Pumasok ako sa school na walang gana. Lahat ng mga estudyante, nakatingin sa 'kin. Nagtatawanan habang nagpapakitaan ng mga phones nila.
Pero dahil wala akong pakialam, tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. Isa pa, nawala yung phone ko diba? Hindi ko alam kung sinong nakapulot.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ni Mitos at ipinakita sa akin ang kanyang Messenger. Nakatingin lang siya sa 'kin, sumesenyas na i-tap ko raw. To my curiosity, inopen ko nga 'to at sa gc namin, nandun ang mga litrato kong never kong inupload sa social media!
Mga pictures kong nakabikini, nakasando lang, nakamaikling shorts, basta yung nakapambahay at pang-summer ganon!
Wala naman sanang problema kung tutuusin kasi aesthetic ang pagkakakuha kaya lang, yung mga captions each photo! Sobrang sasagwa!
AND, may mga pictures din don na inedit yung katawan ko. Ginawang pornstar pero wala akong kuhang ganon!
"Barbie, tara sa CR oh, laspagin na kita. Tang ina, malibog ka pala. Nakailan ka na?" sabi sa akin nung lalaki habang padaan ako sa pathway. Nagdirty finger ako sakanya saka sila nagtawanan.
"Instant pornstar Barbie ha," sabi pa nung iba. "Maganda nga, maharot naman."
"At sinungaling pa! Hahaha!"
Napapikit na lamang ako sa narinig. Hindi ako makakibo. Hindi ako makapagsalita. Naiinis ako. Gusto kong pumatay sa inis.
Tumakbo ako sa isang abandonadong kwarto at dun nag-iiyak. Habang lumuluha ay isa-isa kong pinag-i-screenshot ang mga pinagsasabi nila sa aming groupchat gamit ang aking iPad. Tanga din yung nagnakaw ng phone ko e. Nakalimutan ata niyang palitan password ng account ko.
I changed my password sa lahat ng aking social media accounts at ini-off sa lahat ng devices.
Akala niya ha. Akala lang niya. Lintik lang ang walang ganti.
Pilit kong tinatawagan si Mara via Messenger pero hindi ito sumasagot. Anong oras na ah, bakit wala pa siya?
Ang sakit-sakit ng loob ko. Iyak ako ng iyak kaya tinanggal ko nalang muna ang contact lenses ko.
Humarap ako sa lumang salamin and looked at my own reflection. Nakakatakot ang aking mga mata pag walang contact lenses. Malapit na kasi nitong kakulay ang aking buhok.
I fixed my hair behind my ears at tinignan kong maigi ang aking mukha. Kung papansining mabuti, medyo patusok ang aking mga tenga. Naalala ako nung una akong inerol ni Lola sa isang ballet school. Since kailangang nakaipit kami pa-bun, naging tampulan ako ng atensyon dahil mukha raw akong fairy. Tinatanong palagi kung anong lahi ko at dahil busy ng mga panahong iyon ang Mommy sa Canada, sinabi nalang ni Lola na Canadian-which is, syempre 50% lang na pinaniwalaan since parang mas mukha raw akong Turkish.
Marahan kong pinunasan ang mga naglandas ng luha sa aking mga pisngi sabay kabit ulit ng aking lenses. Inayos ko ang aking buhok saka kinalma ang sarili. Nagretouch na rin ako gamit ang lumang salamin na 'yon.
Akmang papalabas na ako nang lumitaw sa harapan ko si Eddie.
Dahan-dahan siyang lumapit saka hinawakan ang aking kamay.
"Okay ka na ba?"
"Pake mo ba?"
"Barbie naman. Hindi mo na mga ako sinipot kagabi tapos ganyan ka pa?"
"Jowa ba kita?"
"Barbie..."
"Nawala phone ko, okay? Hindi ko alam kung nasaan. So pano ko malalaman kung tuloy ba? Kaya pwede ba?!"
Tuloy-tuloy na akong naglakad pero nagsalita siya ulit.
"Ayaw mo ba talaga sa 'kin?"
Napahinto ako.
"Alam ko naman ang isasagot mo e, pero kasi gusto ko paring marinig."
Humarap ako sakanya saka lumapit ulit at sinubukang magpakabait.
"Eddie, hindi mo 'ko deserve. Pangit ka, maganda ako. I mean, pangit ugali ko, maganda ugali mo. Ang daming babae dyan na nararapat sa 'yo. Isa pa, wala pa sa isip ko yung mga ganyan."
Tahimik lamang ito habang umiiyak na. Naawa naman ako bigla, pero syempre joke lang 'yon.
"Barbie, ikaw lang minahal ko ng ganito. Sa anim na taon na nakilala kita, kahit ganyan ka, mahal kita. Mahal na mahal kita."
Aw. So sad naman pala.
"Hindi tayo meant-to-be, Eddie at alam mo 'yan. Ang pag-ibig, tumatagos dapat sa dalawang taong nagmamahalan. Since ikaw lang ang nagmamahal sa ating dalawa, nagbobounce back lamang ito sa 'yo, meaning, hindi ko ito matatanggap. Na mas kailangan na mahalin mo muna ang sarili mo. 'Wag mong hanapin ang pag-ibig sa akin sapagkat ibabalik ko lamang ito sa 'yo. Eddie, hindi ako ang babaeng nararapat para sa 'yo. Please lang, wag na tayong maglokohan dito. Wag mo ng lokohin pa ang sarili mo."
Napangiti siya. Siguro hindi makapaniwala sa narinig.
"May puso ka pa rin pala. Akala ko halimaw ka e," natatawa niyang sambit. "Magandang halimaw syempre."
"Aba't!"
"De, joke lang. Salamat. Sarap sa ears nung sinabi mo. Ngayong ikaw na ang nagsabi niyan, gagawin ko. Nakakainis, di ba? Mas pinaniniwalaan pa kita kaysa sa sarili ko at ibang tao."
Nginitian ko na lamang siya. "Mabait naman ako, Eddie. Basta ba kaya mo akong intindihin."
Tumango na lamang siya nang nakangiti pa rin.
"First time 'to na hindi mo ako binara."
Nagkatawanan na lamang kami.
"Payakap nga?" hirit niya.
"Kapal," sambit ko naman, pero pumayag na rin ako.
"Frienny yakap lang 'to ha?" sambit ko.
"Oo naman. First day of friendship natin 'to," aniya, saka na kami sabay na bumalik sa klase.

BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...