Sorry ngayon lang nakapag update. Mahirap talaga po magsulat sa panahong wala kang inspirasyon. Gusto ko na sanang itigil. Pero gusto ko ring tapusin.
I'm really trying to find the inspiration to write this story. So I'm really sorry if super duper late ng updates ko.
Hindi man palagi ang update pero pag may time ako mag a-update ako at bibigyan si Dawn at Midnight ng magandang ending.
Thank you for still reading this. Love you all. Keep your heart sparkle 💖
Enjoy this update.
——————————————
NAKALABAS na siya ng hospital. Ang daddy niya ang sumundo sa kanya. Nanggagalaiti sa galit ang lolo niya habang pinapanood siyang sumasakay sa sasakyan ng daddy niya.
Tumutol ito pero dahil matigas siya, wala itong nagawa sa desisyon niyang sa daddy niya sumama.
Papalayo na sila ng hospital at nandoon parin ang lolo niya pinapanood ang paglayo nila. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Ayaw ko mang siraan ang lolo mo, pero anak mag iingat ka sa kanya." Seryosong sabi ng daddy niya.
Tiningnan niya ang ama. "Bakit, ano po bang alam niyo?" Wala sa sariling tanong niya. May pagdududa na siya pero baka mali lang din siya.
"I'm not the one who can tell you the story, siguro pagkarating natin sa bahay." Sagot nito. "I have a surprise to you." Biglang sumigla ang boses nito.
Napailing siya, she remember someone who really acts like her father. His man. Midnight.
Bumilis ang tibok ng puso niya sa pagpasok ni Midnight sa kanyang isipan. Oh god how she missed him.
"Ahm, how's Midnight dad?" Dahan dahan niyang tanong.
Umigting ang panga ng ama niya. Alam niyang hindi parin siguro ito komportable sa pagkakaroon niya ng boyfriend at si Midnight pa.
"He's okey." Awkward nitong sabi.
"Thank you dad." Pasasalamat niya. Nginitian niya ito ng lumingon ito sa kanya.
"For what princess?" He's eyes is starting to water.
"For everything you've done. Sa mga panahong nag undercover ako para makakuha ng ebidensiya sa iyo, I know I've seen things that illegal but you also do things that most of well off people can't do, it is to help those who is in need.
Salamat din kasi alam ko kung paano kang nagdusa sa pagkawala namin ni mommy. I thought you just abandoned me, iniwan kay lolo. But I was wrong.
Also I'm thankful for taking good care of the man I love. Thank you so much daddy. I love you." Naiiyak na din niyang sabi.
Huminto ito sa pagda drive at niyakap siya. Tahimik man ito but she knows he's crying.
Matagal din bago sila nagbitaw. "Salamat din at bumalik ka sa akin princess." Sabi nito sabay halik sa noo niya.
Tahimik man pero pareho silang nakangiti habang bumabiyahe. She's happy.
NANLAKI ang mata niya ng makita niya ang mommy niyang nakaupo sa sofa at kausap si Midnight. Nagtatawanan ang dalawa at hindi napansin ang pagdating nila.
Lumingon siya sa daddy niya. Alam na nitong buhay din ang mommy niya? Nagkita na muli ang mga ito.
Umobo ang daddy niya upang maagaw ang atensiyon ng dalawa. Sabay na lumingon si Midnight at ang mommy niya.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
Storie d'amoreThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.