4.KLARISSE

469 17 2
                                    

SWEET REVENGE BAR : EXCLUSIVE ONLY FOR THE RICH and FAMOUS

Bukod sa mayayamang tao,Mayroon ding mangilan ngilan dito na naghahanap ng mga mabibiktima o mabobola,Kaya naman bukod sa mayroong VIP LOUNGE na exclusive lang sa mga makaka afford magbayad ng mahal,Mayroon din sila ditong sariling suite para sa m...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bukod sa mayayamang tao,Mayroon ding mangilan ngilan dito na naghahanap ng mga mabibiktima o mabobola,Kaya naman bukod sa mayroong VIP LOUNGE na exclusive lang sa mga makaka afford magbayad ng mahal,Mayroon din sila ditong sariling suite para sa mga gustong magpalipas dito ng gabi.

"Klarisse ano ba,Para ka namang nalugi nyan.Why dont you join us,At kalimutan mo na muna yang problema mo.Come on,Lets dance!_ Kyle Bff ko since high school.

"Alam mo Klarisse,Tama si Kyle eh.Wag mo na munang problemahin yung sinabi ng dad mo kasi hindi pa naman mangyayari yun ngayon. Malay mo, pagbukas ng pinto na yan,Yun na pala yung "the ONE mo diba kaya wag kang mawalan ng pag asa._Mille.Pinsan ko sya sa mother side at bestfriend nya naman si Thea na isang model.

"Sige ganito na lang,Since lahat naman tayo ay against sa gustong mangyari ng Dad ni Klarisse,bakit hindi tayo ang maghanap ng taong nababagay talaga sa kanya? I mean,yung tao na pwedeng ipakilala ni Klar sa daddy nya na syang totoo nyang mahal._Mille.

"Magandang idea yan! Parang Finding MR. Right ang peg right? Hahahaha. Gusto ko yan. Saka mas okey dito maghanap kasi walang tapon ang mga tao dito eh,Lahat puro may sinasabi sa buhay.Basta dapat matino ha.Ayoko namang mapahamak itong bff ko._Kyle.Hindi naman ako umimik. Hinayaan ko lang sila sa trip nila.Wala ako sa mood ngayon para makipagtalo.Problemado ako at gusto ko na lang maglasing muna.

"Pero sandali lang,Mas mainam siguro kung random para naman kakaiba diba? I mean,Wala namang thrill kapag simpleng maghahanap lang tayo ng guy tapos ipakikilala.Boring naman ng ganun.Bakit hindi natin idaan sa swerte.Halimbawa,Kung sino yung pang apat na papasok dyan sa pintuan na yan,yun yung prospect natin.Tapos mas maganda kung pareho natin silang lalasingin para pag gising nila,Bingo! _Thea. Dinig ko naman yung pag uusap nila pero since tinamaan na ako ng alak,Hindi ko na lang sila masyadong pinag ukulan ng pansin.

"Shiiiiiiiiiiit!!! Ang sakit ng ulo ko.Daaaaammmmn! _AKO.Nagising na lang ako kinabukasan sa tindi ng sakit sa ulo.Pabangon na sana ako ng biglang may sumigaw sa tabi ko.

"Siiiiiiiiinoooooo kaaaaa???? Anong ginawa mo sa akin?_Babaeng naka takip ng kumot. Shocked ako dahil hindi ko alam na may kasama pala ako ngayon sa bed.And mas lalo akong na shocked ng mapansin kong pareho kaming nakahubad.

"Ohhhhhhhhh noooooo!!! What happened? At sino ka din? Bakit pareho tayong nakahubad,For Pete sake!_AKO. Mabilis akong tumayo at hinila sa kanya ang kumot pero hindi nya yun pinayagang makuha ko kaya naghilahan kami pareho.

"Ikaw ang tinatanong ko,Bakit ka nandito? Bakit pareho tayong walang damit na suot? Ohhhhh God,You raped me?  Manyak ka!_Naked lady.Hinampas nya ako kaya mabilis ko namang sinalag ng kamay ko ang panghahampas nya sa akin.

"Hoy Miss,Magdahan dahan ka sa pananalita ha.Hindi ako rapist,At lalong hindi kita ni rape! Maka manyak ka dyan parang ikaw lang ang na violate ah. Babae din ako,Kaya pareho lang tayo!_AKO. Pero bakit ganun,Pakiramdam ko hindi lang kami basta nagkatabi sa kama. Feeling ko din,Mayroong nangyaring higit pa.Wag naman sanang tama ako ng hinala.

"Babae ka ba o nagpapanggap lang? Papanong nangyari na pareho tayong walang mga damit ha? Papano mo ipaliliwanag na..._Naked lady. Bigla na lang syang napatakip ng mukha at saka napaiyak.Ibig bang sabihin,Pareho kami na may kakaibang nararamdaman sa mga sarili namin? Shiiiiiit!

"Look Miss,I really don't know what happened pero we need to talk.
Kailangan nating pag usapan kung ano ba atalaga ang nangyari talaga kagabi.Wag ka namang umiyak,Hindi ko din alam kung ano ang nangyari so please...Kumalma ka lang._AKO.I need to calm her,Kasi baka bigla syang mag eskandalo at mas lumaki pa ang problema.

"Papano akong kakalma?Look at me,Look at you.We're both naked tapos magkatabi sa kama ng buong magdamag.Sa tingin mo,Dapat ba kong magsaya sa nangyayari ngayon ha?_Crying lady.Naawa naman ako bigla sa kanya dahil sa pag iyak nya.Pero hindi ito ang oras para magtalo kami.
Dapat pag usapan namin kung ano at papano nangyari ang lahat ng ito.

"Teka Miss,I know how you feel.Pareho lang tayong biktima dito okey.Pero hindi tayo dapat magturuan kung sino at bakit nagkaganito tayo.Dapat malaman natin kung ano ba talaga ang nangyari._AKO.Lalo syang napaiyak kaysa kumalma sa mga sinabi ko.Kaya naman mas lalong di ko alam ang gagawin.

"Papano tayo nito,Gusto ko ng umuwi pero papano? Wala akong matinong damit na isusuot.Ni hindi ko ding magawang makatayo ng maaayos._Crying lady.Napatingin ako sa ibaba ng kama.Nakakalat duon ang mga damit namin,punit punit.Napahilamos ako ng mukha.

"Ganito na lang Miss.Ako na muna ang tatayo at papasok ng banyo.Then tatawagin ko ang secretary ko para dalhan tayo ng maisusuot.After natin makapagbihis ng maayos saka natin pag usapan ang nangyari.Okey lang ba sayo yun?_AKO.Tumango naman sya at saka tumalikod sa akin sa paghiga.Wala akong choice kundi tumakbo papunta sa banyo ng walang suot.Nasa kanya kasi yung kumot.

After kong magshower ay kaagad akong tumawag kay GIGI para padalhan ako ng mga damit at pangloob.Hinulaan ko na lang yung size ng  damit ni girl dahil mukang di naman kami nagkakalayo ng sukat.Hindi naman nagtagal at naideliver kaagad ang mga damit namin dala ng inutusan ni GIGI.

"Ngayon Miss,Pag usapan natin ang mga nangyari kagabi.Ano bang naaalala mo?Kasi sa totoo lang,Sobrang lasing ako sa bar kagabi kaya wala talaga akong maalala._AKO.Bakas sa mukha nya ang pag aalala,Sa hindi ko malamang dahilan...

"Kasama ko ang mga kaibigan ko at pumasok kami ng SRV. Then we met Thea and her friends including you na nasa isang tabi nga lang at lasing na lasing.After ng kaunting chikahan,Inabutan nila ako ng isang baso ng alak.Tapos  after kong ubusin yung laman ng baso,Wala na kong maalala at nagising na lang ako na katabi nga kita sa kama._Worried lady.

"Hindi mo ba napansin kung may inilagay sa wine glass mo na something?
Posibleng may nilagay sila sa baso mo kaya wala kang maalala after.
Siguradong ang mga kaibigan ko ang may kagagawan ng lahat ng ito.
_AKO.Kilala ko sila Kyle at Millie na madaming mga kalokohan. At sigurado ako na sila ang may kagagawan nito.

"I don't have any idea.Mga kaibigan ko naman ang mga kasama ko kaya im sure hindi nila ko gagawan ng masama syempre.Pero bago pa kami pumasok sa Bar,May mga pinag uusapan na sila na hindi ko naman masyadong pinapansin. Humanda sila sa akin,Mananagot silang lahat sa ginawa nila._Worried lady.Saka ako napatitig sa maganda nyang mukha.
Matangos ang ilong nya at saka mestisahin.Hindi sya tipong modelo pero papasa syang mama Mary kapag may senakulo.Napaka amo kasi ng mukha nya na parang di makabasag pinggan.

Huh! Bakit ba masyado akong madetalye sa itsura nya? Ano bang nangyayari sa akin? Sanay na sanay naman akong humaharap at makipag usap sa mga babaeng mas magaganda  at mas matatangkad pa sa kanya pero never akong nakaramdam ng kakaiba gaya ngayon.















" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon