Chapter Eighteen

531 43 7
                                    

AKUJI'S POV,

"Who are you? Bakit kaba nangingi-alam? Eh kung sana hinayaan mo nalang ako doon edi sana hindi kana naghihirap ngayong linisin 'tong bahay mong maalikabok." Napairap ako sa lalaki'ng kasama ko ngayon sa isang maliit at gawa sa kahoy na bahay.

Nagwawalis siya at nagpapalit nang mga mattress, pinapaspasan yung mga aparador na para bang mamamatay ako sa isang alikabok lang.

"Eh kung hinayaan kitang tumalon don sa tulay edi namatay ka? Kargo de konsensiya ko pa? Tapos ano? Mababaliw ako kakaisip sa bangkay mo gabi gabi tapos sisisihin ko yung sarili ko kasi hindi kita pinigilan?" Naiinis na sagot rin niya saakin.

Pabagsak akong napaupo sa upoan niyang gawa sa kahoy na agad kong pinagsisihan nang tumama ang puwet ko sa isang pako nang upoan, mahina akong napadaing don at laking pasalamat ko dahil hindi nasugatan ang puwet ko.

Dahil sa pagkakainis ay tumayo nalang ako at tinanaw ang napaka gandang tanawin mula sa bintana nang bahay niya, at nakalimutan kong sabihin na nasa itaas nang bundok siya nakatira at hindi ko akalaing andami palang taong nakatira da itaas nang bundok.

Isang malalim na paghinga ang hininga ko at sa hindi ko inaasahay napangiti ako dahil sa pakiramdam ko na napaka linis nang hangin dito.

So perfectly simple...

"K-Kung hindi mo mamasamain, gusto ko sanang itanong kung bakit gusto mong tumalon doon... " nanatili akong nakapikit.

Alam kong nakatingin siya saakin habang tinatanong iyon, at bigla na namang sumakit ang dibdib ko nang maalala ko kung bakit nga ba ginusto kong tumalon doon at magpakamatay kung hindi niya lang ako pinakialaman.

Naiinis ako sa kaniya at galit na galit ako dahil kailangan ko na namang harapin ang masaklap kong mundo, at kailangan ko na namang pag-isipan pang ulit ang desisyon kong magpakamatay sa tuwing nasa pinaka ibaba na ako na punto nang buhay ko.

Pero nang makita ko ang masasayang ngiti nang mga bata dito, nang malanghap ko ang hangin at nang makita ko ang tanawin dito ay gusto kong magpasalamat sa kaniya at somehow ay naisip ko na isa siyang anghel.

"Salamat..." Imbis na sagutin ang tanong niya ay iyon nalang ang sinabi ko.

Nang nagmulat ako nang mga mata ay nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya na para bang ang laking bagay na sabihan ko siya nang salamat.

"Maghanda kana, ihahatid na kita sa ibaba baka hinahanap kana nang mga magulang mo." Biglang aniya.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya bago niya makuha ang susi nang motor niya at agad naman niya akong nilingon nang may pagtataka sa mga mata.

Napayuko ako nang magtama ang paningin namin, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nagdadalawang isip akong sabihin kung ano ang nasa isip ko, at hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin ko.

But I won't lose anything if I try...

"Can I stay with you for awhile? I mean maybe in just a week?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

Napakagat labi ako nang mahinuha na baka hindi siya pumayag sa gusto ko.

"Nababaliw kana talaga yata ano? Ikaw? Titira sa bahay ko sa loob nang isang linggo?" Hindi makapaniwalang aniya.

At doon ko naisip na baka may iba siyang kasama dito sa bahay niya, baka may asawa na siya sa batang edad at may anak at umalis lang saglit, baka malaking bagay ang mapabilang ako sa pakakainin niya nang isang linggo.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon