AKUJI'S POV,
Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi parin nahahanap ang bangkay ni Breathe, ilang linggo narin akong nasa kwarto lang at nag mumukmok, ayokong lumabas, ni kumain ay wala akong ganang gawin, hindi na ako makaramdam ng gutom.
Kasi pakiramdam ko kailangan kong mag dusa, dahil hindi ko manlang magawang sagipin ang kaisa-isang tao na naging totoo saakin, ang sakit kasi parang wala na akong silbi dahil wala na siya.
Ang sakit na para bang gusto ko na rin lang sumunod sa kaniya pero alam kong kung buhay pa siya ay hindi niya gugustohing mangyari iyon, so now for the first time in weeks I decided to get on my feet and get out of my room.
Kailangan kong kumilos, kailangan kong hanapin ang kapatid ko, kahit iyon manlang ay magawa ko, nang sa ganon ay maging kapakipakinabang naman ako.
"Sus maryosep!" Bungad saakin ni Jelai, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Gulat na gulat ang mukha niya na para bang nakakita siya ng multo, hindi na ako nagtaka sa reaksyon niya, nabawasan lang naman ako ng 3 pounds pagkatapos kong kumain ng puro oatmeal sa loob ng ilang linggo.
I probably look like a zombie right now, but the hell I care.
"Sabihin mo kay Kuya Willy na ihanda ang sasakyan, aalis kami ngayon." Utos ko sa kaniya.
Tango lang ang isinagot niya saakin at agad na kumuripas ng takbo palabas ng bahay, tinungo ko ang kusina at nakita ko doon si Nanay Loring na nagluluto ng breakfast na obviously ay para saakin.
Kagaya ni Jelai ay nagulat rin siya, pero imbis na manigas sa kinatatayuan niya ay bigla niya akong niyakap at hinagod sa likod, napapikit ako, pinipigilan ko ang luha ko.
"Salamat naman at naisipan mo nang lumabas, Akuji." Umiiyak na aniya.
Hinagod ko nalang ang likod niya saka ako lumayo at ngumiti.
"Pagod na akong mag hintay nalang, nay. Kailangan kong maging malakas para sa kapatid ko." Tumango siya at hinaplos ang pisngi ko.
"Masaya ako dahil nakikita kong lumalaban ka sa kabila ng pinagdadaanan mo," tumango lang ako "Siya nga pala, may mga regalo ka ng natanggap mula sa mga taga hanga mo sa school, nasa storage room tignan mo nalang kung gusto mo."
Kumunot ang noo ko, kailan pa ba ako nagkaroon ng taga hanga sa school? Eh halos lahat nga ng estudyante doon mag galit saakin na para bang inaano ko sila, tapos ngayon pagkatapos ng ilang linggo makakatanggap ako ng regalo mula sa kanila?
"At yung mga galing kay Edzakiel..." napayuko si Nanay Loring.
"Paki lagay ng mga regalo ni Edzakiel sa kwarto ko mamaya, sa ngayon aalis na muna ako para pumunta sa tulay ng San Francisco gusto kong mag tanong-tanong doon." Malaki ang ngiti ni Nanay nang marinig ang sinabi ko.
Pasimple rin akong ngumiti bago nagpaalam at umalis ng bahay.
Pagkatapos ng matagal na panahon kong pagluluksa ay sa wakas nakalabas narin ako ng bahay, wala parin namang nag bago sa paligid, pero hindi ko alam kung bakit naninibago ako sa pakiramdam, siguro dahil matagal-tagal rin akong hindi nakakakita ng mga puno at mga sasakyan.
BINABASA MO ANG
I'll Be Yours Someday
RomantikAkuji Dale Entrata, pumapanting ang tenga ng lahat sa tuwing naririnig nila ang pangalan niya. Ambisyosa, spoiled brat, mayaman, model, masama ang ugali at higit sa lahat huwag nating kalilimutan ang pinakahuling katangian na nakadikit na yata sa pa...