Edzakiel's POV,
Gabi na nang matapos ako sa mga gawaing bahay, ngayon ay tinutulungan ko naman ang mga kapatid ko sa mga assignments nila, sa totoo lang ay marami rin akong subjects kung saan mahina ako lalo na sa math.
Noong elementary paman ako ay mas gusto ko na ang english dahil pakiramdam ko mas madali itong unawain kesa sa mga numero at mga rules sa math, pero dahil sa pag-aaral ko natutunan ko naring mahalin ang matimatika.
"What is 16 X 3?" Basa ko sa tanong na nakasulat sa libro ng kapatid kong si Percy.
Napapansin ko kasi na mahina din siya sa math kesa sa ibang subject kasi nakakaya niya naman iyong tapusin ng siya lang, kaya nga hinihintay niya akong matapos sa gawaing bahay para matulungan ko siya.
Umakto siyang nag-iisip, alam kong kaya ng kapatid kong matutunan ito dahil palagi namin itong inaaral araw-araw.
"16 X 3 is equal to 48, kuya!" Napangiti ako nang makuha niya ang tamang sagot.
"Ayun o diba madali lang? Dapat pag pina answer ka ni teacher sa harap ng isang math problem tayo ka agad at tsaka ayusin mo ha? Do your best in everything dapat. " niyakap ko ang kapatid ko at sabay kaming nanood ng TV.
Si papa at si Jackson ay nanonood na ng palabas noong nag-aaral kami ni Percy, si Jackson kasi hindi na kailangan ng tulong ko pagdating sa mga assignments niya, matalinong bata ang kapatid kong yun.
"KUYA! SI KUYA BENREV TUMATAWAG!" Sigaw ni Jacksob saakin mula sa kwarto.
Agad akong tumayo at iniwan muna sa salas ang kapatid ko at si papa saka ko kinuha ang cellphone ko sa kamay ni Jackson.
Kanina pa umalis si Ben papunta doon sa party na sinasabi ni Akuji, sana naman ay nasiyahan siya doon hindi pa naman niya kakilala ang mga taong nandon, malamang mga artista at iba pang sikat na klase ng tao ang aattend sa party ni Akuji, isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sayangin ang oras ko doon.
"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Ben.
Rinig na rinig ang tunog ng malakas na music mula sa tawag, nasa party nga siya.
"Ed sundoin mo naman ako dito o, bad trip naa-out of place ako dito sa dami ng artista, may nakaaway pa ako kanina habang nag-uusap kasi kami ni Narsha aksidente kong napatid yung girlfriend noong sikat na modelong kaibigan ni Akuji ayun nagalit sakin. " napailing ako sa kuwento niya.
Kahit saan talaga ay napaka sunurin ng malas ng kaibigan kong si Ben, kahit saan siya magpunta may away talaga siyang nakikita, surprising na ngayon hindi na dahil sa pagkamadaldal niya kung hindi dahil sa katangahan niya.
At ano? Susundoin ko siya? Ba't ko naman gagawin iyon? Ginusto niyang pumunta sa party kahit sinabihan ko na siyang huwag nalang pumunta dahil siya lang mag-isa, pero ayun at nagpumilit siya kaya yun ang napala niya. AWAY!
"Alam mo ikaw? Napaka clumsy mo talaga, alam mo namang maraming tao diyan diba? Mga sikat payan, paano kung ipaligpit ka niyang mga yan pagkatapos?" Naupo ako sa upoang nasa harap ng study table ko "Sinabi ko sayong huwag kanang pumunta diyan pero nagpumilit ka, ngayon magpapasundo ka sakin? Nakarating ka diyan kaya humanap ka ng paraan para makabalik ka dito ng buhay wag mo akong idamay. "
Pinatay ko na agad ang tawag at ini-silent ang cellphone ko, kailangan ko pang mag-aral at baka may surprise quiz para saamin bukas lalo na at si Sir Gabriro na ang prof namin bukas kapalit ni Ma'am Amoden.
Pero hindi ako makapag-aral nang maayos dahil sa paulit-ulit na pag vibrate ng cellphone ko, gusto ko sanang iblock ang number ni Ben para hindi na ako maistorbo.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomanceAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...