Chapter Ten

480 41 7
                                    

Edzakiel's POV,

Lunes noon nang makasalubong ko si Akuji sa gate habang may dala siyang napakalaking kulay blue na teddy bear at nang makita niya ako ay agad niya iyong inabot saakin pero hindi ko tinanggap iyon at iniwan siya doon na nag-iisa.

Alam kong napakasama kong lalaki para gawin ko iyon sa kaniya, pero sa oras na tanggapin ko ang mga ibinibigay niya saakin ay alam kong mas lalo lang lalala ang sitwasiyon at mas mahihirapan akong patigilin siya.

Martes noong pag pasok ko sa classroom ay andaming palamuti at tumutogtog ang napakalakas na musika, hindi ako makapaniwalang pinayagan siya ni Sir Fedel na gawin iyon sa subject niya.

Nandoon siya at hinihintay ako kasama ang mga kaklase kong tuwang-tuwa sa pakikipag-usap sa kaniya at pakikikain sa mga dalang pagkain ni Akuji pero dahan-dahan akong lumabas ng classroom para hindi niya ako mapansin.

Miyerkoles noong pumunta siya saamin sabi ni Jackson habang may dalang maraming pagkain para sa kanila at mga laruan, isang bagong wheelchair naman para kay papa.

Nasa trabaho ako noon bilang waiter sa isang fastfood chain kaya hindi ko siya nagawang makita at pag-uwi ko ay nagpapasalamat ako na wala na siya.

Huwebes nang malaman ko mula kay Narsha na magdamag hindi lumabas si Akuji sa kuwarto niya at hindi siya pumasok sa skwela at alam kong unti-unti na niyang narerealize na iniiwasan ko siya.

Sobrang nalulungkot ako at nagagalit sa sarili ko, pero hindi ko puwedeng panaigin ang lungkot at awa para kay Akuji dahil sa alam ko ngang mas lalo lang lalala ang sitwasiyon naming dalawa lalo na pag nalaman niyang mag pinsan kami.

Biyernes na ngayon at hindi ko parin nakikita ang mukha ni Akuji, hindi ko maiwasang mag-aalala sa kaniya at sa nararamdaman niya ngayong bigla ko nalang siyang iniiwasan.

Wala paring nakukuhang impormasiyon si Narsha tungkol kay mama, sinundan niya daw ang papa niya noong umalis ito nang madaling araw pero nalaman niyang nasa casino ito kasama ang mga kaibigan.

Hindi ko pa talaga alam kung mapagkakatiwalaan ko ba si Narsha, after all ay pamilya nila ang kinakalaban namin at hindi ko maintindihan kung bakit ako ang tinutulungan niya at kung bakit niya tatraydorin ang pamilya niya para lang mabuo ang pamilya ko.

"Naghanap ako ng mga bagay na puwede nating mapakinabangan sa bahay ni lola pero wala talaga akong mahanap eh, mukhang hindi malapit saamin ang kinaruruonan ng mama mo, Edzakiel." Malungkot na aniya.

Napabuntong hininga ako, ilang araw narin akong pumupunta sa mga lugar na sinasabi ni Narsha kung saan madalas na pumupunta ang mga tita niya pero wala parin akong makitang mama doon kung hindi mga taong mukhang adik at mga taong halatang may ginagawang masama.

Naniniwala akong hindi nila kakayanin na ilagay doon si Mama, hindi sa lugar na maraming masasamang tao at lalong hindi sa lugar kung saan madilim, abandonado at walang kuryente.

"Kumusta na si Akuji ngayon? Pumasok ba siya?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami sa canteen.

Siya na ang palagi kong kasama ngayon sa pag kain, si Ben kasi ay busy sa nalalapit na basketball tournament na gusto niyang salihan kaya hindi na siya nakakasabay saaming kumain.

"Ayos naman siya, pakiramdam ko nga ay sila na noong si Zed na matagal na niyang manliligaw, nakita ko kasi silang magkasamang nag-uusap kahapon sa bahay." Napatango ako.

Mabuti naman kung ganoon, mas mapapadali ang problema ko kay Akuji sa ngayong nandoon si Zed sa tabi niya kung totoo man iyon.

"Kung ganoon ay wala na tayong problema sa kaniya, kaya wag mo na siyang isipin madali naman yung maka move-on." Aniya at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon