Chapter Sixteen

508 33 3
                                    

EDZAKIEL'S POV,

Ilang linggo na ang nakalipas nang malaman ko ang totoo mula kay Breathe, mula noon ay hindi ko na siya nakitang muli at ganoon din si Narsha, hindi ko mawari kung bakit ako kinakabahan ngayon.

Hindi parin alam ni Akuji ang tungkol sa kambal niyang si Breathe at wala pa akong planong sabihin iyon sa kaniya, ayokong pangunahan ang kambal niya sa pagsasabi nang totoo at sa palagay ko ay wala akong karapatan na magsabi noon sa kaniya.

Ngayon ay nasa bahay ako ni Akuji habang tinutulongan ko siya sa pag gawa ng project niya sa General Math, nahihirapan daw kasi siya sa mathematics kaya tinawagan niya ako para magpa tulong.

Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil paulit-ulit kong ikinukumpara si Akuji sa kakambal niya at hanggang ngayon ay hindi ko parin malimutan kung gaano kaganda ang kulot na buhok ni Breathe.

Nababaliw na yata ako...

"Hoy? Are you really okay? Bakit kanina kapa iling nang iling diyan?" Biglang tanong saakin ni Akuji.

Mabilis akong nakapag-isip kung ano ang isasagot ko, at imbis na sagutin siya kung anong nangyayari ay sinagot ko siya ng isang tanong para mawala sa akin ang usapan.

"Kanina ko pa kasi iniisip kung ilan kayong magkakapatid, hindi ko pa kasi nakikita ang mga kapatid mo at ang daddy at mommy mo." Pasimple kong tanong sa kaniya "Hindi ba weird na wala dito palagi ang parents mo?"

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa pagtatype sa laptop niya saka niya ako sinagot.

"Palaging nasa ibang bansa si mom at dad, si kuya naman ay walang magawa sa buhay kung hindi ang magpaka tanga doon sa girlfriend niya, and my sister is also overseas she's a doctor." Tumango ako.

Hindi ko alam na isang doctor pala ang ate ni Akuji, ang alam ko lang ay sikat ito pero hindi ko alam kung sa anong track siya sikat inisip ko nalang na baka model din siya kaya hindi ko inexpect na doctor pala ang ate niya.

Gusto kong pigilan ang sarili ko sa pagtatanong sa kaniya kung may naaalala pa ba siya noong batang-bata pa siya, at gusto kong mag tanong kung may kakambal ba siya pero hindi ko alam kung sa anong paraan ko itatanong iyon.

"Pfffff... " bumuntong hininga nang bigla si Akuji at tila nag-iisip.

Bigla niyang isinarado ang laptop niya at patalon na humiga sa kama niyang napakalaki at mukhang anlambot.

Nakatingin lang siya sa kisame habang malalim ang iniisip at sunod-sunod na buntong hininga ang pinapakawalan, mukhang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya kung dapat ba o hindi.

"Gusto ko sanang sabihin sa'yo ang sikreto ko... Pero hindi ko alam kung kailangan mo ba talagang malaman o hindi." She closed her eyes and breatge heavily again.

Tumayo ako at wala sa sariling tumabi sa kaniya pero hindi sa mismong ibabaw nang kama kung hindi sa sahig lang at tumingala rin ako sa kisame.

"Kung naiipit ka sa dalawang bagay kagaya ng sasabihin mo ba o hindi, idikit mo ang mga kamay mo at hawakan mo yun nang mahigpit na para bang nagdadasal ka, tapos patayuin mo ang dalawang hintuturo mo at itutuk mo sila sa isa't-isa." Nakita kong ginagawa niya kung ano ang sinasabi ko.

Kaya naman napangiti ako't ginawa ko rin ang paraan ko kung paano lumusot sa pagitan ng dalawang bagay na nakapag papabagabag sa isip ko.

Sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol kay Breathe o huwag na?

"Wag mong pilitin at hayaan mo ang dalawa, kapag nagdikit sila sasabihin mo ang secret mo saakin at kapag hindi sila nagdikit sa loob ng sampong segundo ay manatili kang tahimik." Ginawa ko ang ginagawa niya.

I'll Be Yours Someday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon