Chapter Seventeen

506 39 8
                                    

AKUJI'S POV,

Ang sakit nang dibdib ko, at dahil sa sakit noon ay parang nawawala na ako sa tamang pag-iisip at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang matayog na tulay sa ibabaw nang isang mabatong ilog.

Ako lang mag-isa dito at dahil doon ay mas lalo kong nararamdaman na mag isa nalang ako ngayon.

Maybe the reason why I'm suffering now is because I have always been a bad person, siguro ay karma ko na ito dahil masama ang ugali ko at kahit kailan ay hindi ako naging mabait sa ibang tao sa kabila nang pagpapakita nila saakin nang malasakit.

I always think of myself as a victim but in reality I am the antagonist of my own story, kalaban ko ang sarili ko pero iniisip ko na ibang tao ang may kasalanan kung bakit ako ganito ngayon.

I'm such a wreck...

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo nang maalala ko kung saan talaga ako nagsimulang nagkaganito.

"Gusto mo rin ba ito? Sige hati nalang ta'yo bigay saakin 'to ni sister Freya." Sabi ni Breathe saakin habang nakaupo ako sa swing at nanonood sa mga batang naglalaro.

Kunot noo kong tinignan ang kamay niyang may hawak na sandwich at inaabot niya saakin ang kalahati nito, nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang bigla kong tabigin ang kamay niya at nahulog ang sandwich sa lupa.

"Puwede bang wag mo na akong kausapin ulit? Hindi na tayo magkakambal, hindi na kita kilala, iiwan mo na rin naman ako kagaya ng ginawa ni mama satin diba? Kung ganoon hindi na tayo magkakambal!" Sabi ko sa kaniya at agad na itinulak siya hanggang sa bumagsak siya deretso sa lupa at agad akong naglakad.

"Akuji, hindi kita iiwan. Alam ko namang ibabalik rin nila ako dito e, ayoko sa kanila gusto ko kasama kita, kakambal tayo diba?" Pero kahit anong sabihin niya hindi ko parin matanggal ang galit sa dibdib ko.

10 lang ako noon nang nalaman kong may gustong umampon kay Breathe at walang may gustong umampon saakin, naiinis ako kasi palagi nalang siya.

Palagi nalang siya ang gusto nang lahat dahil mabait siya at matulungin, masayahing bata at pala kuwento, pero kahit isa sa bahay ampunan walang may gusto saakin.

Pakiramdam ko ayaw saakin nang lahat, pakiramdam ko mas mabuti nang maglaro akong mag-isa kesa makipag laro sa ibang bata na hindi naman ako gustong makasama.

Kasi palagi nalang si Breathe yung magaling, palagi nalang si Breathe yung mabait at palagi nalang si Breathe ang matalino.

Kahit kailan hindi ko narinig na sinabi nilang magaling ako at maganda, mabait at kahanga-hang, ang tanging bagay lang na naririnig ko mula sa mga bibig ng mga tao dito ay.

'Sobrang sama ng ugali nang batang iyan... '

'Nagtataka ako kung bakit ganiyan ang ugali ni Akuji, samantalang si Breathe mabait naman at bibo.'

'Ayoko sa'yo, hindi ka namin kaibigan kasi bad ka hindi kagaya ni Breathe!'

Puro masasamang bagay ang naririnig ko tungkol saakin, noong minsan pa narinig ko yung babae'ng aampun sana kay Breathe at sinabi ni mother lady na kailangan isama rin ako kung aampunin niya si Breathe ay bigla itong umatras at sinabing.

'Gusto kong alagaan si Breathe, pero hindi ko alam kung kaya ko rin bang alagaan si Akuji, masiyado kasi siyang musmusin at moody.'

"Palagi nalang ikaw ang paborito nang lahat Breathe, alam mo ba kung gaano kasakit marinig na pinupuri ka nila habang binabaliwala nila ang maliliit na tagumpay ko? Hindi diba? Kasi lunod na lunod ka sa pagmamahal habang ako lunod na lunod sa mga masasama nilang salita patukoy saken. " Minsan nga naisipan ko pang magpanggap bilang si Breathe.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon