NAKATANGA siya sa harap ng laptop niya. Nginangatngat ang takip ng ballpen. Walang maisip. Hindi niya alam paano sisimulan. Kanina pa siya nag-iisip ng mga panimulang sulat ngunit ang isipan niya ay lumilipad papuntang MCorp.
Maaga siyang nagising dahil sa totoo lang hindi siya makatulog kagabi. Iniisip niya ang may-ari ng MCorp. Kung ipipikit niya ang mga mata, ang gwapong mukha ni Midnight ang nakikita niya.
Napabuntong-hininga siya. Ano bang sunod na plano ang gagawin niya makapasok lang sa kompanyang yun?
Magpanggap na lalaki? Then she imagined herself having a boy cut hair. Pffft! Natatawa siya. Mukha siyang sisiw na tinanggalan ng mga balahibo. No. It can't be.
Magpanggap na nawawala niyang asawa? The fuck! Ang lame sobra. Eh alam naman niyang single yun. At nagkita na sila kahapon, di na pwede yun. Tsk.
Napasabunot siya sa sariling buhok at tumayo. Pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Nag-isip ulit.
Akitin ko kaya?
Magkaka-titigan sila ng malagkit. Kakagatin niya ang mga labi sabay titig sa makakapal at mapula nitong mga labi. Susundan ng malalim kung makatitig nitong mga mata ang bawat galaw niya. Unti-unti na silang nagkakalapit. Hinahabol ang mga hininga. Sa sobrang lapit naamoy niya ang amoy mint nitong hininga.
Naglandas ang mga daliri nito mula sa kanyang mga kamay paangat sa kanyang braso. Napapikit siya dahil sa kiliting hatid ng bolta boltaheng bigay ng simpleng pagdampi ng mga daliri nito sa balat niya. At hinawakan nito ang gilid ng leeg niya.
Napabaling ang kanyang mukha malapit sa kamay nito, gusto niyang damhin din nito ang kanyang pisngi. Ngunit sa pagmulat niya ulit, ang mga mata at ang mga titig nito na puno ng pagnanasa ang sumalubong sa kanya. Napasinghap siya. Naka-awang ang mga labi. Sobrang lapit nila at unti-unti pang nagkakalapit.
Tumatama ang ilong sa ilong niya. Mas nararamdaman ang init ng paghinga. Mas nakakaliyo. Unti-unting nagnanais na maglapat na ang kanilang mga labi. Konti na lang.
BZZZZT! BZZZZT! BZZZZT!
Napamulat siya sa naramdamang pag vibrate ng telepono. Nanlalaki ang mga mata.
Wait? Did she just imagined it? O napanaginipin niya? Nakatulog siya?
Dinama niya ang dibdib, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Nalilito kung imahinasyon niya ba yun o panaginip. Ngunit ang hindi niya makayanan, kahit panaginip pa yun, hindi siya makapaniwalang sumagi sa isipan niya ang lahat ng yun.
Oh my gosh? Ganon niya ba ito ka crush? Nanindig ang kanyang mga balahibo. Nalilito kung ayaw o gusto niyang mangyari iyon. Shocks!
Maypa-plano plano ka pang akitin yung tao, eh mukhang ikaw ata yung maaakit Dawn. Baliw ka! Stop thinking none sense.
Nasapo niya ang mukha. Nabigla ulit siya ng magvibrate ulit ang telepono. Eh, may tumatawag nga pala.
Tinignan niya ang screen ng telepono. Unregistered number ang nakarehistro. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin iyon, because in the kind of work she have it might be someone she knew that's under cover.
She answered the phone and waited for the other line to talk first.
"Good morning, may I speak with Ms. Macanduli?" Tanong ng nasa kabilang linya. Magalang ang boses nito. Lalaki ang nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.