This days po talaga nahirapan akong magsulat. Nakakasad kasi ang mga nangyayari. Sa mga delulu na lang ako kumukuha ng inspirasyon. I hope guys you enjoy this update. Thanks for waiting. Happy reading 😊
•••••••••••••••••••••
GABI na ng makauwi siya. Nagdinner pa sila ng lolo niya. Hindi siya masyadong naka-kain dahil sa mga iniisip.
Kagaya na lamang ng kung bakit kailangan magpanggap ng mama niya sa harap ng lolo niya. Sampung taon na bang nagpanggap ang mama niya?
Iniisip niya parin ang mga nangyari hanggang sa nakahiga na siya.
Madilim ang kwarto. Nakatulala sa kisame. Bakit pa ba siya sa condong ito umuuwi? Dapat sa totoong unit niya na siya umuwi. Tapos na ang misyon niya, kaya dapat kalimutan na lahat ng bagay na konektado niyon.
Kagaya na lamang ng condong ito. Dapat na siyang umalis. Kasabay nun ay ang pag alis niya sa Midnight na iyon sa isipan niya.
Yah, bukas na bukas din mag i-impake na siya paalis.
Ipipikit na niya sana ang mata ng may maulinigan siyang mahihinang yabag sa labas ng kuwarto niya. Mabilis at walang ingay siyang tumayo at lumapit sa pinto. Mas pinakinggang maigi ang mga yabag.
Base sa mga naririnig niya, dalawang tao lamang ang nasa labas. Mukhang hindi naman ang mga ito nagmamadali dahil dahan dahan lamang ang mga hakbang. May narinig siyang mahinang pagbukas at sara ng pinto ng cabinet.
Anong hinahanap nila?
May narinig siyang nagbubulongan. Papunta na sa kwarto niya ang dalawa. Kaya niya naman makipaglaban, dalawa lang naman ang bilang ng mga nanloob.
Nakita niya kung paanong pihitin ang door knob at dahan dahang binuksan ang pinto. Dahil nasa likoran siya ng pinto nakapagtago pa siya at hindi agad nakita ng pumasok ang dalawang lalaking nakatakip ang mukha.
Sa dilim ng kwarto at naka-itim lahat ng suot ng dalawa, mahihirapan ka talagang makita ang mga ito. Kung hindi lang siya trained sa pakikipaglaban sa madilim hindi niya talaga makikita ang mga lalaki.
Nakatayo patalikod sa kanya ang dalawa.
"Wala dito yung babae, akala ko ba nakauwi na?" Buo ang boses na tanong ng matangkad na lalaki sa di masyadong katangkarang lalaki.
Nagkibit balikat lamang ang kasama nito. Kinuha niya iyong pagkakataon upang lapitan ang hindi masyadong kataasan na lalaki. Tumalon at sinipa ito sa likod ng ulo.
Napa igik ito, napa-abante sa lakas ng sipa niya at napaluhod. Hindi niya na hinintay na makapag-react ang mataas na lalaki. Mabilis siyang yumuko at sinipa ito sa likod ng tuhod dahilan upang bumagsak ito ng pahiga.
Dahil nakatalikod siya sa isang lalaki di siya agad nakalayo ng hilahin nito ang buhok niya at hinila. Inipit ng mga braso nito ang leeg niya. Nahihirapan siyang makahinga pero kaya pa naman.
Kaka-tayo pa lamang ng lalaking bumagsak. Tumalon siya at ginamit ang lakas ng lalaking nakasakal sa kanya bilang sandalan at sinipa sa dibdib ang nasa harapan.
BINABASA MO ANG
Every After Midnight
RomanceThis story is purely of imagination of the author. Ang pagkakaparehas nito sa ibang storya, ang mga karakter, lugar o organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.