Chapter 21

950 62 19
                                    

BREATHE'S POV,

Nasa kuwarto ako ngayon at katabi ko ang mga kapatid ni Edzakiel na sina Jackson at Percy, ilang oras narin nang maka-uwi kami kasama si Akuji.

Nasa bahay na ngayon ang kakambal ko at nagpapahinga, noong una ay nagulat siya nang makitang magkasama kami ni Edzakiel nang puntahan namin silang dalawa ni Ender sa bundok.

Hindi ko mapigilang mapahikbi, naaalala ko ang nadatnan namin kapag pumipikit ako at ayoko nang makita pa ulit yun, ang sakit nang dibdib ko na para bang pinupukpok ito nang martilyo.

Wala akong karapatan na masaktan, ako naman ang nang-iwan eh.

"Breathe, ayos kalang ba?" Agad kong pinahid ang luha sa pisngi ko at sinalubong ang nag-aalalang tingin saakin ni Edzakiel.

Mapait akong ngumiti sa kaniya at tumango, ilang araw rin ay magiging okay na ako.

Tumabi siya saakin at inilahad niya saakin ang mga kamay niya kaya naman tinanggap ko ito, pagkatayo namin ay agad niya akong hinila papalabas nang kuwarto at ngayon ay nandito na kami sa bubong nang mumunting bahay nila.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Edzakiel, pero agad naman akong gumanti sa yakap niya.

"Maraming salamat, Breathe..." Mahinang pagpapasalamat niya na ikinangiti ko.

Totoo, nang makita ko si Ender sa tulay nang San Francisco ay natakot ako lalo na dahil alam kong maaaring kasama niya ang kakambal ko at napatunayan nga iyon sa pamamagitan nang mga damit ni Akuji sa plastic bag na hawak niya.

Natakot ako na baka pag nakita niya ako ay masaktan lang ako at muli ko na namang maalala ang nagawa kong pananakit sa kaniya, natakot ako na makita ang galit sa mga mata niya.

Pero hindi iyon ang sumalobong saakin kung hindi ay ang paghahalikan nilang dalawa nang kakambal ko.

Ilang linggo'ng nawala si Akuji sa buhay namin ni Edzakiel at alam kong kasama niya noon si Ender habang wala siya dito at hindi puwedeng hindi alam ni Ender na magkakambal kaming dalawa ni Akuji dahil noon paman ay naikukuwento ko na ito sa kaniya.

"Simula nang makilala kita parang gumaan ang pakiramdam ko, simula nang makasama kita pakiramdam ko may karamay na ako, kaya kahit kailan huwag mong isipin na malas ka saakin, dahil ang tanging nasa isip ko ngayon ay suwerte ka at malaki ang pasasalamat ko dahil sa tulong na ibinigay mo saakin na mahanap si mama." Hinimas ko ang likod niya.

Masaya rin ako na ngayon ay alam niya na na buhay ang mama niya, pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil may nga dapat pa siyang malaman tungkol sa aming dalawa nang ina niya.

"May sasabihin ako sa iyo ngayon at napaka importante nito, gusto kong unawain mo akong mabuti at gusto kong sumunod ka nalang sa gusto kong mangyari." Gulat siyang napatingin saakin.

Umayos ako nang upo at napa buntong hininga saka ko inalala kung paano ko nakilala ang mama niya, pero masiyadong mahaba iyon para i kwento ko pa sa kaniya ang lahat nang nangyari saaming dalawa.

Ang importante ay malaman niya kung paano niya madaling makukuha ang nanay niya, at kahit ikamatay ko man iyon ay gagawin ko ang lahat nang makakakaya ko mailigtas lang siya ni Edzakiel sa lalong madaling panahon.

"Alam kong nahihirapan ka na, alam kong gusto mo nang makita ang mama mo. Kaya heto ako ngayon at sasabihin ko na kung paano mo siya madaling makukuha." Bumuntong hinga ulit ako.

"P-Paano?" Nagugulantang na tanong niya saakin.

Sa ngayon ay gusto ko munang humingi nang isang pabor sa kaniya at sa pagbalik ko ay doon ko na sasabihin ang lahat sa kaniya.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon