Edzakiel's POV,
Pag gising ko kanina ay wala na si Akuji sa tabi ko, nalaman ko kay Ben na sinundo sila ng driver nila kasi tumatawag na ang kuya ni Akuji at galit na galit.
Hindi ko manlang namalayan na inalalayan pala ako ni Ben sa pagpasok sa bahay para doon matulog ng maayos, sumakit ang likod ko dahil sa curves ng bubong kaya kinailangan ko pang magpahilot kay Jackson kaninang umaga.
Naglalakad ako papunta sa school nang tumawag si Akuji at nag-offer na sabay na kaming kumain ng lunch kaya dinalian ko ang paglalakad ko.
Napangiti ako nang makita ko si Narsha sa hindi kalayuan at may kausap na isang lalaki'ng hindi gaanong malaki ang katawan at may katandaan narin, unti-unti akong lumapit sa kanila.
At hindi ko akalaing pagsisisihan ko pala ang paglapit kong iyon nang makilala ko ang taong kausap ni Narsha.
"Tito Jugs?" Mahina pero alam kong narinig niyang tawag ko.
Nang mag tama ang mga mata namin ay kitang-kita ko ang gulat niya nang mapamilyaran ang mukha ko, agad akong tumakbo papalapit sa kaniya pero nagulat ako nang pigilan ako ni Narsha sa paglapit sa kaniya.
"Narsha bitiwan mo ako! Sinabi nang bitiwan mo ako eh!" Malakas na sigaw ko kay Narsha pero hindi siya nakinig saakin.
Boong lakas niya akong itinulak at nagkaroon ng pagkakataon si Tito Jugs na pumasok sa sasakyan niya, ngunit agad akong tumakbo papunta sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kuwelyo niya.
Biglang namayani ang kaba at galit sa boong sistema ko nang makita ko siya ng malapitan, ang kaisa-isang lalaki'ng kapatid ni mama.
"Tito Jugs nasaan si Mama? Pakiusap ibalik mo na siya saamin. " pakiusap ko sa kaniya pero itunulak niya ako na ikinabagsak ko sa kalsada.
Pero sa galit ko ngayon ay hindi ko magawang damhin ang sakit ng puwet ko sa lakas ng pagkakabagsak kong iyon, sa halip ay muli akong tumakbo papunta kay tito Jugs at itunulak siya sa pinto ng sasakyan niya.
Bumagsak ang mga luha ko nang makita ko ang pagkakahawig nila ni Mama, magkahawig ang mukha nila pero ibang-iba ang ugali nila sa isa't-isa.
"Paano niyo ba nagagawa saamin 'to? Parang awa niyo na tito ibalik niyo na si Mama, maawa ka sa mga kapatid ko. "
Alam kong masasabihan ako nang baliw neto dahil alam ng lahat na patay na ang nanay ko, pero hindi ako naniniwala na iyon nga ang nangyari dahil mismong ako hindi ko nakita ang bangkay nang mama ko.
Umaasa parin ako, at pigilan man ako ng mundo hindi ako titigil hangga't mabigyang hustisiya ang nangyari sa pamilya ko, dahil kahit saang bansa mo pa kami ilagay mali parin na pagbawalan ang anak ng mismong 'namatay' na dumalaw sa burol niya.
At yun ang nagbigay saakin ng lakas ng loob para makita ulit si Mama dahil hindi ako tanga para isiping patay na nga siya samantalang alam kong makakaya ng mama ko ang sakit niyang iyon.
Kasi malakas siya...
"Ano bang sinasabi mo Edzakiel?! Matagal nang patay ang mama mo nasisiraan kana ba ng ulo?!" Isang malakas na tulak ulit ang natamo ko sa kaniya.
Pero naabutan ko parin siya at muling idinikit sa sasakyan niya.
"Alam mo ba kung gaano kami naghihirap ngayon dahil sa ginawa niyo samin noon?! Alam mo ba kung ilang beses sa isang araw umiiyak ang papa at mga kapatid ko? Anong klase kang tito?" Hindi ko mapigilang maiyak nang maalala ko ang pinagdaanan namin noong mawala si Mama.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomanceAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...