34.FIONA

312 17 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong ipinatawag ni Chairman DS at pinasundo pa sa kanilang driver patungo sa kanilang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong ipinatawag ni Chairman DS at pinasundo pa sa kanilang driver patungo sa kanilang bahay. Bahagya akong nalula sa lawak ng bakuran ng mansyon ng mga De Silva.Hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansyon nila na sa tantya ko ay kukulangin ang isang araw para malibot ko.
Mansyon din naman ang bahay namin pero di hamak na doble ang laki nito.Moderno at makabago ang style ng mansyon ng mga De Silva.

"Maupo ka muna dyan iha,Pababa na ang chairman.May importante lang na kinausap kaya hindi kaagad makababa.Maiwan na muna kita._Mayordoma.Medyo may edad na kasi sya at hindi naka uniporme kaya nahulaan ko lang na mayordoma sya dito.

"Sige po,Salamat._AKO.Saka ko inilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng recieving area.Maaliwalas ang paligid at palibot sya ng malalambot at mamahaling mga upuan.May mangilan ngilan ding mga paintings nakasabit na syang nagsisilbing pinaka sentro nitong area.Dun ka kasi mapapatingin talaga.Yung mga painting na alam mong mamahalin at hindi lang dito sa Pilipinas nabili.Gawa ng mga kilalang mga pintor.

"Magpalamig kana muna iha,Saka tikman mo itong biskwit na paborito ni Klarisse._Mayordoma.Magiliw sya sa akin.Mayroon dyang dalang pineapple juice at saka biskwit na parang marie biscuit ang itsura.Nagulat ako na parang kilala nya ako dahil sa pagbanggit nya sa pangalan ni Klarisse.

"Marami pong salamat.Nag abala pa po kayo.Pero salamat po kasi masarap itong biscuit.Ngayon ko lang po sya natikman._AKO. May 20 bedrooms siguro ang mansyon sa sobrang laki at taas nito.

"Sa probinsya pa kasi yan nabibili.Wala dito sa Manila kaya siguradong di mo pa natitikman.Yan lang ang tanging biscuit na kinakain ni Klar kaya hindi kami nagpapawala nyan dito sa bahay._Mayordoma.Pansin ko na panay ang banggit nya sa pangalan ni Klarisse.Para bang meron syang gustong ipahiwatig.

"Ganun po ba,Kaya pala po kakaiba  at masarap sya.Salamat po ulit.Si Klarisse po ba hindi nagpupunta dito?_AKO.Agad naman syang naupo sa tabi ko at saka nagpalinga linga muna sa paligid.

"Hindi mo ba alam,Bawal si Klarisse dito.Ayaw ng bruha nyang madrasta.
Alam mo bang kahit malaki na yang si Klar,Sinasaktan pa din yan ni Madam?Naku,Salbahe talaga sya kay Klar.Pasalamat sya at hindi sya pinapatulan nung tao.Mabait na bata kasi yun eh._Mayordoma.Bigla tuloy akong naawa kay Klarisse.Talaga palang malungkot ang naging kabataan nya at maging hanggang ngayon ay ganun pa din sa kanya ang madrasta nya.

"Aware po ba ang daddy nya na ganun ang asawa nya kay Klar?Bakit po hindi nya kastiguhin ang asawa nya kung ganung mapanakit pala sya? Bawal po iyun.Pwede syang kasuhan at makulong sa ginagawa nya._AKO

"Alam naman siguro ng Daddy nya kaya nga inilayo na lang sya dito.
Kaya lang kasi nung namatay yung yaya nya,Wala siyang choice kundi pansamantalang dito na muna patirahin si Klar.Ayun na nga,Puro pananakit at paninigaw naman ang inaabot nya kay Madam._Mayordoma.Saka ko naisip na malungkot pala ang karanasan ni Klarisse sa bahay na ito kaya hindi na sya dito tumira.

Natigil ang pag uusap namin dahil pababa na ng hagdan si Chairman.

"Sige maiwan na muna kita ha,Basta wag kang maglalalapit dun kay madam.Baka mapag initan ka din._Mayordoma.Mabilis syang nagpaalam at dumiretso na sa kusina.

"Salamat naman at pinaunlakan mo ang paanyaya kong dito tayo makapag usap.Tamang tama naman kasi na out of the country ang asawa ko kaya mabuti na yung wala sya habang kinakausap kita.Kumain kana ba?_Chairman DS. Malaki talaga ang pagkakahawig nilang mag ama liban sa dimples na sabi ni Millie nuon ay sa Mommy nya nakuha.

"Ano po ba ang pag uusapan natin Chairman? Tungkol po ba saan ito at parang ang seryoso naman po yata?_AKO.Sa totoo lang  bigla akong pinawisan ng malamig ng makaharap ko bigla ang Chairman.Pakiramdam ko ay isa akong kriminal na hahatulan ng bitay sa mga oras na ito.

"Well,Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa.Tungkol ito sa namamagitan sa inyo ng anak ko.Tungkol ito sa ugnayan nyo na naging sanhi upang malagay sa alanganin ang pangalan ko._Chairman.Napaangat ako ng mukha bigla.Kasi naman ay hindi ko alam alam nya ang lahat.

"Chairman,Ano po ang ibig nyong sabihin? Ano pong ugnayan na sinasabi nyo? Saka papano pong nadamay ako sa posibilidad ng pagkasira ng pangalan nyo?_AKO

"Wag na tayong maglokohan pa Attorney Herrera,Alam mong alam ko ang ibig mong sabihin.Kaya mo ba hinakawan nuon ang kaso ng anak ko para malaman mo kung gano kalaki ang kayamanang makukuha nya?_Chairman.Saka ako napatayo sa kinauupuan ko.

"Teka lang naman po Chairman,Wag naman po kayong magsalita ng ganyan? Wala po akong alam sa sinasabi nyo at lalong wala akong interes sa yaman ng pamilya nyo._AKO.

"Talaga ba?Kaya pala naulit muli ang pagkikita nyo ng anak ko dahil nalaman mo na tagapagmana pala ng De Silva ang naka one night stand mo? Kaya sa pangalawang pagkakataon,Muli mo syang inakit at ibinigay muli ang sarili mo?Hindi kaba nahihiya sa ginagawa mo? Pati ang anak kong nananahimik,Ginulo mo ang pag iisip kaya ngayon ay pansamantala munang lumayo para hanapin ang sarili nya._Chairman.Saka ko lang nalaman na wala pala sa Manila ngayon si Klarisse.

"Teka lang naman ho Sir,Dahan dahan naman po kayo sa pananalita.Hindi ho tama ang magparatang sa tao lalo na at wala kayong basehan.Oo,Aaminin ko na muling may nangyari sa amin ng anak nyo pero hindi ko sya inakit gaya ng nasa isip nyo.Pareho namin yung ginusto.At hindi lang naman sya ang nagulo ang mundo kundi pati na din ako.Hindi lang sya ang may pangalang kailangang pangalagaan kundi pati ako._AKO.Hindi ko na napigilan ang maluha habang nagsasalita.

"Alam mo bang babae ang anak ko?At babae ka din.Papano nyo nagagawa ang magsiping gayong pareho kayong babae?Sa mata ng Diyos,Sa mata ng tao...Hindi yun tama! Maling mali kaya dapat hindi nyo yun ginawa at inulit pa!

"At dahil sayo,Nagkaroon si Chavez ng rason para i blackmail ang anak ko.
Gulong gulo ang anak ko ngayon.Hindi nya alam ang gagawin para lang hindi ka madamay sa gulong ito.Kasi nga ayaw nyang kapag nalaman ng pamilya mo ay itakwil ka nila at ikahiya._Chairman.

"Hindi lang naman ho sya ang nagugulo ang buhay kundi pati na din ako.
Kahit na abogado ako ay wala akong magawa dahil natatakot akong malaman ng pamilya ko ang nangyari.Pero wag nyo naman po akong akusahan na pera nyo ang habol ko.Kahit kelan ay hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na yun._AKO

"Isa lang naman ang hihilingin ko sayo eh,Para pare parehas na tayong manahimik lahat.Layuan mo ang anak ko.Wag mo na syang lapitan pa at wag ng guluhin ang isip nya.Ang gusto ko sa nag iisang anak na babae ko ay magkaroon ng NORMAL at BUONG PAMILYA._Chairman.

Matapos ang pag uusap namin ay ipinahatid nya akong muli sa driver nya. Nang makarating na kami sa highway ay nagsabi na agad ako sa driver na wag na nya akong ihatid at ako ng bahala sa sarili ko.Sumakay ako ng taxi at saka tahimik lang na nag iisip.Naisip kong bigla si Klarisse.Naaawa ako sa kanya.Naiipit sya sa sitwasyong parehong mahirap pagdesisyunan.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon