39.KLARISSE

310 23 1
                                    

Kapag free time ko at gusto ko lang mag chill chill ay nandito lang ako sa mansyon para mag swimming

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag free time ko at gusto ko lang mag chill chill ay nandito lang ako sa mansyon para mag swimming.Balak ko nga sanang magpagawa ng pool sa farm kaya lang ay baka naman masayang lang kung wala masyadong gagamit.Mabibilang lang kasi sa daliri kapag nagpupunta ako duon.

"Klarisse,Iha.Umahon kana muna dyan at mag almusal kana muna.
_Manang Alicia.Galing sya sa mansyon pero ipinadala sya ng Daddy dito para daw may mag asikaso sa akin.Matagal ng mayordoma si Manang Alice sa mansyon kaya pumayag na din ako na sya ang ipadala.

"Salamat po Manang Alicia.Siguradong tataba ako nito dahil sa pagdating nyo._AKO.Sya kasi yung tipo ng kasambahay na talagang hindi ka tatantanan hanggat di mo kinakain at tinitikman ang mga inihanda nya.

"Naku dapat lang na kumain ka sa oras,Para hindi yang nalilipasan ka ng gutom palagi.Parehong pareho kayong payat nung kaibigan mong si Attorney Herrera nga ba yun,Hindi naman kayo mga modelo pero ayaw nyong magsipag kain._Manang Alicia.

"Ano hong sabi nyo Manang,Si Attorney FIONA ho kilala nyo?_AKO.

"Yung ION nga yung Fiona hindi ba?Uu yun na nga.Yung maamo ang mukha na parang si Mama Mary,Tapos halata mong galing sa matinong pamilya dahil pino kumilos at hindi pabalang sumagot sa Daddy mo kahit iniinsulto na._Manang Alicia.

"Ano hong iniinsulto? Teka naguguluhan po ako sa kwento nyo Manang, Bakit po nyo nakilala si Fiona at Saan nyo sya nakita?_AKO

"Nadinig ko na ipinasundo ng Daddy mo si Attorney Herrera sa driver nyo para dalhin sa mansyon nyo nuong isang araw.Ang sabi ng Daddy mo,Kailangan nya nga daw makausap si Ion para pagsabihan na layuan ka.Kasi nga sya ang sinisisi ng Daddy mo kaya naging LESBIAN ka daw._Manang Alicia.

"Shiiiiiit! Kaya naman pala.Kaya naman pala ganun ang pakitungo sa akin ni Fiona nung huli kaming nagkita.Kasi nga pinagbantaan sya ni Daddy na layuan ako._AKO.Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at nag shower.

"Dad,We need to talk! What the hell are you doing?Kelan kapa natutong makialam sa personal issues ko?_AKO.Basta na lang ako pumasok sa opisina nya kahit na may mga tauhan pa syang nasa loob.

"Everybody,Please leave the room.May pag uusapan lang kami ng anak ko._Daddy.Saka naman mabilis na nagsipaglabasan ang mga taong kausap nya lang kanina.

"Dad,Bakit kailangang pati si FIONA ay idamay mo pa? Wala syang kasalanan dito! Sya pa nga ang nadamay sa nangyari sa akin kaya hindi mo sya dapat sinabihan ng kung ano ano._AKO.Sa kauna unahang pagkakataon,Nagtaas ako ng boses sa Daddy ko.

"Wala syang kinalaman nuong una siguro,Pero sa ikalawa nyong pagkikita imposibleng hindi nya yun sinadya?Hindi naman lingid sa kanya kung gaano kalaki ang mamanahin mo sa akin dahil sya ang nag ayos ng mga dokumento tungkol sa last will ko kaya naman muli ka nyang inakit para magustuhan mo sya hindi ba?_Daddy.

"Daddy? Alam mo ba yang mga sinasabi mo? Sa kakasama mo dyan sa mag amang CHAVEZ na yan,Nagiging MAKITID na din yang pag iisip mo!
Hindi ganung klaseng ng babae si Fiona.Hindi sya mukhang pera Dad!_AKO

"Papano mo nasabi? Gaano mo ba sya kakilala at para yatang alam na alam mo na ang buong pagkatao nya ha? Hindi paba sapat na SYA ANG DAHILAN kaya natuluyan ka sa pagiging LESBIAN? Tapos ngayon naman pati kayamanan mo gusto nya pa ding makuha?_Daddy.

Dad naman,Papanong si Fiona ang naging dahilan ng pagkaka ganito ko?
Walang dapat sisihin kung babae man ang gustuhin ko.Hindi yun sakit na nakakahawa na pwedeng malipat sa isang tao.Nagkataon lang na NAGING BABAE AKO NA NAGKAGUSTO SA BABAE DING TULAD KO.Wag mong ibunton ang SISI sa iba dahil ako mismo ang may gusto nito.
At tungkol naman sa perang sinasabi nyo,Hindi lahat ng tao ay ganid sa salapi Daddy.Baka mali kayo ng pinararatangan dahil ang alam ko.MGA CHAVEZ lang naman ang atat na atat sa perang mamanahin ko_AKO.

"Mayaman din ang mga Chavez,Hindi na masama kung ma ipagsasama ang kayaman nyong dalawa ni Chris kung sakali.Mas mabuti ng sa kanya ka mapunta kaysa mapariwara ka lang.Hindi ko matatanggap na sa babaeng yun ka lang mapupunta.Hindi iyun ang gusto ko para sayo.Gusto kong mabuhay ka ng normal at magkaroon ng pamilya.Nang mga anak at asawa._Daddy.

"Then I'll QUIT!!! Mas mabuti pang ipamigay nyo na lang sa kawang gawa at sa madrasta ko ang lahat ng pera nyo kaysa magkasal sa taong kayo lang naman ang may gusto! Ayoko sanang gawin to Dad eh,Kaya lang sumosobra kana.Anak mo ko pero HINDI KO YUN NARARAMDAMAN EVER SINCE! MAS MAHALAGA SAYO ANG PERA MO KAYA SAYONG SAYO NA YAN. TUTAL NAMAN,HINDI MOKO KAYANG MATANGGAP SA KUNG ANO ANG PAGKATAO KO kaya MABUTI PANG WAG MO NA DIN AKONG KILALANING ANAK KAHIT NA KELAN!_AKO. Mabilis akong lumabas ng opisina nya at saka pinaharurot ang kotse ko.Hanggang sa makalayo ako sa opisina nya at saka ako huminto sa gilid ng kalsada.Napaiyak na lang ako sa sobrang sakit ng loob ko.Para syang sasabog sa sobrang sakit.

Bata pa lang ay sabik na sabik na akong makasama ang Daddy.Kaya lang ay hindi daw pupwdeng lumapit sa kanya dahil magagalit yung totoo nyang asawa.Kaya naman nagkasya na lang ako sa pagsulyap sulyap sa kanya sa malayo.Hanggang sa makapagtapos na ako sa kolehiyo at saka nya lang ako ganap na naipakilalang anak nya sa mga tao.Kaytagal kong pinangarap na ipakilala nya akong anak nya sa lahat.At kaytagal tagal kong inasam na matawag nya akong ANAK.

Pero sa kabila ng mga bagay na meron ako ngayon ay hindi pa din ako totoong masaya.Siguro kasi ay dahil wala akong matatawag kong sarili kong pamilya.Saka ko narealize na walang kayamanan ang magpapaligaya sa isang tao kundi ang Pamilya. Pamilya na TATANGGAP sayo sa kung ano at sino ka man.

Bumukas ang gate sa tapat ng bahay na pinagparadahan ko.Saka ko narealize na nandito nga pala ako sa Royal Hills,Ang lugar ng mga HERRERA.Posibleng nakita sa cctv na pumarada ako sa tapat ng bahay nila kaya ako pinagbuksan ng gate.Iniwanan ko na lang ang kotse ko sa labas at ako na lang mismo ang naglakad papasok sa bahay nila.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon