Funny Fact: Bisaya po ako.
Hahahaha so sorry po talaga guys kung mayroong tagalog na mali-mali. Sana maintindihan niyo parin.
Minsan nga habang nagsusulat ako nito nauubusan ako ng tagalog words. So nahihirapan ako magcompose kung paano ko ba isusulat ang isang scene. Hahaha shocks I'm so lame!
Sa mga humihingi po ng update agad-agad, sorry po talaga kung di ko po kayo mapagbigyan agad-agad kasi po may work din po kasi ako, so nakakapagsulat lang po ako pagnaka-uwi na ako ng bahay.
Sana maunawaan niyo po ako hehe. Here's an update po. Happy reading 😊
•••••••••••••••••••••••
ANDITO siya ngayon sa Arena kung saan ginaganap ang underground fight na palagi niyang pinupuntahan pag gusto niyang makaramdam ng pisikal na sakit. Kaharap niya ngayon ang lalaking mas malaki pa sa kanya ang katawan.
Hindi niya sinusubukang lumaban rito, hinahayaan niya lang ang mga suntok at sipa nito. Tinatanggap niya lahat. Pinapailag siya nito pero hindi siya gumagalaw. Mas gusto niya ang sakit na nakukuha sa pisikal kaysa maramdaman ang sakit sa loob niya.
Sa tuwing tumatama ang suntok nito sa kanya napapa-atras siya ngunit muling tatayo ng matuwid. Susuka ng dugo pero muling tatayo. He deserve it.
Deserve niyang masaktan ng paulit ulit dahil siya ang dahilan kung bakit naghihingalo ang babaeng mahal niya ngayon.
Dawn is still in the ER as of now. Hindi niya kayang maghintay sa labas ng ER lalo na't siya ang dahilan niyon. Pinahamak niya ang babaeng mahal niya.
Kahit alam niyang mapanganib hindi siya nag ingat. He's mad of himself. Kasalanan niya lahat. Kasalanan niya dahil sa kanya, kaya nila pinuntirya si Dawn.
"You fight back moron!" Sigaw ng lalaking kalaban niya. Ngunit bingi na siya at hinayaan lamang na bugbugin ng lalaki. Hanggang sa napaluhod siya at muling sumuka ng dugo.
Ganon nga ang gusto niya. Lahat na lang ng taong mahal niya napapahamak dahil sa kanya. Wala na ba talaga siyang karapatang magmahal?
Kahit gaano kasakit ang mga natatamo niyang suntok at sipa, bakit mas masakit parin sa loob? Nanghihina siya hindi dahil sa suntok at sipa, kundi dahil sa isiping naghihingalo ang babaeng mahal niya.
Mula sa pagkakaluhod naramdaman niyang umikot ang mundo niya at tuluyan siyang bumagsak padapa.
Malabo man ang paningin may nakita siyang mga taong naka men in black suit papunta sa kanya. Dinaluhan siya ng mga ito. Halo halo ang mga boses na naririnig niya.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.