EDZAKIEL'S POV,
Isang araw na ang nakakalipas simula noong nangyari sa park, wala akong ediya kung ano nang nangyari kay Akuji at nakakainis dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala sa kaniya.
Hindi ako makapag-isip nang maayos na plano kung paano namin itatakas si mama, pati sa school ay hindi ko siya nakita at ang sabi nang mga ka block mates niya ay hindi raw siya pumasok.
Bumabalik na naman siya sa dating siya, at iyon ang bagay na mas lalong nagpapa alala saakin para sa kaniya.
"Pasensiya na kung nakaabala pa ako sa'yo dito sa bahay ninyo, hindi ko naman alam na mahuhuli nila ako." Biglang sabi ni Breathe habang naghuhugas kami nang plato.
Nabaling ang atensiyon ko sa kaniya saka ko siya nginitian.
"Sa anong paraan ka naman nakakabala? Wala nga akong pagsisisi na pinatira kita sa bahay namin kasi hindi ko na kailangan gumising nang maaga para alagaan at asikasuhin ang mga kapatid ko dahil nandiyan ka na." Paniniguro ko pa.
Napangiti nalang rin siya, sa unang araw ni Breathe dito ay hindi ko maikakaila na malapit siya sa mga bata dahil iyon ang nakikita ko tuwing umaga kapag binibihisan niya ang mga kapatid ko.
Mabait siya at matulungin, hindi maarte pero mahinhin, hindi ko nga ma imagine na dati ay tumatakas siya sa bahay nina Narsha sa pamamagitan nang pag akyat sa malaking puno nang kahoy dahil sa pagiging mahinhin niyang kumilos.
Hindi ako makapiwala na kambal siya ni Akuji, except sa mukha na klaro'ng-klaro na magkapareho sila except nalang sa buhok, kulay nang balat at mata.
Pagkatapos naming mag hugas ay inimbitahan ko siyang pumunta sa bubong nang bahay namin kung saan palagi akong tumatambay tuwing kakausapin ko si Mama, pero ngayong alam kong buhay pa siya hindi ko na gagawin iyon.
"Ang ganda naman pala dito sa inyo, kahit simple lang at dikit dikit yung mga bahay maganda paring tignan." Komento niya nang makaupo sa tabi ko.
Tumango ako sa kaniya at inilibot ang paningin ko, may gusto akong itanong sa kaniya kaya ko siya niyaya dito, at iyon ay tungkol sa kanila ni Akuji pero hindi ko na naman alam kung saan ko sisimulan ang tanong ko.
"Siguro curious na curious ka tungkol saamin ni Akuji no?" Biglang aniya at napahanga niya ako nang mabasa niya kung anong nasa isip ko.
Tumango lang ako saka yumuko, kahit alam kong mas maigi nang galit si Akuji saakin ngayon para hindi siya madamay sa problema ko ay hindi ko parin maiwasang magalit din sa sarili ko dahil hindi man lang ako nag explain sa kaniya.
Alam kong problemadong tao si Akuji at malakas man siya sa panlabas na anyo at sa ipinapakita niya sa lahat ay alam kong kapag mag-isa siya doon siya nanghihina at imbis na tulungan ko siya at damayan para makalimutan niya ang mga problema niya ay iniwan ko siya.
It's just that, hindi ko siya mapili sa pagitan ni mama kasi mahal na mahal ko ang nanay ko at gagawin ko ang lahat para sa kaniya, mahal ko rin naman si Akuji pero hanggang kaibigan lang ang pagmamahal na iyon sa ngayon.
Pero hindi ko parin maiwasang mag-alala at malungkot sa ginawa ko sa kaniya kahit mali ang hinala niya.
"Alam mo bang gusto'ng-gusto ko siyang habulin kahapon noong naglalakad na siya palayo saatin?" Peke ang ngiti na sabi ko kay Breathe na nakatingin lang sa malayo at nakikinig.
"Pero pinilit mong hindi dahil nandoon ako at alam mong hindi pa ako handa na makita siya?" Tumango ako.
Nakakahangga ang pagiging maintindihin ni Breathe sa mga bagay-bagay kahit hindi mo ipaliwanag sa kaniya ay malalaman niya na kung ano ang iniisip at ibig kog sabihin.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomantikAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...