Edzakiel's POV
"So nakausap mo nga siya? Anong pinag-usapan niyo? Pinormahan mo ba siya?" Napa iling nalang ako sa kakulitan ni Benrev.
Ilang taon na niyang pangarap na makausap si Akuji Dale Entrata na nakausap ko kahapon noong inutusan ako ni Dean na mag punta sa music room para i check ang mga instruments doon para sa darating na showcase of talents sa susunod na week.
Maaga akong dumating sa school kahapon kahit 1PM pa sana ang unang klase ko at hindi ako akalaing makikita ko siya doon na tumutugtog ng gitara habang umiiyak.
Alam ko namang umiiyak talaga siya kahit hindi niya aminin saakin, well hindi naman ako interesado sa kaniya hindi kagaya ng ibang students dito sa BMU, ang alam ko kasi ay masama ang ugali ng babae'ng iyon.
Pero ayokong mag judge kaya kinausap ko siya at sa hindi ko alam na dahilan, naisip ko lang na baka kailangan niya ng makakausap para panandaliang makalimutan ang problema niyang hindi ko alam.
"Hindi'ng hindi ko gagawin yun ano kaba, sayong-sayo na siya at wala akong interest sa kaniya kaya mag move-on kana. " hanggang sa makarating kami sa classroom ay maingay parin siya.
Pareho kaming nagt-take ng doctoral ni Ben, pareho rin kaming may sponsor na kung saan sila ang magpapaaral saamin hanggang sa matapos namin ang pag-aaral.
"Pero ano? Masaya ba siyang kausap? Sa tingin mo magugustohan niya ako?" Iniksamin ko ang mukha niya saka nag-isap kunyare at tumango.
Sa totoo lang hindi naman panget si Ben, bukod sa matangkad siya at maputi, makinis pa siya at malinis tignan yun bang bagay na bagay siyang mag model sa isang brief product.
Ang problema lang ay masyado siyang madaldal at madalas niyang hindi napipigilan ang bibig niya sa pagsasalita kaya nga nag-iingat ako sa pagsasabi ng mga sekreto ko sa kaniya.
"Gwapo ka naman at maganda siya, bagay nga kayo in my own opinion. Pero pakiramdam ko mas gusto niya yung mga lalaki'ng manly at tahimik lang, kaya simula ngayon mag practice kanang tigilan yang madaldal mong bibig. "
Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang prof namin, syempre kagaya ng lagi kong ginagawa ay nakikinig ako ng masinsinan at isinusulat ang mga bagay na hindi ko lubos maintindihan.
Hindi birong maging doctor, buhay ang nakasalalay at pag pumalpak ka dahil may isang bagay kang hindi alam ay katapusan mo na, mababaw ang konsensya ko pero pinilit ko paring maging doctor, gusto kong mailigtas ang ibang tao kagaya ng hindi ko nagawa para sa mama ko.
Kaya minsan talaga sa tuwing inaantok na ako dahil wala akong masyadong tulog sa pagtatrabaho ay pinipilit ko ang sarili ko na makinig kahit gusto'ng-gusto na ng mata kong tumiklop kagaya ngayon.
Naalala ko ang pagtatanong ni Akuji saakin kahapon tungkol sa bracelet at nakakainis dahil hindi ako makapag concentrate sa klase pero nababagabag talaga ako.
Naisip ko kagabi noong kauuwi ko palang sa bahay na siya yung babae'ng magnanakaw pero agad ko iyong binubura sa isip ko kasi imposibleng magnakaw ang isang taong kagaya niya.
Ano pabang kailangan niyang nakawin sa lugar namin? Di hamak na kahit ipagsama pa ang pera naming lahat na nandoon ay kulang na kulang payon sa pera na mayroon siya kaya nakakabaliw isipin na siya yung magnanakaw.
At noong sinabi niyang hindi sa kaniya iyon at gusto niyalang tanungin kung saan ko nabili dahil favorite niya ang stars ay alam kong hindi iyon totoo dahil kitang-kita sa mukha niya ang pagkabagabag nang makita niya ang bracelet.
But, kung sino man ang magnanakaw na iyon ay kailangan kong malaman kung sino siya at kung ano ang sadya niya saamin ng mga taong malapit saakin.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
Roman d'amourAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...