I'm very sorry sa sobrang tagal na update. 2 weeks ata akong walang update huhu. Ganito kasi yun, 1 week akong walang maisulat dahil sa sobrang busy kinain na ng utak ko ang mga salitang gustong lumabas, I can't compose a good story. Second, wala ako for a week, gumala si me para marelax from work hehe.
As much as gusto ko araw arawin ang pag update, di ko talaga magawa. Kasi po hobby ko lang naman ang magsulat. I have a life outside wattpad, so I can't really promise ng araw araw na update. May haggard moment din ako pero maganda parin naman. Hahaha tsarot.
But thank you for always waiting sa update ko po. Sa pagbabasa ng storyang to. Thankisss.
Here is an update. Sana sapat na ang pagbawi kong ito. Please forgive your beautiful author. Tsarot haha. Lovemwa 😘
•••••••••••••••••••••••••NASA opisina na sila ni Minrod sa bahay nito, galing sila ng hospital. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi parin nagigising si Dawn. Pumupuslit sila sa hospital pag wala ang lolo nito. Salitan sila ni Minrod na ginagawa iyon. Wala namang problema sa kanila ang mga gwardiyang nakabantay dahil madali lang namang lusutan.
Ngayon nagkakape sila habang pinaplano kung paano nila kakaharapin ang kalaban. Mula sa mga baril at tauhan, hanggang sa kung paano nga ba nila mapapalabas sa lungga ang pinuno ng Tristé.
"Ten years ago paano niyo po ba nakaharap ang pinuno ng Tristé?" Tanong niya. Baka pwedeng gawin nila ulit yon.
Napatitig ito sa kanya. Pagkatapos ay yumuko, parang inaalala ang nangyari. "Ano ba ang koneksyon ni Rupert kay Amanda?" Pabulong nitong tanong sa sarili na narinig niya naman.
Napakunot-noo siya. Sino si Rupert? At bakit nito nabanggit ang nanay niya?
"Anong kinalaman nito sa nanay ko?" Takang tanong niya. Napatingala ito. Tumitig ulit sa kanya.

BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.