Chapter 11

4.1K 76 12
                                    

Here's another update hehehe bawi bawi ako ha. Sorry for waiting guys. Di ako nakapagsulat this days kasi may lakad palagi tapos antok na pag uwi hahahaha. Nakakalosyang mygosh! But anyways sana sapat na ito. Happy reading poooo.

•••••••••••••



KANINA pa siya palakad lakad sa loob ng opisina ni Midnight. Tumingin siya ulit sa wristwatch niya. It's almost 6 in the evening ngunit di pa rin ito bumabalik.

Alam niyang walang CCTV sa opisina nito kaya naghalughog na siya kanina naghahanap ng mga bagay na illegal ngunit malinis talaga ito magtrabaho. Wala talaga siyang makitang illegal na ginagawa nito sa kompanya. Posible kayang bumisita lang si Hugo dito? Ano ba ang pinag-usapan nung dalawa na ganon kagalit si Hugo?

Nalala niya si Aimee. Oo baka may alam ito. Mabilis niyang kinuha ang personal na telepono. Ilang ring lang at sinagot nito ang tawag.

"Yes?" Bungad nito.

"May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung bakit bumisita si Hugo dito kanina?" Tumahimik ang kabilang linya. Tinignan niya ang telepono. Akala niya binaba nito ang tawag. "Aimee?" Tawag niya dito.

"Sorry. No I didn't know he visited Midnight." Hindi niya matanto kung ano ang naririnig niyang takot at kaba sa boses nito. "Why? Is there anything happened?"

"Wala naman masyado. Pero galit na galit si Hugo." Kwento niya.

"I knew it." Pabulong nitong sabi.

"Akala ko ba wala kang alam?" Naiinis na sabi niya dito. Tumawa ito sa kabilang linya.

"Ang tanong mo naman kasi kung alam ko ba bakit siya bumisita, hindi naman ang rason bakit ito galit na galit diba?" Pagdadahilan pa nito. Aba! Marunong din.

Magkasing edad lang sila ni Aimee. Masasabi niyang hindi sila magkaibigan, hindi rin sila magka-away, wala silang pakialamanan sa mga pinag-gagawa ng isa't isa, pero palagi silang andiyan upang tulungan ang isa pag napapahamak.

"Oh bakit nga kasi?" Pilit niya dito.

"Ang alam ko may drug dealing na nangyari nung isang araw, and it was Midnight who is selling. Ang drugs na binebenta nito ay sobrang high quality madaming naghahabol." Kwento nito. "Isa si Hugo sa naghahabol. Pero kahapon lang nalaman ni Hugo na hindi sa kanya binenta ang drugs. Akala niya may nabuo na silang bond ni Midnight dahil sa last time transaction nila, remember nung sinundan ko siya." Napatango tango siya.

Every After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon