Edzakiel's POV,
Pagkatapos kong matanggap ang sulat na para saakin galing kay Akuji ay hindi na ako nag dalawang isip pa na paharurutin ang motor ni Ben papunta sa tulay na sinasabi niya.
At hindi ko akalaing umiiyak na pala ako habang binabaybay ko ang daan papuntang San Francisco bridge dahil sa pag-aalala ko kay Akuji, ngayon ko lang nalaman na ilang araw na siyang nawawala.
Simula noong nangyari sa Park ay wala na akong naging balita pa sa kaniya at hindi ko na rin siya nakikita sa skwela, napaka tanga ko, at napaka selfish ko para hayaan nalang siyang malungkot habang ako ay walang pakialam sa nararamdaman niya.
And now I am regretting every second na nalayo siya sakin, parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang sulat na galing sa kaniya habang nag d-drive ako.
Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang umulan nang napaka lakas noong malapit na ako sa tulay, nawawalan nang pag-asa, nanghihina at galit sa sarili akong bumaba sa motor nang marating ko ang munting tulay nang San Francisco.
Pero wala akong makitang Akuji dito...
Nasaan kana mahal ko?
Wala sa sarili akong naupo sa daan at walang pakialam sa mga sasakyan na dumaraan, nasasaktan ako, galit ako sa sarili ko at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kung hindi ko na makita si Akuji.
I was so dumb to let her go, I was so dumb to not notice my love for her and I was so dumb for being blind about how much she loves me, at ngayon nagsisisi ako kasi wala na siya ngayon sa tabi ko.
Now I can only wish na sana bumalik ang panahon, sana bumalik yung panahon na kasama ko pa siya and I promise I won't let her go again, masiyado akong naging naging mahigpit sa kaniya masiyado ko siyang pinahirapan bago ko malamang mahal ko na pala siya.
I'm so sorry, Akuji...
"Are you okay?" Napatingala ako nang may marinig akong boses sa harapan ko.
Sa kabila nang rumaragasang ulan ay rinig na rinig ko ang boses nang isang lalaking kaedad ko lang, pinapayungan niya ako at halatang may pag-aalala sa mukha niya.
Agad kong pinahiran ang mga luha ko at tumayo, hindi ako puwedeng maging mahina lalo na ngayon at nawawala si Akuji, alam kong buhay pa siya at alam kong kailangan niya lang nang oras na mapag-isa.
I know how much she hates me, at alam ko kung gaano niya isinusumpa ngayon na nakilala niya pa ako, but I'll make it up with her at sa oras na makita ko siya hindi'ng-hindi ko na siya pakakawalan pa.
"Ayos lang ako, salamat." Pasasalamat ko sa lalaki at agad na tumakbo papunta sa motor pero napahinto ako nang may makita akong naka talikod na babae.
Nasa likod siya nang mayabong na damo at hindi ko man kita ang mukha niya ay alam kong siya iyon, siya ang babae'ng hinahanap ko.
"AKUJI!" Nang tawagin ko siya ay agad siyang lumingon saakin, at napatunayan kong siya nga iyon nang makita ko ang mukha niya.
Bumuhos ang emosyon ko nang makita ko ang lungkot sa mukha niya, at akmang lalapitan ko na siya nang bigla siyang tumakbo, papatakbo na sana ako nang pigilan ako nang lalaking nagtanong saakin kung okay lang ba ako.
Pero agad ko siyang itinulak at nasuntok nang subukan niya akong pigilan ulit.
I can't let her go this time...
"AKUJI! AKUJI NASAAN KA?" Wala akong pakialam kung mag mukha man akong baliw sa kakasigaw sa gitna nang gubat.
Tumakbo ako nang tumakbo, wala akong pakialam kung madumihan ako o maubusan na ako nang hininga basta lang mahanap ko siya, kasi alam ko ar ramdam kong malapit ko na siyang makuha.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomantizmAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...