Nagbeso kaming dalawa.

"Medyo matagal na nga yung last usap natin.Kamusta naman? Mukhang may sadya ka sa aking mahalaga ah,Hindi ka naman mag ba bag ng LV nyan kundi yan importante._AKO.Natatawang napahawak naman sya sa bag na katabi nya sa upuan.

"Wala naman,Nangungumusta lang.Saka gusto sana kitang imbitahan sa fashion show na ako ang magpo produce. Tamang tama yun sa pagdating ni Alyssa sa makalawa,Para dun nadin tayo ulit magbonding.
_Liezel.Sa lahat ng mga trip nila,Ang fashion show ang pinaka ayaw kong dinadaluhan.Matagal kasi mag antay sa ganung show lalo kapag may mga problema sa mga damit na isusuot ang mga model.Naaantala ng husto ang show.

"Sa makalawa na ba kaagad yun? Baka hindi ako makapangako dahil may schedule hearing ako nun sa umaga.Pero susubukan kong makahabol kapag walang naging problema dun sa kliyente ko._AKO.Kapag kasi may mga bagong ebedensyang inilabas ang kabilang panig,Dapat ay maghanda din kami ng pang kontra depensa sa kalaban depende sa takbo ng hearing

"Alas sais pa naman yun ng gabi,Saka hindi naman masyadong malaki yung venue kaya mga dalawang oras lang siguro tapos na ang show.Tapos saka tayo mag dinner na lang sa labas at tuloy gimik na din. Gusto ko ulit bumalik dun sa Bar na pinuntahan natin. Madalas daw duon sina Thea tumambay kaya gusto ko syang makita ulit._Liezel.Kinabahan naman ako pagka banggit nya ng pangalan ng ex bff nya.Mas lalong hindi ko na gustong bumalik pa duon.Ayokong muli pa kaming magka tagpo ng landas ni Naked lady.Ayoko na syang muli pang alalahanin.

"Susubukan ko lang ha,Baka kasi may dinner ang family ko nun kasi nga campaigning period.Alam mo naman si Kuya Francis,Kailangang kumpleto palagi ang pamilya kapag may mga nag iimbitang sponsor nya sa kampanya._AKO.Dahilan ko lang iyun pero totoong wala naman kaming dinner sa araw na yun.

"Ion,Diretsahin mo nga ako? Galit kaba sa amin nina Alberta at Alyssa sa nagawa namin nuon?Alam mong hindi namin yun sinasadya.Hindi namin kasalanan kung nainum mo yung shot glass na para sana kay Thea._Liezel.
Hindi ako kaagad naka imik.Kailangan kong mag isip ng magandang strategy para mailigaw ko sya at mawala kami sa topic.

"Ano kaba naman Liz,Ang tagal na nun.Saka hindi naman bigdeal yun kasi wala namang nangyari sa akin.Gaya nga ng sabi ko sa inyo diba,Dumiretso ako sa suite na madalas kong pagpalipasan kapag lasing at hinating gabi ako.Wala na yun sa akin._AKO.Usapan namin ng parents ko na kapag hinating gabi ako sa gimik ay sa hotel na malapit sa pinuntahan ko na lang ako magpapalipas ng gabi.
Mas delikado kasi kapag nagpilit pa akong umuwi ng nakainum at dis oras ng gabi.Hindi naman biro ang trabaho naming mga abogado at may ilan ding mga tao na nagbabanta kapag natatalo sila sa korte.

"Napansin ko lang kasi na after nung gabing yun,Hindi kana namin madalas makasama sa gimikan.Parang umiiwas ka na sa amin.Sabi nga ni Alberta,Baka daw ikinasama mo ng loob yung kalokohang binalak namin para sa ex bff kong si Thea._Liezel.

"Naiintindihan ko naman na hindi nyo intensyong makapanakit ng tao.
Kaya lang may mga bagay lang na sana ay makailang ulit muna nating pag iisipan bago natin gawin.Baka kasi hindi natin alam na sa mga birong yun,Mayroong mga tao na pala tayong inilalagay ang buhay sa kapahamakan._AKO.Malalim at makahulugan ang binitawan kong salita.
Dahil sa totoo lang,After ng mga nangyari ng gabing yun...Nabago bigla ang aking kamalayan.Pakiramdam ko,May ibang damdaming napukaw bigla sa akin na hindi ko maipaliwanag.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon