After a month ngayon lang ulit nakapag-update. Waaaaa! Andiyan pa ba kayo nagbabasa? Hahaha.
But really, I'm so sorry for a super duper tagal na update. Ganito kasi yun guys. Bago lang ako sa work ko, 2 months pa lang kaya baitan ako. Tapos halos araw araw gumagawa kami ng plano, kaya grabe ang stress ko. Wala na akong panahon makapagsulat. Sundays lang off ko, tara iyak! 😭
Kaya sana po maintindihan niyo. So ngayon palang sinasabi ko na sa inyo, once a month lang talaga ako makakapag-update 😭 sorry.I hope you understand guys. And I love you so much for still reading this book kahit ang engot ng author hahaha.
Always happy reading at mahal ko kayo pero mas mahal kayo ni Kirsten at Donato 😘😍
——————————————
"DAD, ganito na lang ba tayo palagi? Pag magkikita nag aaway?" Pagod niyang sabi sa ama.
"If you just listen to me, hindi tayo magiging ganito Cassandra." Matigas ang boses na sabi nito.
"At kung sana tanggap niyo ang lalaking mahal ko." Nasasaktan niyang sabi.
"Hangga't nakikita ko sa kanya ang ama niya, hinding hindi ko siya matatanggap." May pagkamuhi at sakit ang boses nito.
Alam niya ang rason ng ama kung bakit ganon na lang ang galit nito sa asawa niya. Minrod's father killed her mother, no, accidentally killed her mother. But her dad won't believe it. Ilang ulit niyang ine-explain iyon dito. Ngunit ang palagi lang nitong sagot "Hindi mo nakita kung paanong kalabitin ng ama niya ang gatilyo!"
She knows the story. Minrod's father told her. And she believed the man. Dahil sa sobrang tagal niyang pagmamanman kay Minrod nalaman niya gaano kabait ang mga Vasquez. Kahit ang paraan nila ay illegal lahat ng bagay ay nauuwi sa kabutihan. Dahilan na rin kung bakit siya nahulog kay Minrod.
Minrod's father think there's is someone who shoots her from afar. Yun ang matagal na niyang hinahanap. Ngunit hanggang ngayon hindi niya parin mahanap. The only clue she have is a clover sniper. Yun daw ang simbolong nakita ng ama ni Minrod, ang kulay pulang clover na tumapat sa dibdib ng mommy niya.
Lumabas siya ng bahay at sumakay ng sasakyan. Mas hahaba pa ang sagutan nilang mag-ama kung sasagot pa siya.
Habang nasa biyahe, di kalayuan sa bahay nila may nakita siyang mga armadong lalaki na hinihila ang dalawang babae papasok sa sakyanan. Habang sa unahan may lalaking nakahandusay, gawa ng pambubogbog ng mga lalaking iyon.
Nang makapasok na ang mga goons sa van kasama ang dalawang babae, mabilis ang kanyang matang kinabisado ang plaka ng van. Maya-maya ay umalis na ang van. Mabilis naman siyang lumabas ng sasakyan at nilapitan ang nakahandusay na lalaki. Isang binatang lalaki. Siguro ina at kapatid nito ang mga babaeng kinuha.
His eyes are half open due to exhaustion. He has a lot of bruises and the side of his lips are cracked and bleeding. Before his eyes closed he thank her.
Dahan dahan niya itong inalalayan papasok sa sasakyan. Di pa naman ito masyadong mabigat kaya hindi siya nahirapan.
Nang makarating sa bahay naka-abang na si Minrod sa kanya. Lumapit ito sa sasakyan at ito na mismo ang nagbuhat sa bata. Hinalikan niya ito sa pisngi bilang pagbati. Ngiti ang sagot nito at tumuloy na sa bahay habang siya nakasunod lamang dito at hinahangaan ito sa kabutihan nito.
Hindi siya nagsisising ipinaglaban niya ang pagmamahalan nilang dalawa sa ama niya. He is a good man. A best leader. And a very loving father to their princess. Kaya mahal na mahal niya ito. Lihim siyang napangiti. After all the pain and tragedy happens to her and her father, falling in love with Minrod is the best thing happen to her. She hopes her father would find his own happiness. At mahanap nilang dalawa ang hustisya para sa kaniyang mama. Yun ang pinapanalangin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/188917136-288-k335214.jpg)
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.