Ang update ngayon eh may halong kabastosan ng slight, sa next chap yung matinding kabastosan. My not so innocent mind is wrecked HAHAHA.
••••••••••••••••NAGISING siya sa maingay na tunog. Pupungas-pungas siyang bumagon at nagmulat siya ng mata. Luminga linga sa paligid. Napakurap-kurap siya at iniisip kung lumipat ba siya ng unit.
Kahit madilim nagbibigay naman ng kunting liwanag ang buwan sa loob ng kwarto. Mapapansin na ang lahat ng gamit na naroon ay panglalaki. Ang amoy ay parang pamilyar hindi niya lang matukoy kung kanino nga ba. Sigurado siyang hindi niya kwarto ito.
"Asan ako?" Takang tanong niya. Mabilis na sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot. Nakahinga ng malalim ng makitang kompleto pa ang damit niya.
Mabilis siyang napalingon ng may marinig na kalabog sa labas ng kwarto. Dahilan para sumakit ang sentido niya. Parang biglang umikot ang paningin. Napapikit siya ng madiin. Shocks! Hang-over ba ito?
Nang unti-unti ng nawawala ang pagkahilo bumaba siya sa kama at lumapit sa pinto. Ano kayang nangyayari sa labas at bakit ang ingay? Nagtataka siya kaya pinili niyang ilapat ang tenga sa pinto at sinubukang pakinggan ang mga nangyayari sa labas.
Purong mabibigat na bagay ang nilalapag sa sahig na nagsasanhi ng ingay ang mga naririnig niya. Mga kahon ata ng hindi niya alam kung ano.
"Get it fast. Don't make too much noise. Someone's asleep." Matigas at maawtoridad na utos ng pamilyar na malamig ang boses na iyon.
"Night hindi mo ba ime-meet si Hugo ngayon?" May isang lalaking nagtanong. Tumahimik ang paligid.
Hugo? Diba iyon yung lalaking sinusundan ni Aimee? So it's not a one time transaction?
Akala niya di na sasagot ang lalaki. "Hindi muna, we have argument last time. Gusto ko siya ang sumuyo sa akin ngayon." Sagot nito. May bahid sa boses nito na alam nito ang ginagawa. Parang may sekretong plano.
Matapos non mas mahabang katahimikan ang sumunod. Nagsalubong ang kilay niya. Umalis na ba sila? Ano ba yung mga kahong kailangan i-deliver? Is it another illegal weapon transaction? O baka mga drug transaction?
Nakakainis. Sana binuksan niya na lang ang pinto ng kunti upang malaman niya. Tumayo siya ng maayos at naglakad sa sliding door na kanina pa bukas dahilan para mas lumamig ang kwarto.
Lumabas siya sa balkonahe. Sinalubong siya ng madilim na paligid at kalangitan na ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag. This is not his condo. Another property which is sa tingin niya nangyayari ang mga illegal na gawain. Sa tingin niya nasa kalagitnaan sila ng kagubatan. Tamang lugar para sa patagong mga transaction. But the question is why did she end up here?
Napayakap siya sa sarili ng umihip ang malamig na hangin. Ano na bang oras ngayon? Napapitlag siya ng may palad na humaplos sa bewang niya at pumaikot ang mga braso nito sa bewang niya at ang isang braso nito sa balikat niya. Kinabig siya palapit dito upang mapasandal siya sa dibdib nito.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
Roman d'amourThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.