I always love reading your comments guys, lalo na pag na aappreciate niyo ang gawa ko at naeexcite kayo sa susunod na mangyayari, kinikilig talaga ako. Thank you so much.
Here's an update, thanks for waiting. Enjoy! Lovelots! 😘
••••••••••••••••••••PAKIRAMDAM niya for the past days na naninirahan siya sa bahay ni Midnight parang mababaliw na siya sa pagpipigil na mas mahulog dito, dahil sa araw araw talagang tinotoo nito ang pagpaparamdam sa kanya na mahal siya nito. Gagawin nga ata talaga nito lahat para sa kanya.
Kagaya na lamang ng bigla na lang itong susulpot na may dalang bulaklak galing nito sa trabaho. Siya naman hindi alam anong gagawin. Hindi naman niya dapat ipakita dito ang kilig niya sa pagbibigay nito ng bulaklak. Dapat siyang magpigil.
Kagaya rin kung paano itong bawat oras tumatawag at sasabihan siyang miss na siya nito. Hindi niya naman ito masagot pabalik kaya ang ending ibababa nito ang tawag na hindi niya man lang nasabi yung totoo niyang nararamdaman. Dapat siyang magpigil.
Kagaya na lamang ng bigla bigla na lang siya nitong hinihila palapit at niyayakap ng mahigpit. Pero di niya magawang suklian ang yakap nito, naroon lang siya nakatayo habang yakap nito. Dapat siyang magpigil.
Oo kulang na lang mabaliw siya kakapigil ng nararamdaman. Bakit ka ba ganito Midnight ha? Kung kilala mo lang siguro ang totoong ako baka di mo magawa yung mga bagay na yun sa akin.
Pang apat na araw na niya ngayon sa bahay ni Midnight. Her lolo called kanina kung bakit daw di siya bumisita sa mama niya this days, she just made an excuse. Sinabi niyang busy pa siya pero ang totoo di siya maka alis sa bahay na ito hanggat di niya kasama si Midnight dahil mapapahamak daw siya.
She can manage naman to take care of herself, ang hindi niya kaya ay ang pag-alalahanin si Midnight. Nakita niya ang sobrang pag-aalala nito sa kanya. Pag sasabihin naman niyang aalis siya at bibisita lang sa mama niya baka sumama pa ito, ngunit ang sabi ng lolo niya sekreto lang nilang dalawa yun. Bawal may ibang maka-alam na buhay ang mama niya.
Nakita niyang pumasok si Max sa kusina na may dalang bote. Transparent lang ang bote at may lamang tubig. Sinundan niya ito. Nakita niyang nilagay nito sa ref iyon.
"Ano yan?" Takang tanong niya.
"Tsk." Parang inis pa itong nandoon siya sa kusina. "Wag mo na lang pakialaman to, lambanog ito. Alam mo naman siguro yun?"
"Bakit ka may lambanog?" Tanong niya ulit. Diba masyadong matapang ang inumin na iyon.
"Bakit ano bang paki mo?" Nilampasan siya nito.
"Bakit inis na inis ka sa akin? Matagal ko ng pansin yan?" Hindi niya napigilang itanong. Kasi totoo naman talaga. Matagal na niyang gustong itanong yun dito.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.