Chapter Nine

453 38 2
                                    

Edzakiel's POV,

Pag gising ko ay parang binubomba ang ulo ko sa sakit, pero nang makita ko ang kalagayan ni papa at ng mga kapatid ko sa isang maliit na sofa ay nawala ang sakit nang ulo ko at lumipat iyon sa dibdib.

Napayuko ako at nakita ko si Akuji na tulog na tulog habang hawak ang kamay ko, halatang ngayon lang siya nakatulog ng mahaba-haba dahil sa laki at itim na ng eyebags niya.

At sa isang dulo ay nakita ko si Narsha na nakatingin lang saakin ng deretso na para bang humihingi ng sorry sa nangyari, hindi ko alam kung ilang araw akong unconscious kaya naman minabuti kong mag tanong sa kaniya.

"Ilang araw na ba akong unconscious?" Tanong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko at alam ko namang alam niya ang sagot ngunit hirap siyang sabihin iyon dahil siguro sa kaba niya kung ano pang itatanong ko sa kaniya pagkatapos nito.

"You've been sleeping for two days now, nagtataka nga ang mga doctor dahil normally ang mga mild head injuries ay hindi naman umaabot ng dalawang araw bago magising ang pasyente, nalaman nilang mahina ang katawan mo at kulang sa vitamins kaya nalate ang gising mo," napapansin ko ang mahabang sagot niya sa isang tanong ko lang.

Natatakot nga siya na baka tanungin ko siya tungkol kay Tito Jugs, baka nga ipinagdasal niyapa na magka amnesia ako for 24 hours nang makalimutan ko pansamantala ang nangyari.

Pero hindi lahat ng bagay sumasang-ayon sa gusto mo...

"Hindi ka pa puwedeng umuwi dahil may ibibigay padawng gamot si doc para sa vitamins mo, masiyado daw kasing pagod ang katawan mo kaya kailangan mo iyon. " Muli ay nagsalita siya.

Tumango nalang ako at marahang umupo, masakit rin ang kamay at paa ko pero hindi naman ganoon kalala, sinenyasan ko si Narsha na mag dala ng wheelchair dito at agad naman niyang sinunud iyon.

Marahan kong inalis ang pagkakakapit ng kamay ni Akuji sa kamay ko para hindi siya magising dahil alam kong pagod siya at ayaw kong ma desturbo ang tulog niya.

"Lumabas muna tayo, gusto kong makipag-usap sa'yo." Ani ko pagkatapos niyang i ayos ang dextrose.

Tumango lang siya at nagsimula nang itulak ang wheelchair na kinauupoan ko, marahan kaming lumabas sa kwarto at nagtungo sa maaliwalas na garden ng hospital.

Pinaupo ko siya sa bench at lahat ng sinasabi ko ay maayos naman niyang sinusunod.

"So, daddy mo si Tito Jugs?" Sa wakas ay nailabas ko narin ang matagal ko nang gustong itanong mula pa noong nasa lingit ako ng kamatayan.

Hindi siya agad nakasagot at ilang buntong-hininga at ngatngat sa kuko muna ang ginawa niya bago siya humarap saakin matapos kalmahin ang sarili niya.

Gusto kong malaman ang totoo.

"Oo, siya ang daddy ko." Pag-amin niya.

Noong una kong narinig na tinawag niyang daddy si tito Jugs ay hindi ako naniwala dahil parang biro lang ang lahat, pero ngayong siya na mismo ang nagsabi ng maayos saakin ay naliwanagan ako sa relasiyon nilang dalawa.

"Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan niyo, kahit kailan ay hindi naging masamang tao ang daddy ko at mapapatunayan ko iyon sa'yo, I don't what you mean about your mom, hindi ko kilala ang mommy mo." Tumango ako.

Alam ko namang wala siyang kaalam-alam kung ano ang ginawa ng daddy niya noon saamin ng pamilya ko, sino ba namang ama ang gugustohing malaman ng anak niyang napakasama niyang tao?

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon