Chapter Seven

513 37 2
                                    

Akuji's POV,

"Akuji? Akuji gising na tumatawag na ang kuya mo. " nagising ako sa boses ni Narsha.

Agad akong tumayo at nagulat ko nang makitang katabi ko si Edzakiel at ang mas nakakagulat ay sa bubong kami natulog.

Nababaliw na yata ako at nang malasing ako ay nakalimutan kong takot pala ako sa matatayug na lugar.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang nangyaring pag-uusap namin kanina ni Edzakiel, hindi ko akalaing hindi niya ako ipinagtabuyan kanina noong tumabi ako sa kaniya.

At mas lalo akong natuwa nang sabihin niyang hindi ako masamang tao.

"Bakit kayo nandoon? Nagulat nalang ako nang makita kita sa bubong mula kina Ben." Kalaunay tanong ni Narsha saakin.

Hindi nalang ako sumagot at nang makarating sa bahay ay agad nang bumaba sa kotse, papasok na sana ako nang makasalubong ko si Zed kasama ang kuya ko na may dalang beer.

"Goodmorning my dear sister, saan ka naman galing at ganitong oras kanang umuuwi?" Sarkastikong tanong saakin ng kuya ko.

Inirapan ko lang siya at nang akmang hahalikan ako ni Zed sa pisngi ay agad ko siyang itinulak at dadaan na sana papasok sa pinto nang hawakan ni kuya ang braso ko at hilahin ako papalapit sa kanilang dalawa.

Ayun si Narsha walang nagawa kung hindi ang tumunganga sa takot dahil alam niyang pag nangialam siya ay baka ano pang gawin ni Kuya Huji sa kaniya.

"Kailan kapa naging bastos ha, Akuji? Kinakausap kita kaya makinig ka saakin, baka nakakalimutan mong kuya mo ako?" Umirap ako sa sinabi niya.

Really? Kailan ba niya ako tinuring na kapatid? It's such a big word na tinatawag niya ako ngayung kapatid, bakit? Kasi nandito ang kaibigan niya?

"Baka nakakalimutan mo rin kuya na nasa pamamahay kita? Nakikitira kalang dito kasi hindi kayo nagkakasundo ng girlfriend mong gold digger? Huh, ano bang makukuha niya sa'yo? For all I know you're broked as fuck." I told him the truth.

Kasi umaakto siya na parang nararapat sa kaniyang irespeto matapos niyang guluhin ang buhay ko noon, I'm so sick of him acting like he is a good brother to me when all he did was pagbawalan ako na makipag date sa ibang lalaki.

Dahil nirereto niya ako sa kaibigan niyang si Zed na nandito ngayon at naghihintay na matakot ako sa kuya ko para bumigay ako at sumabay nalang sa daloy ng istoryang gusto nilang isulat.

But hell no, I'm more than just the weak Akuji now. I'm more than just a servant that follows everything that you told me to.

"Can you atleast show respect to Zed? He is my friend after all, mahirap bang gawin yun?" Nadako ang tingin ko kay Zed.

Sa totoo lang ay gusto ko naman si Zed, but I don't want to settle with a man na gusto ko lang dahil gwapo siya, kung ikukumpara siya kay Edzakiel ay walang-wala siya dito with all his fortune and fame.

"Well goodmorning, Zed. " Sarkastikang bati ko sa kaniya at ibinaling ang tingin ko kay kuya "Are we done now? Can I just go to sleep dahil maaga pa ang klase ko bukas? Let's go Narsha. "

Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong naligo at nagbihis, paglabas ko ng banyo ay nandoon na si Narsha para ipaalala saakin kung ano ang dapat kong gawin bukas.

Pero wala ako sa mood para doon kaya pinalabas ko na siya at sinabing bukas niya na ako kausapin tungkol sa mga bagay na kailangan kong gawin.

Habang nakahiga ako sa kama at nanonood ng TV ay hindi ko maiwas ma bwisit lalo sa mukha ni kuya kanina, sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay pakiramdam ko nalulunod ako at gusto kong sampalin siya.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon