NANATILI parin siyang nakatingin sa nakasaradong pinto ng elevator.
Ikaw pala ang sikat na si Midnight Laxamana, ang gwapo nga sa personal.
Nakita niya lang ang lalaki sa nag-iisang tabloid na pinaunlakan nitong interviewhin siya. Tapos yung interview sobrang konting tanong lang ang sinagot nito. He is really a private person.
Sobra din itong seryoso at parang hindi alam paano ang ngumiti o tumawa man lang. Habang nagtitigan sila kanina, hindi niya mabasa ang anumang emosyon mayroon ito.
Malalim din itong tumitig. Sa sobrang lalim akala niya nahigop na siya. But she likes it.
She like his dark brown deep set eyes, na pinaresan ng makapal na kilay at mahahabang pilik mata na nagbibigay ng aura na palaging inaantok kung titignan. Matangos niyang ilong na ang sarap paraanan ng daliri. Strong jaw line na pag nagalit nag uumigting. His black hair na sobrang soft tignan. And those thick and reddish lips. Parang nang iimbitang halikan ko siya.
Ehhhhhh! Tili niya sa isip. Okey ayaw ko na siyang isipin kinikilig ako. I think I have a crush on him. Crush lang naman. Like lang yun. Hindi naman siguro masama.
"Ma'am pwede kana pong umuwi. Nasagot na po yung kailangan niyo dito." Basag nung lalaking receptionist sa kanya.
Mukhang may gender inequality nga itong kompanyang ito. Hindi sila tumatanggap ng babaeng empleyado. Paano ba to? Argh! Problema na naman niya.
Gusto na niyang irapan ang lalaking receptionist, dahil isa ito sa pahirap sa buhay niya. Ang epal! Nakoooo, kung hindi niya lang din crush yung Midnight na yun baka irap din ang abot nun. Ang arte ha, ayaw tumanggap ng babaeng empleyado. Ano ba naman yun? May problema siya sa babae? Tsk!
Pero imbes na pagmalditahan ang receptionist, ngumiti ulit siya dito. "Hehe, sige aalis ako. Pero iiwan ko na lang itong resumé ko, baka mag bago isip nun at tanggapin ako diba?" Sabay galaw galaw ng kilay ko. Nagbabakasakali lang naman.
Hindi natin alam, nahumaling pala yung Midnight sa ganda ko kaya wagas kung makatitig diba? Haha assumera na kung assumera. Pero kung hindi ito gumana, I still have another plan pa naman. Hindi ko susukoan ito no.
"I don't think so." Sabi nung receptionist na parang suko na talaga.
"Ang negative nito oo, wag kang mag-alala magiging magkatrabaho din tayo soon." Ngiting ngiti kong sabi sabay lakad paalis.
Haaaaay, uuwi akong bigo. Mag iisip na naman ng panibagong plano.
Nang makalabas ng building, kinuha niya ang cellphone at nagdial. Sa pangatlong ring, sinagot nito ang tawag.
"How was it?" Tanong ng babae sa kabilang linya.
"Failed. But don't worry. Tomorrow is another day." Pagbabalita niya.
"Be careful Dawn, okey?" Seryosong paalala nito. She don't know why she's always serious like this pag ang lalaking ito ang pinag-uusapan nila. Alam naman nilang pareho kung sino ang lalaking yun, o baka siya lang ang walang alam talaga?
She don't know. Maybe Aim's herself again, always the serious one.
"Of course Aim, thank you. Till next time?" Pamamaalam niya.
"Yeah, bye." Sabi nito at binaba na ang tawag.
Muli siyang humarap sa likoran at tumingala sa building.
"MCorp." Basa niya sa malaking pangalang nakalagay sa harapan ng building.
One of the most talked and rich company in the Philippines. So as the owner. Lahat ng mga business man gustong gusto siyang makilala o makadaupang palad, makasosyo at kung ano pang may pagkakataon silang makasalamuha ang isang Midnight Laxamana.
Every woman in town would die just to bed him, and any one he had bed would go around tell it to the town that she have a taste of the most rich and young businessman.
But no one really knows who he is. What's behind the success? What's behind the beautiful mask?
Napangiti siya.
"Hmmm, I think this will be the most exciting job I would be working in my entire career. Surprise me Midnight."
Surprise me.

BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomansaThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.