Chapter Fourteen

532 42 5
                                    

EDZAKIEL'S POV,

(A/N: Boring ang mga mababasa ninyo sa unahan, but expect 'something' on last part, wag kayong mag skip bawal yun) 

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay agad akong nagpunta sa canteen para kitain si Narsha doon na kanina pa naghihintay sa pagdating ko.

At sa hindi ko inaasahan ay kasama niya si Akuji doon kaya naman bigla akong nataranta sa kung anong dapat kong gawin, hindi parin kasi alam ni Narsha hanggang ngayon na maayos na kami ni Akuji at alam na namin ang sikreto niya.

"Baby!" Sigaw ni Narsha saakin na ikinagulat ko naman.

Mabilis siyang tumakbo papunta saakin at nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi, at nang dumako ang tingin ko kay Akuji ay kitang-kita ko ang inis sa mukha niya.

Siya ang may sabi na kailangan kong mapalapit pa kay Narsha kaya hindi siya dapat nagagalit ngayon, kinikilabutan ako sa ginagawa ko dahil sa pag tawag ni Narsha ng mommy kay Mama Emerald ay malaki ang posibilidad na magkadugo nga talaga kami.

Pero kagaya ng napag-usapan namin ay kailangan kong magtiis.

"Kanina pa kita hinihintay, katatapos lang ba ng klase mo?" Tumango lang ako at nauna nang pumunta sa table kung saan naghihintay si Akuji.

Para akong tanga na hindi makatingin ng diretso sa kaniya, nahihiya ako sa ginawa ni Narsha saakin dahil hindi ko naman inaasahan na kailangan niya iyong makita.

"Kumusta kana? Long time no see." Sabat ni Akuji nang maka-upo si Narsha.

Nagsisimula na ang acting show naming dalawa tumikhim ako at dahan-dahan na hinawakan ang bewang ni Narsha na ikinangiti naman niya.

"Ayos naman, masaya ako at nakita kita ngayon, matagal narin noong huli." Tumango siya saka uminom sa iced coffee niya na palagi niyang dala.

Parang kombinsido'ng-kombinsido naman si Narsha sa pag-arte namin kaya mas lalo akong ginanahan na magsalita.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Balita ko isa ka sa mga students na pinagpipilian na mahirang bilang rank 1 sa grading, ah? I'm happy for you." At totoo yun.

Dahil sa pagsisiryoso ni Akuji sa pag-aaral niya ay hindi ako makapaniwalang isa na siya sa students na may pinaka mataas na grades sa course nila, gusto ko sanang sabihin na proud na proud ako sa kaniya pero baka ma misinterpret niya ang papuri ko.

"Thanks, pero matalino naman talaga ako sometimes I just get bored of studying, kaya nga palaging si Narsha ang palaging nangunguna dahil pinagbibigyan ko lang siya," Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

Masiyado niya akong pinapakaba sa mga biglaang banat niya, baka mapansin ni Narsha ang ugali niya ngayon.

"Magaling itong baby ko kaya siya palaging rank 1, kaya naman kung ikaw man ang maging rank 1 ngayon wala paring mas tatalino pa dito sa baby ko para saakin." Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko.

Pero nagdulot iyon ng malaking ngiti kay Narsha kaya naman worth it ang pagpapakahiya ko sa sarili ko, hindi ako iyong tipo ng tao na magsasalita ng ganoon at lalo'ng-lalo na hindi ako ang klase ng lalaki na tatawaging Baby ang magiging kasintahan ko in the future.

Pero kailangan kong sumunod sa kung anong gustong mangyari ni Narsha, nang sa ganoon ay hindi siya maghinala at mapaniwala ko siya na gusto ko talaga siya noon pa.

"Ang sweet mo naman yata ngayon baby, wag mo nga akong pakiligin masiyado." Peke akong tumawa at nakisabay nalang sa mga biro niya.

Natahimik si Akuji at hindi ako makapag concentrate kay Narsha dahil sa sama ng titig niya, gusto ko siyang sipain mula sa ilalim ng table para sabihing umayos siya pero nakakandong saakin ngayon si Narsha.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon