Seryoso totoo pala talaga yang writer's block. Nakakaletse! Wala kang maisip na maisulat. It's like nauubusan ka ng mga salita. Here's an update na pala. Happy reading :)
••••••••••••WALANG pasok sa araw na ito kaya si Dawn pinili niyang magpakabusy sa paglilinis ng buong condo unit niya. Natanggal niya na siguro lahat ng alikabok ngunit hindi parin siya makontento. Halos nailipat na niya lahat ng gamit ngunit hindi pa rin siya makontento.
Napalitan na niya lahat ng dapat palitan ngunit di parin siya makontento. Kagabi pa siya di makontento. Di matahimik. Di mapakali. Malapit na siyang mabaliw.
Bigla bigla siyang humiga sa sahig at tumitig sa kisame. Matapos niyang ibalita sa headquarters ang Harlot Club at sabihan siyang sila na ang bahala don. Lalo na't parte iyon ng misyon ni Aimee, malaking tulong iyon upang mas madaling mahuli si Hugo. Hindi na siya matahimik.
Nagi-guilty ba siya sa HQ dahil hindi siya umaming parte si Midnight sa club? Nag-guilty siya at di niya ginawa ng mabuti ang trabaho niya at imbes na dakpin ang isang criminal pinagtakpan niya pa.
Nababaliw na siya. She tried finishing her report kagabi. Adding more statements and evidence pero di niya matapos. Di niya matanggap. Pakiramdam niya mali ang mga sinusulat niya tungkol kay Midnight.
Napasabunot siya sa sarili. Para siyang uuod na binudburan ng asin sa paglilikot. Nagpapadyak siya habang nakahiga. Naiinis sa sarili at sa sitwasyon. Bumangon ulit at bumalik sa ginagawang paglilinis. Buong araw lamang siyang nasa bahay, nakatambay at tulala. Kakain at babalik ulit sa pagkatulala.
Katatapos niya pa lang maligo at naghahanda ng matulog ng mag-ingay ang telepono niya. Sino namang tatawag ng ganitong dis-oras na ng gabi aber?! Nang tignan niya kung sinong tumatawag kinabahan siya agad. It's Aimee. Dalawa lang ang ibig sabihin non, may balita na ito sa club o wala. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Have you heard what happen?" Bungad nito hindi pa nga siya nakakabati. She sounded so urgent.
"I haven't heard anything. What is it?" Kinakabahan niyang tanong dito.
"Inambush ni Hugo si Midnight kanina." Diretsang sabi nito. Nanlaki ang mata niya.
"What?!" Di makapaniwalang sabi niya.
"Inambush ni Hugo si Midnight kanina." Inulit nga nito ang sinabi. "Ngunit si Hugo ang mukhang inambush." Parang natatawa ito.
"Bakit ano bang nangyari?" Tanong niya ulit.
"May usapan pala silang dalawa. Midnight will handle his Harlot Club for a night in exchange for a Bloody Mary ecstasy. But Midnight did not stick to the negotiation and refuse to give the drug. Dahilan para magalit ang lolo mo." Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.