36.FIONA

312 22 1
                                    

Wala akong idea kung saan kami papunta ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala akong idea kung saan kami papunta ngayon.Basta na lang akong hinarang nina Aly at Berta bago pa ako makapapag time in sa opisina ng Pao.Mabuti na lang at wala akong masyadong kliyente ngayon at wala din akong napangakuang kliyente na kakausapin today.

"Excited na ko talaga guys! First time kong makaka pasok sa bahay kubo.
Saka makipaghabulan sa mga manok at kambing.hahahah._Liezel.
Matapos nyang makausap si Thea sa fone ay mas lalo pa syang naging excited sa pupuntahan namin.

"Wag nga ako Liezel.Hindi ka lang sa bahay kubo excited pati na kay Thea noh! Para namang di kita kilala._Aly.Saka sila nag apir ni Berta.Napalingon ako kay Liezel na hindi na umimik at nanahimik na lang.

"Basta ako excited maligo sa batis.Oh my gaaddd,Siguradong malamig dun at saka may mga isdang sariwang nagsisipag languyan.Try ko ngang manghuli para mas exciting._Aly.Malamang na sa bukid kami pupunta base na din sa mga description na sinasabi nila.

"Pero teka lang,Walang damit pamalit itong si Ion.hahahaha. Hindi ko naman sya mapapahiram dahil puro labas ang kaluluwa nitong mga dala kong pamalit._Berta.Nakita ko nga na may mga bag silang dala.Sa iisang kotse lang kaming apat.

"Hayaan nyo na,May mga extra naman siguro silang damit duon.Saka same lang naman silang size nung may ari nung bahay kaya sila na lang ang manghiraman diba?_Liezel.

"Teka,Sino ba yung may ari nun bahay? Saka bakit ako dun manghihiram ha,Baka mamaya may anghit pa yun mahawa ako.Kayo ang nagyaya sa akin dito kaya kayo dapat ang bahala sa susuotin ko._AKO.Nagtinginan lang sila at saka iniba na ang usapan pagkatapos.Ilang saglit pa ay binabagtas na namin ang daan patungo sa isang simple at maliit na bahay kubo sa may di kalayuan.Bahagya din akong na excite dahil ito pa lang ang unang makakapasok ako sa isang bahay kubong gaya nito.

"Wow naman,Super laki ng Bus na yan na parang di hamak na mas malaki pa sa bahay._Aly.Agaw pansin nga ang malaking bus na malapit lang din sa bahay kubo.Siguradong mayaman ang may ari ng sasakyan.Saka ko naalalang bigla si Klarisse...At yung masasakit na salitang sinabi sa akin ng daddy nya na pera lang daw ni Klar ang habol ko sa kanya.

"ION,wala ka bang balak pumasok? Aba'y tirik na tirik ang araw,Baka magka skin cancer ka nyan.Bilis na,Pasok na tayo sa loob._Liezel.Saka ako biglang natauhan.Mabilis akong sumunod sa kanila papasok sa kubo.

"Sa labas lang naman pala sya mukhang maliit pero presko at malaki naman pala sa loob eh.Mukhang alagang alaga nyo po itong bahay kubo nyo Manang?_Berta.As usual,Si Berta yung tipo ng tao na akala mo kilala nya talaga yung kausap.

"Naku mga iha,Hindi ko talaga hinahayaang madumihan itong bahay ni Ineng.Kasi naman ay mahalaga sa kanya ito at ito ang nagsisilbing kanlungan nya kapag may mabigat syang problema at kinikimkim sa puso nya.Masyadong malihim ang batang yun eh.Ayaw nyang madamay pa ang iba sa problema nya._Manang.Wala akong idea sa taong tinutukoy nya pero nagkasimpatya kaagaad ako dun sa taong yun.

"Sa palagay nyo po ba,May problema ngayon si Ineng kaya sya nandito ngayon?_Aly.

"Siguro meron.Napapansin ko kasi na malalim palagi ang iniisip nya.
Mabuti nga at pinuntahan nyo sya dito ng maaliw aliw naman yung bata.
Masyado na syang madaming malungkot na pinagdaanan at gusto nama sanang maging masaya na sya._Manang.Panay banggit nya na bata pa yung may ari nitong bahay.Nasa high school pa lang ba yun kaya Ineng ang pangalan? Na curious tuloy ako bigla.

"Wag po kayong mag alala Manang,Kasi'y nandito na ang taong magpapasaya kay INENG.Sigurado pong mapapawi na ang lungkot at alalahanin ng alaga nyo._Berta.Muli na naman silang nagtingan at saka tumingin sa akin.Bakit sa tingin ko,May mga masasamang balak na naman sa akin ang mga ito.Ano naman kaya ang kalokohang gagawin nila.

"Hahahaha.Nagtext na si Thea na pabalik na daw sila dito.Super init daw kaya di na talaga nya kayang mag stay pa sa taniman ng gulay._Liezel.
Agad akong napalingon kay Liezel.

"Thea, Sinong Thea yun ha Liezel?Wag mong sabihin na si Thea na ex bff mo yung thea na tinutukoy mo?Ohhhhh my gaaaad.Parang alam ko na kung sino ang may ari nitong bahay kubo na ito._AKO.Mabilis akong lumabas sa pinto para sana umalis na pero nakasalubong ko naman sila.

"Hello Attorney Fiona,Long time no see ah! Lalo ka yatang gumaganda.
_Kyle.Nasa tabi nya si Klarisse na hindi ko agad nakilala dahil sa maiksi nyang buhok.Kasunod nila sina Thea at Millie at isang Manong na may dalang malalaking isda.

"He..Hello din sa inyo._AKO.Napatingin ako kay Klarisse na mabilis namang umakyat sa kubo na ni hindi man lang ako binati.

"San ka pa pupunta nyan Ion,Pasok na muna tayo sa loob.Sobrang init kaya dito sa labas._Thea.Bumeso sila sa akin isa isa.

"Susunod na lang ako,May naiwan kasi akong gamit sa kotse.Kukunin ko lang._AKO.Mabilis akong lumabas papunta sa sasakyan at saka ako duon nag stay muna.Hanggang sa di ko namalayang nakaidlip na pala ako duon sa loob.Mahinang katok sa salamin ang nagpa gising sa akin.

"Kung gusto mong matulog,Dun ka na muna sa kwarto ko mag stay.
Mainit dito at saka hindi komportable._Klarisse.Bakit kahit maiksi ang buhok nya ay mas lalo pang naningkad ang kagandahan nya?Haaaist!
Bakit ba gandang ganda ako sa mukha nya?

"Dito na lang ako,Hindi ako sanay sa kama ng iba.Namamahay ako._AKO.
Bahagya syang nangiti sa sinabi ko.Saka ko naalalang ilang beses na nga pala kaming nagkasama sa magkaibang lugar pero hindi naman ako namahay nuon.

"Wag ng matigas ang ulo mo Attorney.Gusto mo bang makahalata sila na nag iiwasan tayo?Alam mo namang mabilis makahalata yang mga yan at mas lalo pa nila tayong pagti tripan kapag napapansin nilang nagkakailangan tayong dalawa._Klarisse.Agad naman akong bumaba sa kotse at naglakad na papasok sa loob.

"Ayan na pala si Attorney eh! Pwede na nating simulan ang pagkanta.
Isa dalawa tatlo...tantarantantan...Hapi bertday to you!Happy birthday to you...Happy birthday dear ALY...Happy birthday to you._Silang lahat.
Wala akong idea na ngayon pala ang bday ni Aly.At hindi ko din alam na muli na naman pala kaming pagtatagpuin ng pagkakataon ni Klarisse.


" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon