Chapter 7

4.8K 49 6
                                    

Sorry sa matagal na pag update, na busy po kasi sa personal na bagay. Adulting sucks 😂😂😂

But here's an update. Happy reading.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

NAKAUWI siya sa bahay na tulala pa rin. Nakapagbihis ngunit ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip. Ngayon kaharap niya ang laptop at hindi alam paano sisimulan ang pagsusulat.

Sa isang blankong documento nakasulat ang Midnight Laxamana ngunit hindi niya alam paano dadagdagan iyon. Sa gilid naman ng laptop may papel kung saan nakasulat ang mga bagay na alam na niya kay Midnight.

She picked it up and read it.
"Midnight Laxamana aka Night. Drug lord. Illegal weapon dealer. Hired Killer. Reported of human trafficking." Marami na itong ginawang kasalanan ngunit hindi mapakulong dahil walang kahit isang solidong ebidensiya. And that's her job. She needs to know who is Midnight Laxamana. She needs to give evidences to the agency she is working to put Midnight in jail.

She is working for a secret agency that helps the Philippines Law Inforcement put the bad guys in jail. It's her job. Sa uri ng trabaho niya, mali ang maging involve sa taong dapat niyang ipakulong. Mali ang mga nararamdaman niyang kiliti sa paghalik nito. Mali lahat.

Nabulabog siya sa pag tunog ng telepono niya. Unregistered number ang tumatawag. Ngunit sinagot niya pa rin. She waited for the other line to talk first.

"Good evening Dawn." Bati ng lalaking may malaki ang boses. Kilala niya ang boses na yun. Bigla siyang kinabahan.

"Good evening sir." Ganting bati niya.

"Kamusta?" Isang salita lang yun ngunit maraming gustong ipahiwatig.

"I just got hired in the company sir, so basically I have access na. I'm still working on how to get those evidences. Hindi pa naman kasi niya ako pinagkakatiwalaan. But we'll get there sir." Mahabang paliwanag niya.

"Good. You know that you only have three months Dawn. Get the job done. Focus." Walang emosyong sabi nito ngunit pakiramdam niya may alam ito sa nangyayari. O baka guilty lang siya kaya nilalagyan niya ng kahulogan ang sinabi nito.

Umubo siya bago nagsalita. "Yes sir."

"Okey then." Paalam nito.

Every After MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon