Kabanata 3

21 3 0
                                        

Kabanata 3: Crush

Ang mainit na sinag ng araw ay tumagos sa bintana ng aking kwarto patungo sa aking balat.

Linggo na ngayon, ilang araw ang lumipas simula nang nakilala ko si Kiko. Sa mga nag daang araw, lagi siyang pumupunta dito sa bahay namin at tumatambay. Ewan ko ba sa kaniya kung ba't niya naisipan 'yon.

Nagkamali ako sa sinabi kong, pag katapos ng isang linggo, may bago na naman akong crush bukod sa kaniya. Hindi 'yon nangyari. Kasi, hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya.

Kakatapos ko lang maligo at mag bihis dahil mag sisimba kami mamayang alas sais. Sinabi din sa'kin ni Ate na sasama daw si Kiko at si Ian sa'min mag simba.

Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko. Iniluwa naman nito ang kinakapatid kong si Ice, limang taon pa lang siya.

" 'Te Mika! Laro tayo, Minecraft!" aniya't hinila na ako palabas ng kwarto. Dinala naman niya ako sa sala kung saan, nakaupo sila Ate at si Gaile.

Gaya nang lagi kong ginagawa ay hindi ako nag salita. Hinayaan ko nalang si Ice na mag pakitang gilas mag laro ng Minecraft.

Hindi mawala sa aking isip na sasama nga mag simba sa amin sila Kiko. Ito ang unang beses na makakasama ko siya mag simba. Unang beses na kasama ko siya, sa harap ng Diyos.

Pano kung mag pakasal kami? Mag karoon ng magandang pamilya, at mabuhay ng masaya? Napangiti ako ng malaki sa na isip ko.

Gusto ko siya maging asawa.

Tumingin ako sa orasan. Mag a-alas kwatro na pala.

Napagpasyahan kong lumabas ng bahay.

Gusto ko siyang antayin.

Gusto ko siyang salubungin.

Gusto ko siyang yakapin.

Tahimik akong umupo sa tapat ng aming gate para antayin siya. Wala na akong pake kung madumihan man ang kulay pink kong pantalon. Basta, aantayin ko siya.

Naisip ko, bakit nga ba ako nag aantay sa labas ng bahay? Kung pwede naman akong mag antay sa loob ng bahay. Ganon na ba ako kabaliw sa kaniya? Baliw? Baliw na ako sa kaniya?

Alas sais pa ang simula ng misa, Mika. At alas kwatro pa lang. Ibig sabihin, mag aantay ako dito ng halos dalawang oras?

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon dahil wala akong pake kung sino siya.

Kinulbit niya ako. Binalewala ko nalang ang pag kulbit niya. Oh, please, wala ako sa mood.

Patuloy lang ang pag kulbit niya sa akin. Nag simula akong ma-irita sa ginagawa niya. Ang kulit ng lelang neto!

Isang malakas na pwersa ang tumulak sa akin. Agad kong itinukod ang kanang braso ko para hindi masubsob nang tuluyan ang aking mukha. Nakarinig ako ng malakas na halakhak. Hinayupak ang tumulak sa akin!

Dahan-dahan akong tumayo habang iniinda ang sakit sa aking kanang braso. Nakita ko si Ice na tumatawa pa. Hindi ko siya titigilan. Gaganti ako!

Nang makita niya ako, agad siyang tumakbo. Hinabol ko naman siya.

Walang-hiya ka! Pano kung nasugatan yung mukha ko?! Baka ayawan ako ni Kiko pag nag kataon!

Sadiyang napakabilis niyang tumakbo. Ni-hindi ko siya mahabol-habol. Bukod sa siya ay mabilis, maliit din siya kaya kung saan-saan nakakalusot.

Hindi ko siya tinigilan. Hingal na hingal na ako habang siya ay tumatawa pa!

Hanggang sa hindi ko na talaga kaya. Tumigil ako at tsaka hinabol ko ang hininga ko. Napaka lakas din ng kabog ng aking dibdib.

Remembering YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon