Alam niyo bang sa apat na araw halos magbuwis ako ng buhay? Hindi niyo alam yun pwes magbasa na kayo. Hahaha here's an update. Happy reading pooo :)
•••••••••••••••
PANGALAWANG araw na itong hindi pumapasok si Midnight sa trabaho at di niya nakita simula nung magising ulit siyang wala ito sa tabi.
Nasasaktan siya. Ayaw na niyang i-deny yun. Pakiramdam niya nilalayuan siya nito. Tapos na ba ito sa kanya?
Kahit ilang beses niyang pigilang wag makaramdam ng sakit pero meron talaga. Hindi niya alam kung saan nanggagaling yung sakit. Imposible namang sa puso dahil wala naman siyang nararamdaman rito. Siguro nasaktan ang ego niya bilang babae.
Ilang ulit mo nang pinagsabihan ang sarili mo Dawn ngunit hindi ka nakikinig. Sita ng isang bahagi ng utak niya sa kanya.
Okey, from now on. Wala ng bibigay. I know my worth. Paalala niya ulit sa sarili.
She maybe enjoyed what happen but she should know her worth. Kahit man lang isang beses magisnan niya ito, sapat na yun para malaman niyang nirerespeto pa pala siya rito. Ngunit wala talaga.
Para sa isang kagaya ni Midnight, na maraming babaeng naghahabol balewala na sa kanya pagkatapos ng pagniniig ang isang babae. He is not the type who do cuddles, sayang lang yun sa panahon niya. Siguro mas pipiliin pa nitong makapiling yung nga baril at mga illegal niyang gawain.
Habang nakatulala sa screen ng desktop niya nakita niya sa gilid ng mga mata ang paglalakad ni Louise papunta sa kanya.
Huminto ito sa gilid niya ngunit wala siyang planong pansinin ito. Wala siyang amor sa mga lalaki ngayon. Bwesit silang lahat.
"Boss just called and said you may go home." Mahina at tantiyado ang boses na sabi nito. Nagpanting ang tenga niya. Bakit kailangan pa nitong iutos? Bakit di na lang ito tumawag ng diretso sa kanya?
"Sabihin mo sa boss mong pakamatay na siya." Malamig ang boses na sabi niya.
"Miss Macanduli!" Nabibiglang sabi nito. Nanlalaki ang mata. Nilingon niya ito.
"Ang OA mo. Wala kang sense of humor kausap." Inis na inis niyang sabi dito at muling tumitig sa screen.
"Is it the time of the month?" Pabulong nitong tanong sa sarili at napakamot sa likod ng ulo. Cute sana ito kung hindi lang siya namumuhi sa mga lalaki ngayon.
"Kung namimiss mo yung boss mong malamig pa sa antartica, hala puntahan mo siya dun sa Harlot Club." Biglang may sumingit. Napalingon sila ni Louise sa bagong dating. It's Maximo.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.