Chapter Two

732 46 8
                                    

Akuji's POV,

Nagsisimula na ang una kong klase at talaga namang walang kagana-gana ko iyong tiniis at hindi ko alam kung makakaya ko bang mag stay dito ng kahit isang minuto nalang.

Sa dalawang taon ko sa college ay Bachelor of Business Management ang kinuha kong kurso, bukod kasi sa pagiging isang sikat na modelo ay negosiyante rin ang mommy ko, ayaw ko man ay wala na akong magagawa dahil siya ang masusunod dito.

Maka graduate man o hindi ay alam ko na naman kung saan ang patutunguhan ko, I am born a model and I will die a model ganoon nalang siguro ang takbo ng buhay ko.

Nang matapos ang unang klase ay naisipan kong wag na pumasok sa pangalawa pa, studying is not my cup of tea, sabihin man nilang bobo ako wala akong pakialam dahil iba ang mind set nila sa mind set ko.

I stayed at the music room kung saan ako palaging tumatambay pag hindi ako pumapasok sa mga subject ko, I play every instrument in this room well, because being a musician is what I really want to be, not a model kasi natuto nalang akong mahalin yun dahil sa pamimilit ng mommy ko.

Since I was a kid mahilig na talaga ako sa music, and my mom knew that I have a talent in it pero kahit kailan hindi siya naging boto saakin tuwing sinasabi kong sasali ako ng singing contest sa school.

Nakapikit kong ini-strum ang guitar na hawak ko, dinama ko ang musika at kaagad akong kinilabutan nang marinig ko ang magandang tunog nito, saka ako kumanta at kinalimutan ang masaklap at kaawa-awa kong mundo.

"I met you in the dark, you lit me up,
You make me feel as though I was enough,
We danced the night away, we drank too much,
I held your hair back when you were throwing up." I sang with all of my heart, singing my favorite song with passion.

Naisip ko kung gaano kahirap ang buhay ko, sa tuwing nakapikit ako ay lumalabas ang tunay kong anyo, sa likod ng maldita at ambisyosang Akuji ay nakatago ang isang mahina at walang confidence na ako.

I'm so sad that I've got to be known by people as a spoiled brat, a person with bad attitude and a fake person when I'm really not, naisip ko kung gaano ko pinipigilang maiyak sa tuwing binabasa ko ang mga hate comments tuwing nagpopost ako ng picture sa iStagram at videos sa iTube.

"And you smiled over your shoulder,
For a minute I was stone-cold sober,
I pulled you closer to my chest."

But no one sees me as me, ako lang ang nakakaalam kung sino talaga ako sa likod ng masamang ugali ni Akuji, ayokong masaktan at ayokong easy-easyhin lang ng mga tao, gusto kong katakutan nila ako dahil mayaman ako at sikat.

Because let's accept the reality that if you're not famous and rich you don't deserve respect in this world.

"Then you asked me to stay over,
I said I already told you,
I think you should get some rest." Hindi ko namalayan ang pag tulo ng luha ko habang nag gigitara at kumakanta.

Sana may lalaki'ng gagawin rin para saakin ang lahat at sana may lalaki'ng sasabihan ako ng I love you araw-araw at mararamdamdaman kong totoo talaga ang pagmamahal niya.

Kasi pakiramdam ko lahat ng nakikipag kaibagan saakin may tinatagong agenda, money, fame and attention.

No one loves me for who I really am...

"Bakit ka umiiyak? At bakit ka nandito sa oras ng klase?" Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko.

At sa hindi ko inaasahan ay bumungad saakin ang napaka gandang pares ng kulay brown na mga mata, it was like magic when I saw him at hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang titig niya sa lahat ng titig na nasilayan ko.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon