Sorry for not uploading this early nabusy po talaga ako sa work. Kasi po may work na ako, yehey! Hahaha. But sana po maintindihan niyo. Thanks for waiting and happy reading 😘
••••••••••••••••••••••
SUNTOK. Sipa. Suntok. Sipa. Sipa. Ganyan lang ang ginagawa ni Midnight simula pa ng makauwi siya. Pinapagod niya ang sarili. Iniisip pa rin ang kagaguhang ginawa niya kagabi.
Masakit makitang nasasaktan ang iisang babaeng pinahalagahan niya. Pero mas masakit makita itong masangkot sa gulong pinasukan niya. Pag nalaman ng mga kalaban niyang may importanteng tao sa buhay niya, baka mangyari na naman ang nangyari sampung taon ang nakalipas.
He hates it because it feels like bawal siyang maging masaya. Bawal siyang magmahal. Bawal siyang may makasama. It feels like he's meant to be alone. Fuck!
Sinuntok niya ulit ang punching bag. "How long he's been here?" Narinig niyang pabulong na tanong ni Max kay Louise. Sinipa niya naman ang punching bag.
"Kanina pang madaling araw." Pabulong na sagot naman ni Louise. He throw a round kick to the punching bag.
"Ano?! Madaling araw pa tapos anong oras na, mag aalas 9 na ng umaga. Wala ka bang planong pigilan yan? He's been exhausting his self. Baka mahimatay na yan sa pagod niyan." Naiinis na ang boses ni Max.
Mas mabuti na nga na mahimatay siya, para naman makatulog siya ng maayos na hindi pumapasok ang mga bangungot at ang pagpapasakit niya kay Dawn.
"Alam mo namang di yan nagpapapigil eh." Walang pag-asang sabi ni Louise. Narinig niyang bumuntong hininga ang dalawa. He tuned them out.
He focused on punching the bag hard with bare hands. Nararamdaman na niya ang sakit sa kamao. Nararamdaman na niya ang pamamanhid ng binti ka ka sipa. Pero hindi parin niyon maibasan ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib.
Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya, bilang reflexes mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan ng humawak, hinila ito palapit at bumangga ito sa likod niya, kaya may pagkakataon na siyang iangat ito at binalibag pahiga.
"Aray!" Reklamo ni Max at nasasaktan ang mukhang nakahawak sa bewang nito. Tinitigan niya lang ito.
Dahan dahan itong tumayo. "Nababaliw ka na ba! Ang sakit non ha." Tumitig lang siya dito.
Wala siyang gana makipag-usap sa kahit na sino. Gusto niya lang mapag-isa.
"Night. I don't know what happen, but andito lang ako kung gusto mo ng kausap." Mababa na ang boses na sabi nito. He still did not give any reactions. Napabuntong hininga ito.

BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomansaThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.