This chapter is dedicated to MARY HANZEL, hello po. Sorry nga pala sa matagal ulit na update. Syempre maghahanap buhay muna hahaha. Thank you for reading guys. Here's an update, happy reading :)
••••••••••••••NAGISING siya sa silaw ng araw. Pipikit-pikit na bumangon. May makirot siyang naramdaman sa gitna ng hita niya. Is this how it felt to be devirginized? Ang sakit.
Gumalaw siya ng konti at nilingon ang katabi. Wala na si Midnight. Hinamig niya ang sarili at binalewala ang kirot na naramdaman sa dibdib. Hindi naman nito obligasyong panindigan siya. Alam niya naman sa sarili niya kagabi ng ibigay niya ang bagay na iyon, it will be a one night thing for him. She knows how easily that man change woman. She knows that after a night of pleasure for him, he will dispose the girls immediately. Kaya wala siyang dapat na damdamin.
Then nanlaki ang mga mata niya. If that happens, i-didispose na din niya ako? Hindi na niya ako magiging sekretarya? Hindi ko na siya masusubaybayan ng malapit? Fuck!
Napapikit siya at napasubunot sa buhok. Shocks! She screwed up! She should have thought that. Fuck! Padyak at suntok ang ginawa niya upang malabas ang pagkainis sa sarili. Naalala niya bigla na may pasok pa siya. Mabilis na napatingin siya sa orasan, it tells 8:00 in the morning, late na siya. Iniisip niya kung papasok pa ba siya o ano na?
"Okey papasok ako kahit late. Kung masisisante na lang din naman ako dahil sa ginawa namin kagabi pwes lubos lubosin ko na. Pero kasi dapat di ako masisante eh." Naiinis paring sabi sa sarili bago bumangon at nagbihis.
Then a bright idea came in to her mind. Tingnan lang natin kung i-didispose mo ba ang ganda kong ito Midnight Laxamana.
PAGKALABAS galing sa elevator nakasalubong niya si Louise. Tiningnan siya nito ng walang reaksyon ngunit ng bumaba ang tingin nito sa binti niya, nakita niya kung paano manlaki ang mata nito at mabilis na umiwas ng tingin.
Nagpipigil ng ngiting bumati siya rito. "Good morning Louise." Masayang bati niya. Tumango lang ito at umalis na. Kita sa reaksyon nitong nagtagumpay siya sa plano.
She's wearing a short stripe high waist skirt to exposed her sexy legs. Pang-akit lang don sa lalaking walang emosyon. Tignan lang natin kung di siya maakit.
Lumapit siya sa pinto at hinanda ang ngiti bago binuksan ang pinto at sumilip. Nakita niyang busy ito sa pagpirma ng mga papeles.
Umubo siya bago pumasok. "Ehem, good morning sir." Bati niya.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomansaThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.