EDZAKIEL'S POV,
Isang linggo na ang nakalipas nang malaman kong si Tito Jugs pala ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon si Papa, at mas lalong sumama ang loob ko sa kaniya.
Isang linggo narin akong nagbubulag-bulagan sa pagsisinungaling ni Narsha saakin at kahit na mahirap ay pinipilit kong huwag siyang komprontahin at tanungin sa mga tanong na gusto kong mabigyan ng sagot.
Masakit parin saakin hanggang ngayon nang makita ko si Mama na kasama nila, pero mas gumaan ang loob ko dahil alam kong buhay siya, at hindi na ako makapaghintay na makasama siya ulit.
Hindi ko mawari kung ano ang kasalanang ginawa ni Akuji kay Tito Jugs at kung bakit niya ginawa iyon sa kaniya, hindi ko rin alam kung ano pang kailangan niya kay papa at kung bakit mas lalo niya pang pinalala ang problema namin.
Yun ang gusto kong malaman... At kung bakit nandoon si mama sa kanila at hindi siya umuwi sa totoo niyang pamilya.
Alam kong may sagot ang lahat ng katanungan ko, alam kong magbubunga ang lahat ng paghihirap at pagpipigil ko at alam kong maaari kong kunin ang tulong ng mga pulis para mapadali ang lahat, pero gusto kong maayos ito ng ako lang at si Akuji ang nakakaalam.
At wala kaming sapat na ibidensiya para paniwalaan kami ng pulisiya, lalo na't maraming kilala ang pamilya ni mama na mga pulis at marami silang koneksiyon kaya dilekado na.
Nandito kami ngayon ni Akuji sa banyo kung saan kami palaging nagkikita tuwing may dapat kaming pag-usapan, hawak-hawak niya ang speaker na naka connect doon sa earings na binigay ko sa kaniya.
May kakilala kasi si Ben na isang marunong gumawa ng mga ganoon kaya nagpabili ako ng isa, at siyempre hindi alam ni Ben kung bakit ako magpapabili noon kahit anong pilit niya.
"Pupunta kina Lola mo, anak. Gusto kana daw nila makita." Narinig ko ang boses ni Tito Jugs.
Ngayon ay magkasama sila, maghahapon na kaya wala nang susunod na klase si Narsha at si Akuji kaya naisipan naming sundan si Narsha papunta sa labas at nang makita naming sumakay siya ulit sa parehong sasakyan na pag-aari ni Tito Jugs ay agad kaming nagtago dito para pakinggan ang pag-uusap nila.
"Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita, si Breathe nandoon ba?" Tanong ni Narsha sa tatay niya.
Gusto'ng-gusto kong makakuha ng ibidensiya para pagdating nang araw ay makompronta ko na sila.
Gusto kong malaman kung anong ginawa nila kay mama at kung bakit ganoon ang inaakto niya.
"Nandoon, mahigpit daw ang pagbabantay na ginagawa ng mga tauhan ng lola mo sa kaniya, may isang beses daw kasi na sa palagay nila ay nakalabas ito nang bahay dahil may nakita daw ang guard na isang babae'ng naka hoodie na dumaan sa harap ng gate, kahulma daw ni Breathe." Hindi ko kilala kung sino ang Breathe na sinasabi nila.
Pero may kutob ako na ang Breathe nayan ay maaaring ang babae'ng naka hoodie na umaaligid saamin, pero ano namang gagawin niya doon? Kilala niya ba ang pamilya ko? Paano?
Nagkatinginan kami ni Akuji, mukhang alam niya rin kung ano ang iniisip ko.
"May alam na kaya siya? Pero baka naman gusto niya lang lumabas at masiyadong mahigpit si lola sa kaniya kaya tumakas nalang siya." Pagwawakli ni Narsha sa usapan.
Natahimik silang dalawa kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataon ni Akuji na makapag-usap at makapag-isip.
"Gusto kong malaman kung sino si Breathe at kung bakit pinagbabawalan siyang lumabas sa bahay ng lola ni Narsha, malaki ang kutob ko na si Breathe at ang umaaligid saamin ay iisa." Pangunguna ko pa sa konklusyon.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomanceAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...