Chapter Six

527 43 7
                                    

Edzakiel's POV,

Ala una na ng madaling araw ay hindi parin ako makatulog dahil sa ingay sa labas ng bahay namin, may mga nag-iinuman at nag vi-videoke dahil nakalimutan kong dalawang araw mula ngayon ay pista na sa amin.

Hindi na ako nasanay, ganito naman palagi sa lugar namin kapag nalalapit na ang kapistahan at sure akong ngayon ay nakikipag inuman si Ben sa mga ibang kaibigan at pinsan niya.

Tuwing pista ay bahay lang yata namin ang pinakatahimik, syempre hindi naman kami mayaman kaya hindi na namin naiisipang mag handa at mang imbita ng mga kamag-anak, nagpapasalamat ngalang kami kina Ben dahil sa tuwing maghahanda ang nanay niya na si Manang Salud ng ulam ay hindi nila kami nakakalimutang padalhan ng pagkain.

Lumabas ako ng bahay at nagpahangin sa labas, syempre maraming bituin dahil palagi namang ganoon, naisipan kong umakyat sa bubong ng bahay at doon nagmunay-munay habang nakatingin sa mga maliliwanang na bituwin.

Ilang taon narin noong mawala si mama pero sariwa parin saaming lahat ang pagkamatay niya, naririnig ko parin si papa na umiiyak sa tuwing maaalala niya si mama sa gabi, ganoon rin ang mga kapatid ko sa tuwing makikita nilang buo ang pamilya ng mga kaklase nila.

Ginagawa ko ang lahat para mapunan ang pagkukulang ni Mama, ayaw ko sanang maniwala na patay na siya dahil hindi ko naman nakita ang bangkay niya.

Hindi kasi sang-ayon ang pamilya ni mama sa pagsasama nila ng papa ko, hindi rin maganda ang trato saamin ng mga kapatid ni mama kaya noong sila ang nilapitan ni mama noong nagpapagamot siya ay hindi nila kami binigyan ng karapatang lapitan manlang ang ina namin.

Syempre lumaban si papa dahil hindi tamang gawin yun, nagkaroon panga ng pagkakataon na patago naming binisita si mama habang wala ang mga tita ko at ang nagbabantay lang sa kaniya ay si Tita Carms na nalulungkot din sa kalagayan naming mag-aama.

Siya lang ang tanging kamag-anak ni mama na tumutulong saamin at noong huli kong makita si mama ay alam ko at ramdam kong nanghihina na siya, pero alam ko paring may pag-asa pa.

Pero hindi kami nagtagal doon dahil wala kaming laban sa pamilya nina mama pag naabutan nila kami, ilang buwan kaming nagtiis at nag report sa pangyayaring iyon pero ni isang alagad ng batas ay walang tumulong saamin dahil narin sa impluwensiya ng pamilyang Astorde na pamilya rin ng mga abugado.

Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing maalala ko si mama at kung paano niya kami inalagaan noong bata pa kaming magkakapatid, hindi man kami mayaman ay masaya kami at nagmamahalan at kahit hindi kami nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ay hindi parin namin nakakalimutang ngumiti.

Miss na miss ko na ang mama ko kagaya ng pagkamiss ng mga kapatid at papa sa kaniya, kasi syempre siya ang ilaw ng tahanan namin at ngayon ang haligi ng tahanan namin ay unti-unti nang nanghihina at nagigiba.

Umaasa parin ako na sana mabigyan ng hustisya ang ginawa nila saamin noong panahong nabubuhay pa si mama, gusto kong pagbayarin sila sa mga ginawa nila saamin.

"Tinutukso mo pa ako na umiiyak sa music room pero ito ka ngayon at nagdadrama sa ibabaw ng bubong niyo, ano? Gusto mo na bang tumalon?" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ng babae'ng iyon.

Nakabusangot siyang lumapit saakin at halatang natatakot habang umaakyat sa luma naming hagdan papunta sa bubong ng bahay, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito ng ganitong oras ng madaling araw.

At naaamoy ko ang alak noong makalapit siya saakin and I figured out na baka pinainom siya ni Ben doon sa kanila bago ituro kung saan ang bahay namin, naupo siya sa tabi ko saka huminga ng malalim.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon