KINABUKASAN she did all her duties. Naghanda ng pagkain para sa boss. Inasikaso ang mga papeles na dapat nitong pirmahan o basahin. She's acting a real secretary. Fuck this! Nakakapagod pa lang maging sekretarya, tapos yung ending hindi naman pala papasok sa opisina ang magaling na boss niya.
Arrrrgggh! She is so irritated. Bwesit na Midnight na yun! Ano kayang problema non at hindi pumasok? Tapos na ang lunch hindi pa rin ito nagpaparamdam.
Naagaw ng pag ring ng telepono ang kanyang pansin. Mabilis niyang hinanap sa bag ang teleponong nag iingay. Aim is calling. Sinagot niya ang tawag.
"Have you heard?" Bungad agad nito hindi pa nga siya nakakasagot.
"About what?" Taka niyang tanong.
"They have transaction last night." Naningkit ang mga mata niya. Kaya ba wala dito ngayon ang lalaking yun.
"How do you know about that?" Nagtaka din siya kasi paano nito nalaman, samantalang siya hindi yun nalaman.
"I've been tracking Hugo, sila ang magkatransact kagabi. Kaya nalaman ko. Ikaw, anong ginagawa mo at hindi mo alam?" Bigla siyang nairita sa sinabi nito.
"Aim, kakasimula ko pa lang dito. Ngayon pa lang ako may access. Spare me." Pabulong niyang sabi. Baka may makarinig sa kanya.
"Yeah right. Just start immediately and get it done Dawn. But take care." Nalito siya dito. Ano bang minamadali nito? As if its her job. But she think of it, ngayon lang ito nakialam sa trabaho niya. Napapaisip tuloy siya.
Napansin niyang umiilaw ang isang telepono niya, yung gamit niya para sa pagpapanggap. Mabilis niyang tinapos ang tawag at tinago ang isang telepono.
Si Midnight ang tumatawag.
"Good afternoon sir." Bati niya.
"I want you to bring all the documents that needed of my sign here in my condo. My driver is waiting for you at the lobby." Diretsong sabi nito at binaba na ang tawag. Hindi man lang hinintay na makapagsalita siya. Kung makapag utos naman wala man lang please.
Nagpapadyak siya sa inis. Kailangan ko na talagang bilisan tong trabahong to, nakakainis! Ayaw na ayaw pa naman niyang pag inuutusan siya walang please. Sarap turuan nang manners nung Midnight na yun. Hindi ko na siya crush! Bwesit!
But on the bright side, makakapasok siya sa condo nito. Napangiti siya. Another access. You will get this job done Dawn. Patience is a virtue.
"SHE'S really from Los Baños sir, she lived with her grandparents, her mother and father died when she was still a baby. As I talked with the grandparents, mukhang alam naman nila anong trabaho ng apo nila. She.." pinatigil niya sa pagsasalita ang imbestigador.

BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.